Lunar 11: Brothers in Arm

216 18 0
                                    

Lumipas ang isang oras at nanatili pa kami ni Junel sa loob ng maliit na sa silid na iyon.

"Ano ang kwento mo?" tanong niya sa akin.

"A-ako?" napangisi ako. "Tumakas ako sa lungsod."

Natawa siya.

"Bakit?" kako. "Anong nakakatawa?"

"Tatakas din kasi ako ro'n. Pero, nahuli ako ng kapitolyo at ipinatapon sa labas ng ng siyudad. Tapos no'n nahuli nako ng mga Zargon at ikinulong," kwento niya.

"Ang swerte mo," sarkastiko kong sabi.

Huminga siya ng malalim bago inilabas ang kapirasong tela.

"T-t-teka!!" balikwas ko. "Huwag mong sabihin dudumi ka na naman!!"

"Hindi," ngisi niya. "Larawan ito ng mag-ina ko," aniya.

Ipinakita niya sa akin ang nanlilimahid na tela. Inabot ko iyon at tinignang mabuti. Nakaburda roon ang imahe ng isang babae at sanggol. Medyo kupas na iyon kaya inilapit ko iyon sa mukha ko para makita ng mabuti.

"Sila ang mag-ina ko," aniya. "Habang-buhay na silang alipin dahil sa pagtuligsa ko sa kapitolyo."

Nalungkot ako para kay Junel.

Ang kapitolyo... Pagbabayaran nila ang pang-aapi at pangloloko nila.

Iniabot ko pabalik kay Junel ang nanlilimahid na tela. "Mabuti't kahit papaano mayroon kang larawan para maalala mo ang pamilya mo."

"Oo nga e. Andumi na nga, e," aniya.

Ngumiti ako. "Bakit nga ba ang dumi n'yan?"

"Minsan kasi, ginagawa ko 'tong pamunas ng pwet."

Agad kong binawi ang ngiti ko. Punyeta. Inilapit ko pa sa mukha ko. Lintek.

***

Dinala kami ni Junel sa ikatlong bulwagan.

"Ito ang huling bahagi ng palaro," bungad ng tagapag-anunsyo. "Isang pagsubok na lamang ang inyong pagdaraanan at mapapasa-inyo na ang inaasam ninyong kalayaan."

Nang mga sandaling iyon. Inihanda na namin ni Junel ang aming mga sarili.

"Junel." Inilahad ko ang aking kamay. "Galingan natin, para pareho tayong makalabas dito."

Ngumiti siya at inabot ang kamay ko. "Oo, Flint."

Nainiwala akong makakaligtas kami pareho.

"Ang dalawang taong pinagbubuklod ng pagkakaibigan," usap ng tagapag-anunsyo. "Isang koneksyong puro at moral... Pero, paano kung dumating ang oras na isa lamang sa kanila ang maaaring mabuhay? Ano ang kanilang pipiliin? Pagkakaibigan, o sariling kaligtasan?"

"T-teka. Ano ba'ng sinasabi n'ya?" kunot-noo kong reaksyon.

Bumukas ang sahig sa gitna ng bulwagan at tumambad sa mula sa ilaim ang matatalas na mga tulos.

Nahulog at tumarak sa aming harapan ang dalawang matalas na espada.

"Damputin n'yo ang inyong mga sandata," ani ng anunsyo. "Mayroon lamang kayong tatlong minuto. Ang maiwang buhay kapag naubos ang oras, ang mananalo at makakalabas ng buhay rito."

"A-ano?!" sabay naming pagkabigla ni Junel.

Tumawa ang tagapag-anunsyo. "Sino sa inyo ang handang mamatay para sa isa?"

"H-hindi!! Kalokohan 'to!" singhal ko.

Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong senaryo.

Maya-maya pa'y, binunot ni Junel ang nakatarak na espada sa kaniyang harapan.

Atlantika (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon