Lunar 3: Another World

430 22 2
                                    

Napabalikwas ako ng tayo. Tanghali na akong nagising ngayong araw. Hindi ko narinig ang tunog ng sirena. Malas.

Magaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nakahiga pa rin ako sa higaan ko. Ito na marahil ang pinakamahabang pahinga ko.

Parang lutang pa ang utak ko. Nakakarinig ako ng tunog ng musika. Napabangon ako at sumilip sa bintana. May banda sa labas. Ito pala ang ika-dalawampu't tatlong anibersaryo ng pagiging mayor ni Maryor Quin bilang mayor. at sa araw ring ito ang ika-apat na taon na ako sa apartment na ito.

Kakaiba ang pakiramdam ko pero mas kakaiba ang amoy sa labas---parang may nagbatuhan ng tae.

Maglalakad na sana ako nang mapansin kong wala na ang makinang iyon sa sahig.

Napakunot ako ng noo at napakamot ng ulo. "Teka. Ano bang nangyari kagabi?" Lumuhod ako sa sahig at pinulot ang gintong chip. Binulsa ko yon.

Isang kakaibang boses ang narinig kong kumausap sa akin. "Flint, handa na ang pagkain mo."

Bigla akong natigilan at napakunot ng noo. Dali-dali akong tumayo at napatingin. Napatalon ako sa gulat ng makita ko kung sino ang kumausap sa akin---Nakita kong nakatayo at nakangiti sa harap ko ang makinang iyon---buhay siya.

Napaatras ako at napa-upo sa sahig. "N-nagsasalita ka?!" natataranta kong duro sa kaniya.

"Oo."

"Imposible! Nananaginip lang ko!" yugyog ko sa ulo ko.

"Hindi ka nananaginip," aniya. "Totoong nagsasalita ako. Kaya ko ring magluto, maglaba, maglinis, mamalengke, tumula, kumanta, sumayaw ng Zumba at mag-dubsmash."

Holy shit. Dito na ako napasigaw at napakaripas ako ng takbo, palabas ng bahay. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Mababaliw yata ako.

'Sing bilis ng kidlat ang paghangos ko palabas ng gusaling iyon. Nakakita ako ng ilang mga nagra-rally sa gilid ng kalsada. Dali-dali akong lumapit at isiniksik ang sarili ko sa mga nagkukumpulang raliyista. Inagaw ko ang hawak na banner ng katabi ko at nakisigaw sa kanila.

"Pantay-pantay na karapatan!" sigaw ng leader ng mga raliyista.

"Pantay-pantay! For the win!" sigaw namin.

Ito ang kasalukyang senaryo nang biglang mapadaan si Lua at mapahinto sa harap namin. "Flint?"

"L-Lua??"

Ito ang unang beses na kinausap ako ni Lua. Hindi ako makapaniwala.

Taas noo akong ngumiti. "Kumusta, Lua?"

"Okay naman," sagot niya sabay ngiti. "Nakakatuwa ka naman, Flint. Hindi ko alam na sumasali ka pala sa rally ng mga bading."

Natulala ako. "Ha?"

Napalingon-lingon ako sa paligid. Nasa gitna pala ako ng mga nagra-rally'ng bading. Napatingin ako sa hawak kong banner. Nakasulat doon ang mga salitang Proud Bading. I love it. Mwah-Mwah. Pa-chup chups.

Putrages.

Mabilis kong itinapon ang hawak kong banner. "T-teka! Lua! Nagkakamali ka! Hindi ako kasali sa kanila!" mariin kong tanggi.

Napalitan ng pagdududa ang mukha ni Lua. Pinaningkitan niya ako ng tingin at nagpamewang. "May itinatago ka ba, Flint?"

Sandali akong natigilan. "Ang totoo n'yan, Lua, meron... Ano kasi..."

Ngumiti siya. "Okay lang 'yan, Flint. Wala namang masama sa pagiging bading."

"Oo nga. Thanks... Teka! Hindi!!"

Atlantika (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon