Lunar 22 Finale: Rise

268 16 0
                                    

Isinakripisyo ni Zee ang sarili para sa mga tao. Natalo si Faust at nawasak ang Espada ni Zeus, pero nag-iwan ang malakas na pagsabog na 'yon ng malaking pinsala sa malaking bahagi ng Atlantika.

Hindi nagtagal at natalo ng mga Zargon ang mga Cyborg ng kapitolyo. Nakatakas naman si Mio.

Dumating si Jeru sa liwasan, kasama ang kaniyang pamilya. Inayos niya ang braso ko. Nang mga oras ding 'yon, isiniwalat ni Jeru ang isang masamang balita.

"Malaki ang naging pinsala ng Atlantika dahil sa pagsabog," aniya. "Unti-unting pinapasok ng tubig ang malaking bahagi ng lungsod. Kapag nagpatuloy ito, mamamatay tayong lahat."

Natahimik ang lahat sa mga sinabi ni Jeru. Nabalot ng matinding takot ang mga mamamayan. Umiral ang mga espikulasyon, bulungan at labis na pagkabahala.

Nagpaling sa akin ng tingin si Etheror. "Flint. Kailangan mong magsalita para pakalmahin sila."

"T-teka po. B-bakit ako?"

"Dahil ikaw lang ang nag-iisang taong makakagawa no'n. Wala nang ibang tulad mo na naglakas-loob na tumayo laban sa kapitolyo at ipaglaban ang kalayaan."

"Oo nga, Flint," segunda naman ni Jeru.

"Magsalita ka na, Flint!" bunyi ni Glym.

Sandali pa akong napako sa kinatatayuan ko. Nagpaling ako ng tingin sa mga nagkakagulong mga mamamayan. Bakas sa kanilang mga mata ang takot at kawalan ng pag-asa. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ng isang tulad ko para maibsan ang takot na nararamdaman nila.

Bigla na lang nagbalik ang lumilipad kong diwa nang hawakan ako ni Lua sa aking balikat.

"Flint..." Ngumiti siya at nagbigay ng makahulugang tingin.

Kasabay ng mga ngiti ni Lua ang kislap sa kaniyang mga mata na nagsasabing naroroon lamang siya para suportahan ako, anuman ang mangyari. Naramdaman kong ang isang responsibilidad na alam kong dapat kong gawin.

Tumindig ako at tumayo sa ibabaw ng entablado. "Hindi tayo pwedeng sumuko," bungad ko na umalingawngaw sa malawak na liwasang iyon. Bigla tumahimik at nakinig sa akin ang lahat. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "Isinakripisyo ni ng kaibigan kong si Zee ang sarili para sa atin. Kapag nawasak ang Atlantika, mamamatay tayong lahat. Mababale wala ang sakripisyo niya. Hindi tayo pwedeng tumayo na lang dito at walang gawin. Kailangan nating magpatuloy. Tayong lahat. Sama-sama para malagpasan ang pagsubok na 'to," ani ko sa kanila. "Kailangan nating magtulong-tulong sa panahong ito. Android, Cyborg, tao, Zargon, iisa lamang ang tahanan natin. Ang Atlantika."

Isang palakpak na dahan-dahan pang nasundan ng daan-daan at libo-libo ang sunod na umalingawngaw matapos ng mga sinabi ko.

Hindi ko rin alam kung saan ko hinugot ang mga salitang iyon. Pero, nang mga sandaling iyon. Si Lua lamang ang nasa-isip ko... Hindi ako pwedeng sumuko. Para kay Lua, kailangang may gawin ako.

***

Ngayon, kasalukuyang nagtutulungan ang lahat para remedyohan ang mga pinsala ng Atlantika, pero hindi iyon sapat para pigilan ang nalalapit na pagkawasak ng siyudad. At pakiramdam ko, dahil sa talumpati ko no'ng nakaraang araw ay nakapatong sa balikat ko ang mabigat na responsibilidad para iligtas ang lahat...

Nasalukuyan akong nakaupo sa kama ko. Nakahalukipkip habang malalim na nag-iisip ng mga susunod na gagawin. Huminga ako ng malalim bago tumayo. "Anong gagawin ko?!" Sabunot kong bigla sa sarili.

Magta-tatlong oras na akong paikot-ikot sa kama at walang maisip. Sumasakit na ulo ko.

Sumilip ako sa bintana sa tabi ko. "Bakit ba kasi ang hirap maging isang tao?!" sigaw ko sa labas.

Atlantika (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon