Lunar 20: Chaos Degree

227 17 0
                                    

Gamit ang tracer na iniwan sa akin ni Jeru, nilakbay ko ang pinakamalalim na bahagi ng Atlantika.

Nakita ko si Mio na nakatayo sa harap ng isang malaking kapsula. Sa tabi ng kapsula makikita ang mga kakaibang makina kung saan naroroon si Jeru at ang kaniyang pamilya. Pinatatakbo ni Jeru ang malalaking tubo ng nakakunekta sa misteryosong kapsula, habang nakatutok ang isang maliit na pistolang hawak ni Mio sa kaniyang pamilya.

"Flint Axis?" malawak na ngisi ni Mio.

"Nasaan si Lua?!" diretsahan kong tanong.

Pumikit si Mio, natawa at umiling. "Nahuli ka na, Flint," aniya.

Nagulat ako nang mapapaling ako ng tingin sa malaking kapsula sa kaniyang likuran--nakita ko si Lua na walang malay sa likod ng makapal na salamin. Nakakunekta sa kaniyang katawan ang malalaking kable at mga mekanismo.

"LUA?!" Hindi ko na napigilan pa ang bugso ng aking emosyon. "Anong ginawa nyo sa kaniya?!"

Nagpaling si Mio ng tingin sa malaking kapsula. "Nakuha na namin ang impormasyon sa pinagtataguan ng sandata mula sa kaniyang DNA. Ang aming pinuno na ang mamumuno sa mga tao!"

"Pinuno?!" pagkalito ko. "Sinong pinuno??"

Iyon ang kasalukuyang sitwasyon nang marinig ko ang ilang mga marahang yabang na papalapit na amin. Napapaling ako ng tingin sa taong iyon. Nakasuot ng elegante na kasuotan, plantsado ang buhok at pormal kung kumilos.

"Faust?! I-Ikaw?!"

"Oo, Flint Axis. Ako," malumanay niyang sagot. "Ako..."

"Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito?!"

"Ako nga."

"Bakit mo 'to ginagawa?!"

"Simple lang. Pagkontrol."

"Pagkontrol?"

Ngumiti lamang siya. "Huwag mong sabihing hindi mo pa alam? Ang media ang nagdidikta ng inyong mga kausotan, ng inyong mga pagkakaabalahan, ng inyong mga paniniwalaan. Ito ang makabago at pinaka-epektibong pamamaraan ng pagkontrol."

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo!"

"Simple lamang. Hainan mo ng basura ang isip ng tao ng hindi nila nalalaman. Ganoon mo sila masasakop."

"Napakasama mo!" singhal ko. "Marami ka nang pera, bakit kailangan mo pang gawin ang mga bagay na 'to?!"

Umiling siya. "Hindi na ito tungkol sa pera, Flint Axis. Tungkol ito sa pagsakop sa kamalayan ng mga tao para mapasunod sila sa kagustuhan ko. Pero, hindi iyon sapat. Takot. Takot ang pinakamabisang paraan para mapasunod ang mga tao."

"Dami mong alam! Pakawalan n'yo si Lua!"

"Hindi maaari," aniya.

"Kung ganon, humanda ka!" singhal ko.

Buong bilis ko siyang sinugod. Isang malakas na suntok, gamit ang aking bakal na kamao ang pinakawalan ko sa kaniya... Nang hindi inaasahan--walang kahirap-hirap lamang niyang sinalo ang aking bakal na kamao.

Ikinagulat ko ang kaniyang ipinamalas na liksi. "Paanong?"

Hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso at inihagis ako sa ere. Matapos ay buong bilis niya akong sinundan at sinipa. Bumulusok ako paibaba. Nawasak ang bahagi ng sahig kung saan ako humandusay.

Naglakad si Faust palapit sa akin habang nagpapagpag ng katawan.

"Pasensya na, Flint Axis. Wala akong oras nakipaglaro sa 'yo."

Marahan akong tumayo habang iniinda ang aking pagkakatilapon.

"Masakit ba, Flint Axis?"

"Ikaw kaya ihagis ko, tanga! Syempre masakit!"

"Pinapatawa mo ako, Flint Axis. Mabuti pa ay tanggapin mo na lang na ang lahat ng bagay sa mundong ito ay tungkol sa pagmamanipula sa isa't isa."

"Ayoko," inis kong sagot.

Muli ko siyang sinugod at nagpakawala ng isang suntok. Pero, bigla siyang naglaho sa hangin. Napakabilis niya. Naramdaman ko na lang bigla ang isang malakas na sipa na bumaon sa sikmura ko at muling nagpatilapon sa akin.

"Hindi ka mananalo sa akin Flint Axis," aniya.

Dahan-dahan akong bumangon. "Hindi pa ako sumusuko," sabi ko. "Ililigtas ko si Lua."

"Nakakatawa ka, Flint Axis."

Napasabunot ako sa sarili at naglululundag sa inis. "Pwede ba! Tigilan mo ang kakatawag sa buo kong pangalan! Flint na lang!!"

Kailangan ko siyang matalo, pero, napakabilis niya. Madali lang niyang naiiwasan ang pagsugod ko. Pero, hindi ako pwedeng sumuko.

Bumuwelo ako at sinuntok ang sahig. Nawasak ang sahig at nabalot ng makapal na alikabok ang buong paligid. Mabilis ko siyang inikutan. Huminga ako ng malalim at buong lakas na iniangat ang bahagi ng sahig na kinatatayuan niya. Nawalan siya ng balanse at napalundag sa hangin. Mabilis akong dumampot ng isang mahabang tubo at sinalubong ang pagbagsak niya.

"Lagot ka sa 'kin!!" buong panggigigil ko.

Nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay ng pagduyan ko ng aking hawak na bakal, papunta sa kaniyang mukha.

Isang malakas na hampas sa mukha niya ang nagpatilapon sa kaniya. Nagpagulong-gulong siya at napahandusay sa sahig.

Nagulat ang lahat.

Napapaling ako ng tingin sa dulo ng hawak kong bakal---bumaliko iyon. Nagulat ako kaya't nabitiwan ko 'yon sa sahig.

Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Gumalaw si Faust mula sa pagkakahilata sa sahig at dahan-dahang tumayo. Labis akong nagulat na nakita ko. Nabasag ang mukha ni Faust sa lakas ng pagkakahampas ko at tumambad ang mga nagkikislapang mga bakal at kable mula sa loob ng kaniyang pisngi.

"Isa kang Cyborg?!" balikwas ko.

Ngumiti lamang siya at nagpagpag ng katawan. "Nag-aaksaya lang ako ng oras dito," ani Faust bago nagpaling ng tingin kay Mio. "Mio, ang mapa?"

Tumango si Mio at inihagis ang isang micro-chip na madali namang nasalo ni Faust.

"Magaling. Ngayon hindi ko na kayo kailangang lahat. Tapusin mo na sila Mio," tumalikod si Faust, lumundag sa isang plataporma at tuluyan nang umalis.

Ngumisi si Mio at dahan-dahang itinutok ang hawak na pistola sa mag-ina ni Jeru. Napayakap ang ina sa bata.

"Paalam," walang emosyong ani Mio.

Bigla na lamang sinunggaban ni Jeru si Mio at pilit na inagaw ang baril nito. Nagpambuno ang dalawa at nagpagulong-gulong sa sahig.

Nakakita ng magandang pagkakataon para lapitan si Lua. Dali-dali kong nilapitan ang kapsula kung saan naroroon ang walang malay na si Lua na. Sinuntok ko ang mekanismo sa sa pinto ng kapsula at nawasak 'yon. Bumukas ang salaming pinto ng kapsula at nahulog si Lua.

Agad ko namang siyang sinalo sa mga bisig ko.

"Lua! Lua, gumising ka!"

Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. "Flint...?" malumanay niyang sambit sa pangalan ko.

Hinawakan ko siya sa pisngi. "Nandito na ako."

Ngumiti siya. "Dumating ka."

Ngumiti rin ako. "Siyempre naman. Pogi ako 'di ba?"

"Flint!" sigaw ni Jeru habang nakikipagbuno kay Mio. "Umalis na kayo rito!"

"J-Jeru?!"

"Pigilan nyo si Faust na makuha ang sandata!"

"Pero--!"

"Wala nang oras! Sa oras na mapasakamay niya ang sandata, katapusan na nating lahat!"

Wala na akong nagawa. Tama si Jeru. Ito ang tunay naming misyon.

Hinawakan ko nang mahigpit ang dalawang kamay ni Lua. "Kaya mo na bang tumayo?" seryoso kong tanong.

Tumango siya.

Dali-dali kaming tumakbo ni Lua paalis ng lugar na iyon...

~•○●° ATLANTIKA °●○•~
Thank you po sa walang sawang pagbabsa.

Atlantika (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon