Iu'Jang [14]: Not so ordinary day. (Kagagahan at Kaepalan)

2K 49 3
                                    

Chapter 14

Iu's POV

"Kagagahan mo talaga Iu! Nakakahiya kaa!" Eto ako ngayon. Pinapagalitan yung sarili ko sa may shower. Bakit kasi ginawa ko yun? At feel na feel ko pa ah? Nakakahiyaa talaga! 

Hindi ko manlang sya pinigilan. Bakiiit? Hay nako talagaaa! Nakakaasar.

May papikit pikit pa akong nalalaman!

'Pero.. Nakakainis rin yung dalawang yun eh. Kaya yan.. Hindi natuloy yung.."

"Kiss?" umiling ako pagkaisip ko non. Anong kiss? Anong kiss ang pinagsasabi mo Iu? Kinuha ko na yung towel at pinalibutan ko sa katawan ko at lumabas.

"Hindi. Hindi. Wag mong isipin yun, kagagahan mo lang yun at---AHHHHHH!!" mabilis ko talagang inayos yung towel. Walang hiyang Jang! Oo. Si Jang. BIGLA NALANG PUMASOK SA KWARTO KO. Paksheet! >.<

"Lumabas ka! Labas!!!" tinulak ko ng tinulak si Jang palabas ng kwarto ko habang sya naman, tawa ng tawa! Katawa tawa pala pag nakita yung sexy na katawan ko? Eh nakakahiya naman, nakauniform na sya habang ako, rumarampa dito.. -______-

Nagbihis na ako ng uniform at naglagay ng light makeup. Nilagyan ko pa ng kahit anong abubot sa katawan ko. Ewan ko. I feel fabulous! Haha!

Lumabas na ako pero nagulat nanaman ako ng nakita ko si Jang na nakaupo sa may dining table at parang hinihintay ako, ano ba ginagawa nito? Ay may pagkain! Yieee! Hindi.. pa.. ako.. kumakain.. *Q*

Wag Iu. Tuloy tuloy ka lang. Wag kang magpapaepekto sa.. masasarap na pagkain. Tas nandyan ba si Jang? Nagtataka ako. Yung pagkain ba ang masarap o si Jang? Ay ano ba tong pinagiisip ko! Eww!

"Hindi ka ba kakain?" Bakit ganon boses nyaa? Nakakaakit? Iniisip mo lang yun Iu! Tuloy tuloy lang..  Tumalikod ako at lalabas na nang..

"Iu!" lumingon ako pero nagulat ako dahil biglangsinubo saakin ang isang kutsara na may pagkain.. Muntikan pa ako mabulunan. -_-

Bigla nyang hinawakan yung panga ko at sinimulang ibaba at itaas, parang sya yung nagngunguya? Ewan ko ba sa lalaking ito. Nakakahighblood. Naiilang nga ako tas gaganonin nya ako? Lechugas. Pero masarap huh. YUNG PAGKAIN. -_- *Q*

"Yan. Oh tubig." tas binigyan nya ako ng tubig. Haay nakakablush~ Nakakaasar tong lalaking to. Ano bang trip nito? Hindi ako sanay. >.<

"Sabay ka na sakin?" nabigla ako kaya natapon ko yung natitirang tubig. Ay sheet. Sabay daw kami? Si Jang ba to? Baka nasapian~

"B-bakit.." haay nauutal ka Iu, umayos ka. -_- "Bakit ako sasabay sayo?" 

"Gusto ko lang. Bakit? May masama ba?" ay? Biglang nangsungit? Buhusan ko kaya to ng tubig? Bipolar eh. -_-

"Hays ewan ko sayo! Ang bipolar mo!" sabi ko at lumabas na ng bahay. Nakakainis si Jang. Hindi ko alam kung trip nya, sweet sya kanina tas biglang magsusungit? Grabe ha.

Tinignan ko kung sumunod sya, aba hindi sumunod? Napaka antipatiko talaga!

Naglakad lakad na ako nang biglang naramdaman ko na may sumusunod na kotse sakin. Ehh? Binilisan ko lakad ko. Ano nangyayari sa buhay ko? Huhu.

Pero nandon parin yung kotse, nararamdaman ko kaya tumakbo na ako. Pero narinig ko tumigil yung kotse kaya normal na yung lakad. Wew kaya mo yan Iu!--

"Ahhh!" biglang may nagkarga sakin, yung pangkasal? O____________O

"Ibaba mo ko Jang!" Oo. Si Jang bipolar antipatiko. =_____________=

"No. Ayaw mo sumakay eh, kaya isasakay kita." sabi nya at napablush ako. Ano ba Jang? 

Wala na akong ginawa at pinasakay na ako ng kotse, umikot sya at sumakay na sa driver's seat at nagdrive na. Haays ang gulo gulo! 

Nakatingin lang ako sa bintana, hmmm..

"Sorry kung nabigla kita.." nagulat ako ng nagsalita sya. Wew nagsosorry si Jang? Hindi ko nalang pinansin at tumingin ulit ako sa bintana.

"So pangalawa mo na tong pagsakay sa kotse ko?" sabi ni Jang. Eh pangalawa ko na to? Ay oo nga. Hihi.

"We're here." tas pinark na nya yung kotse nya. Binuksan nya yung pinto para sakin. Huwaw naging gentleman? That's a first! 

Bumaba na ako at sabay kami ni Jang. Hala lahat ng tao nakatingin samin. Pumunta ako sa harap ni Jang dahil ayaw ko makasabay sa kanya, eh naiilang ako sa mga tumitingin!

"Dito ka." tas hinila ako pero hindi naman malakas sa side nya. Sooo magkasabay na kami maglakad ngayon. Awkward.

"Hi Jang!" Sino yun?! 

Nagulat nalang ako nang meron humila kay Jang at biglang hinalikan. WTF?

Si Nica?!! Wow talaga. Pinandigan nya ang pagiging bitch nya ha at hindi talaga sya nahiya! Madaming tao ang tumitingin at nakakakulo ng dugo si Nica sa inaasta nya ngayon.

Alam ng mga tao na kasal kami ni Jang ah!? Ewan ko kung sino nagsabi pero alam nila tas bigla nalang may mangeepal? Ay bwisit. 

Naglakad nalang ako paalis dahil nakikipaghalikan pa sila. Ay sos hindi na nahiya!

"Hi Iu!" masiglang bati ni Harold. Hmm si crush~ kasama nya si Kendrick na naawkward ako dahil sa sampal ko sa kanya dati. 

"Hi Harold! H-hi Kendrick." nagulat ako nang niyakap ako ni Kendrick. Ehh? Bakit to bigla biglang nangyayakap.

"Hi Iu. Sorry dahil nataasan kita ng boses dati." bulong nya sakin at pinat ko sya sa likod, sign na okay lang. Binitawan nya ako. Nagsmile sya at nagsmile rin ako. Good vibes na!

"Huhuhuhu! Yaaa Iu!!" Hala bakit umiiyak si Suzy??

"Bakit ka umiiyak Suzy?" tanong ko sa kanya at cinocomfort ko sya. Sina Harold naman ay pinapat yung likod nya.

"E-eh. M-may sakit si K-kim. Nilipad sya papuntang States para daw pagpahingain." sabi nya at nagulat ako, diba okay lang naman si Kim nung last na nakita ko sya? 

Cinocomfort ko si Suzy ng biglang nagsalita si Harold..

"Okay lang yan Suzy. Tara sa classroom, baka malate na tayo." nag ok sign ako kay Suzy tas umakyat na kami. Tumahan naman sya. Pagkapunta namin sa classroom ay nandon na si bitch este si Nica. Haay kumukulo nanaman dugo ko.

"Wag mo nalang sya pansinin." sabi ni Harold at umupo na kami. Nasa likod na likod si Nica kaya hindi ko sya nakikita pero nararamdaman ko prescence nya. Nakakaasar na prescence.

Nagsimula na ang klase at uwian na ngayon! Ang bilis noh? Blame the author. Haha!

Lumabas na kami nang biglang..

*splaaaaaash*

Awww sino naghulog sakin ng water balloon?!!

Hinawakan ako ni Suzy sa shoulder at napatingin ako sa may building namin.

WTF?!! Si Nica ang nagbato?! Arrg nakakabwisit na yang babaeng yan ha. Ano ba ginawa ko sa kanya at tinapunan ako ng water balloon? Huhu basang basa ako. 

Kumaway si Nica saamin at biglang dinura yung bubble gum.

Awww! Ang baboy!!

Huhu. Not so ordinary day for me. Ang epal ni Nica eh! Nakakaasar! At ang weird na ng mga tao! Una, si Jang ang sweet pero naging masungit, sunod yung parang brotherly attention ni Harold, sunod si Kendrick na bigla bigla nalang mangyayakap! At si Suzy na umiiyak! Seryoso, hindi yan masyado umiiyak. Tapos ito? Haays Nica! Nasasapian ka na ba? Nagiging bully na sya sakin eh! >.<

TBC.

Meet My Casanova Husband [ONGOING Milky Couple &lt;3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon