001

1.6K 45 41
                                    

It's my last year in junior high school. Katulad ng nararamdaman ko araw-araw...

Tinatamad akong bumangon.

Maybe it's because first day of school isn't that great like anyone else think of it. Ano ba ang masaya sa walang humpay na pagpapakilala sa harap ng klase at ang pakikinig sa biography ng teacher ninyong kunware masungit 'yon pala pa-strict lang?

No wonder why I even tried to ditch school once. Kaya lang, I was young and still got nothing to prove back then, so I'd decided to suffer the boredom that school brings.

"Bryan, ano pa? You're going to be late. We are. Sasabay ka pa ba o mauuna na 'ko?" Mom continuously talks as if I don't really have to comprehend what she's saying.

"Go on, Ma. I don't feel like going to school early, anyway." It's freaking 5:30 in the morning! At ang klase ko ay 8:00 pa, pero si Mom, bihis na.

I tiredly sit on the side of the bed. Nakatunganga sa pader habang ang isip ay nakatuon sa tunog na ginagawa ng orasan. Maya-maya pa ay bumigat na naman ang mga mata ko at nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga na naman sa kama.

"Five more minutes," I mutter before sighing then return to my sleep.

Ugh. Monday morning, always is the laziest day of all days. Bakit ba kasi kailangang Monday ang pasukan? Ah. Siguro ayaw ni Sunday na siya naman ang kabuwisitan ng mga tulad ko. Reasonable.

"Sir."

I groan and even try to shoo that one person who can really disturb my stupor.

"Sir," ulit niya kaya napakamot ako sa ulo ko.

"Manang, please," inangat ko ang ulo ko para tingnan siya sa likod ng nanliliit kong mga mata, "Kakapikit ko lang ulit, five minutes na lang. Pa-extend pa, okay?" Hindi pa siya sumasagot ay tamad na tamad ko na namang ibinagsak ang ulo ko sa unan.

"Pero, Bryan," narinig kong bumuntong hininga siya, "7 o'clock na."

Napabalikwas ako sa higaan. "What?" I pace around the room, not minding that I am only in my boxers. Sobrang comfortable naman na ako kay Manang dahil sa sobrang tagal na niya sa amin. Kasambahay pa siya simula nang seven si Mom.

"Kanina 5:35 pa lang, a?" Tiningnan ko ng masama ang orasan sa bedside table ko. Sabi ko na nga ba may hocus pocus na nagaganap dito.

"Bryan, kung hindi ka pa kikilos, hindi mo na naman mapapasukan ang first day ng klase," malumanay na pagkakasabi ni Manang na lalo namang nagpaantok sa akin.

"Ayaw ko rin namang pumasok." Tumaas ang dalawang kilay ni Manang, indicating that she is reminding me of something.

Right. Of course, Mom.

Going to school better than Mom's mad voice and stern looks. And believe me, once na i-confront ka ni Mom, hihilingin mo na sana lamunin ka na lang ng lupa.

"A'yt, a'yt." Kinuha ko mula kay Manang ang towel bago binuksan ang ilaw sa banyo na kadikit ng kwarto ko. "Pancakes, please?" I say with pleading eyes. Ngumiti lang si Manang bago bumaba na. Ako naman, pumasok na sa banyo para simulan ang nakakabagot na araw na 'to.

7:30 na nang makasakay ako sa kotse. Ang bilis ng preparation ko, muntikan ko pang makalimutang lagyan ng wax ang buhok ko. Buti na lang at laging nasa bag ko kaya sa kotse na lang ako nag-ayos.

"Bakit ba kailangan maglagay ng wax sa buhok? That's so sticky kaya," reklamo ni Trace na nasa tabi ko. Nilingon ko siya habang hawak ko pa rin ang may kahabaan ko ng buhok.

"Bakit kailangan magpa-rebond ng mga babae?" tanong ko naman bago lumabas sandali para maghugas ng kamay.

Pagbalik ko, nakatanggal na ang earphones ni Trace at matamang nakatingin sa akin. "What?"

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon