005

415 24 10
                                    

Kung isa lang ako sa mga stereotypical playboy na gustong-gustong nakikita silang nakahubad ng mga babae, p'wede sigurong ngising-aso na ako sa mga oras na ito.

Pero, hindi, e.

To say I am shocked is a complete under statement. Hindi nakaayos ang towel na nakabalot sa ibabang parte ng katawan ko kaya habang patagal nang patagal ang eksenang ito ay pahigpit rin nang pahigpit ang hawak ng isang kamay ko sa twalya.

"'Y-yung..." Napalunok si Grace bago nagsalit ulit, "T-shirt d-daw na pinabibigay ni-ni Tracy." Halos ibaon na niya sa dibdib ko ang T-shirt. Hindi ko alam kung gusto lang ba niyang hawakan ang dibdib ko o para hindi ko makita ang mukha niya dahil hanggang dibdib ko lang siya?

"May kailangan ka pa ba?" tanong ko bago kinuha ang T-shirt mula sa kanya. Aksidente kong nahawakan ang kamay niya na ikinagulat naming dalawa.

Binawi niya agad ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko, "W-wala na!" At bigla na siyang tumakbo papalayo. Sumilip ako hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Naiwan akong nakasandal sa pader, walang damit at nakangiti nang parang loko.

"Baka naman natakot sa'yo kaya tumakbo? Laki kasi ng boobs mo, e." Tawa nang tawa si Jake kinabukasan nang ikwento ko ang nangyari no'ng gabi. Nasa lockers pa naman kami, kaya lahat ng dumadaan ay nakuha niya ang atensyon.

"Shoot, ang gwapo ko talaga. Lahat sila nakatingin sa'kin."

"Mukha ka raw kasing clown," sarkastikong pahayag ko bbago isinara ang locker.

"May clown bang kasing sexy ko?" Bago pa magsimulang mag-flex nang mag-flex si Jake ay nagsimula na akong maglakad papunta sa klase namin.

Kunware pang humihingal so Jake na humabol sa akin, e ilang habang lang naman ang tinakbo niya. "Pero seryoso, bro, bakit siya tumakbo?"

"Siguro dahil nang hawakan niya ang dibdib ko, narealized niya na ang hot ko?" Binilisan ko pa ang lakad habang nakangisi. I know how toned my body is, it's not bad. Kahit hindi pa fully-developed ang abs ko, at least I have the cuts.

"Whoa, nagkakalimutan tayo dito. Ako lang dapat ang vain, huwag kang manggaya ng character."

Wala pang prof nang pumasok kami sa room kaya itong si Jake ay sige-sige pa sa pagsasalita. "Pero, why do you care nga ba, Bry?" Nawala ang aura niyang palabiro at napalitan nang nagdududang tono. "Ano naman sayo kung tumakbo siya instead of admiring you?" panga-asar pa niya.

"W-wala!" Depensa ko sabay taas ng dalwang kamay at iling ng ulo, "Curious lang ako."

"'Bro, mauuna muna ako mamaya, oks lang? Kung ano-ano na naman ang inuutos ni pops," kamot-batok na sabi ni Jake nang magkita kami no'ng break time. Gusto ko sananang tumanggi at sabihing sabay na kami kaya lang meron pa akong football practice mamaya, at bukas na ang laban namin with the Vikings.

"Okay lang." Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung kanino ako sasabay. Malamang maglalakad na lang ako. Masaya naman maglakad, e.

Shit.

Buong araw kong hindi nakita si Grace. Shit bakit ko ba siya iniisip? E nakakasawa nga ang mukha niya dahil gabi-gabi kapag umuuwi ako ay nadadatnan ko siya sa bahay. Pero bakit kaya hindi siya pumasok? O kung pumasok man siya, bakit hindi ko siya nakita? Impossible. Alam na alam ko ang red headphones at ang bangs niyang straight na straight.

"Bro, nakita mo 'yung cheerleader?" lakas-loob na tanong ko sa isang player ng basketball. Kahit kasi ang mga ka-team ko, walang alam tungkol sa kanya.

"Si Grace? Nagpapa-practice sila do'n with the other girls. Type mo? Ingat sa bangs, a?" Patawa-tawa akong tinapik nung kumag. Nakitawa lang ako pero ang totoo, gusto kong sabihin na magpatangkad muna siya.

Seryoso, bakit naman kasi may bangs si Grace kung cheerleader namin siya?

But then again, why the hell do I care?

The entire practice, sa bawat takbo, balya, at bato ko ng bola, laging nasasagi ng paningin ko ang bleachers. Ini-imagine ko lang na marami nang tao. Yung maraming nagtsi-cheer tapos一

一oo na.

Sinusulyapan ko siya.

She's not even smiling even though the others are laughing. Kay Trace lang talaga siya nagiging masiyahin. But that day, on the motorcycle incident, akala ko ibang tao siya. The way she screamed her lungs out, the way she hysterically wailed on the floor calling me to get her motorcycle back, iba siya. Dahil ba alam niyang kasunod ko lang ang kotse kung nasaan si Trace? Posible nga.

Dahil ako nga lagi ang nahuhuli sa shower room, kinausap rin ako ni coach, at nagbigay ng tips ang researcher namin sa akin, 'pag labas ko, wala nang sasakyan sa parking lot. Wala na akong masasabayan. Shit talaga. Kung bakit kasi ayaw pa akong bilhan ni mom ng sasakyan.

First time ko na namang maglakad pauwi. And I never thought that what Trace said about the roadside forest being creepy, can be true at night. Seryoso, kailangan nang mapalitan ng streetlights dahil kahit September pa lang ay nagmumukha ng Halloween ang kalsada. Pakurap-kurap ba naman kasi ang mga ito na lalong nagpadilim sa paligid.

Sana may dumaan na sasakyan, kailangan ko ng kasabay, please, please, please. Panay na ang paghiling ko sa isip ko pero sa labas kunware cool lang. Nakalagay pa sa bulsa ng hoodie ko ang dalawang kamay ko at may swag pa rin ako kung maglakad, pero sa totoo lang gusto ko nang tumakbo pauwi. Baka lang kasi may nakatingin.

Just think of happy thoughts, Bryan. Think of Jake's face when you caught him picking his nose.

Napangiti ako. Pero ang ngiting 'yon ay napalitan ng kaba matapos akong muntikan masagi ng scooter.

A familiar infected scooter.

Ang bilis ng takbo nito na kung masyadong malalim ang iniisip ko o hindi kaya'y may headphones ko, e hindi ako makakaiwas.

"Sorry," sabi ni Grace nang bumalik siya. Akala ko isasabay niya ako pero pagkatapos no'n, pinaharurot na niya ang scooter niya at naiwan akong naka-tanga.

What the hell?

Sa inis, sinipa ko ang soda can na nadaanan ko, kaya lang tumama ito sa poste at nag-bounce pabalik at natamaan ang noo ko. "Shit!" That curse is brought to you by all the shits that has happened to me this day.

Tumingin ako sa likod. Takte, hindi pa pala ako nakakalayo ng Sonnet. Gano'n ba ako mabagal maglakad? Nagbabalak na akong tumakbo, kaya lang maya-maya ay nakatanaw ako ng ilaw sa 'di kalayuan.

It's Grace.

"Baka kasi magalit si Trace kapag hindi kita sinabay. Angkas na." Limang segundo akong tumitig sa scooter niya at sa bangs niya na mukhang seryoso rin.

Shit, straight talaga ang bangs niya.

"Are you gonna hop on, o mas gusto mong maglakad?"

"Can I drive?" Dahil awkward tingnan kung ako ang aangkas sa infected scooter.

"Uh-huh, no. I never let anyone drive Yoona. Backride, or walk."

S'yempre at the end, sumakay rin ako. Hindi ko pa alam kung saan kakapit kaya kumapit ako sa likuran ng scooter. Pero tumawa lang siya at kinuha ang kamay ko at inilagay sa bewang niya.

Then she looked at me and smile, her hands still touching mine.

I think she didn't realize what she did hanggang sa inalis niya ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko tapos natahimik muna siya saglit bago pinatakbo ang scooter.

The ride was too uncomfortable at first, but once I got the hang out of it, I won't even stiffen every time we'd stop and my arms are still 'round her waist.

It is, ironically, fun.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon