009

402 23 9
                                    

Madalas akong tinatanong ng mga classmates ko nung elementary kung bakit ang tahimik ko. Kung bakit maingay lang ako kapag si Jake ang kasama ko. Kung bakit hindi ako nangiti kung hindi lang din ako mag-isa o  kung wala naman din ako sa bahay, kung saan ako lang ang nakakakita sa ngiting iyon.

Siguro nga, nagtatago ako.

Siguro nga, ayaw kong makita nila ang kalahati ng pagkatao ko. I know that I am that goofy person, the all-smiles one, the joker一yet I never showed it to anyone except to those who knew me from the start.

Kasi alam ko, kapag nakita ng iba na ipinapakita mo kung sino ka, aasta sila na akala mo kilalang-kilala ka nila. Akala nila, kaibigan mo na sila kahit ang totoo, kaklase mo lang naman sila.

Akala nila, bestfriends na kayo kaya pwedeng-pwede ka nang manipulahin, pero ang totoo, malayo pa sa gap ng hinliliit at palasingsingan ang katotohanang hindi naman kayo close.

Showing yourself to someone is like entrusting your heart and soul to them. And too much trust hurts. It hurts too much that you want to rip your head off for being so damn stupid and your heart for being pathetically immature. It hurts so much that you never want to trust anyone again.

I've learned my lesson, and that's for being vulnerable and fragile. Tama nga ang message ng Inside Out一you'll never realize something, until sadness takes action and lets you break into tears.

"Ang senti naman." Napalingon ako sa gilid ko and saw a very sentimental Mirth Stanley walking towards me. Umupo siya sa troso na kinauupuan ko at diretsong tumingin sa kawalan. "Pero okay lang 'yan."

Pilit kong pinipigilan ang sarili ko para magwala. Ano na lang ang sasabihin ng taong pagsasabihan ko ng problema? That I was affected by how I trust a girl so much that I listened to her with all my heart, but she just let me fall and break?

"Problema, mind sharing it?" Mirth is known for this. Simula ng naging president siya ng school, kina-counsel na niya lagi ang mga schoolmates naming alam niyang may problema.
"Anyone might think it's too immature. Even you." But he just smiles and shrugs, telling me to try and test him.

Normally, guys don't share their problems with one another. Kaya nga nauso ang bestfriends of opposite sex kasi nga mas madaling magsabi ng nararamdaman mo kung babae ang pagsasabihan mo.

But Mirth is a different guy. Meron siyang charisma that you'll never resist, kaya makikita mo na lang ang sarili mo na nagkukwento na pala sa kanya.

"Parang double meaning 'yun, a." Bahagya siyang tumawa, "Type mo ba?" Bakit ba lahat na lang tinatanong sa akin ang bagay na 'yun?

Hindi ako sumagot at sa halip ay ibinaling ang atensyon sa bato sa paanan ko. Biglang naging interesting ang pagiging bato niya.

"You may think crying is not manly, because that's what they say. But it seems that they forget that we are humans as well. We can cry as much as we want just like all the girls around." Tiningnan ko si Mirth at talagang seryoso siya sinasabi niya. Ang lalim ng pinaghuhugutan.

"Kaya kung sa tingin mo masakit, at hindi na kaya pang dalhin pa nito," Itinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib niya, "Let it out. Tapos kapag okay na, man up and forget the things that made you less manly."

Tumayo na siya at nagpagpag ng pants pero bago tuluyang lumayo sabi niya, "Kapag alam mong wala nang halaga, huwag mo nang balikan. Pero kung alam mong importante sa'yo kahit pinaiyak ka, ipaglaban mo."

And before I know it, wala na siya, kasabay ng pagiingay ng mga babae sa tapat ng gate ng school.

Dinampot ko ang batong kanina ko pa tinititigan bago tumayo ay inihagis sa pinakamalakas na kaya ko. Sinundan ko ng tingin ito hanggang sa nawala na ito sa dahon ng mga puno sa baba, and I told myself, I need to be that rock. Kahit gaano kataas ang pagbagsak, kahit ilang beses pang ibato palayo, nanatili pa rin itong buo hanggat kaya.

"I've come a long way, not a storm nor a drought has stopped from moving forward. Now I won't let anyone try to break through me. I won't," I say to myself, my lips in a firm line, my knuckles almost turning white.

"Tama 'yan!" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may sumigaw sa likod ko. It's Leslie Conner, pamangkin ng may-ari ng school. Transferee din kagaya ko, and known for being the mean girl.

Ano kaya ang nakain niya at kinakausap niya ako?

"Never let anyone damage your ego, err--- whoever you are!" Ngumiti siya habang nakataas ang isang kamay na para bang, teka ano nga ulit tawag no'n sa Korea? A, aja! "Nakita mo ba si Mirth? Nagtampo na naman sa akin 'yun!"

Tinuro ko lang ang likuran niya at alam na niya na school ang tinuturo ko. Hindi man lang siya nagpasalamat bago nagmamadaling tumakbo papunta sa school. Napaka-komplikado talaga ng mga babae.

Maya-maya rin ay umalis n ako ng roadside forest at nagpunta na sa susunod kong klase. Walang prof kaya maingay ang room, pero ako, tahimik pa rin sa isang tabi.

"What seems to be running inside the head of the famous quarterback?" nakangising sabi ni Jen habang pinapaikot sa daliri ang blonde na buhok.

Tama, what seems to be running inside my head? Wala namang nakakaalam, kahit ako. Mostly kasi, inaakala ng iba kapag malalim ang iniisip ng isang lalaki, may pinaplano para mapasagot ang nililigawan, basted, o kaya naman may date.

But little did they know that everyone has their own problems. If the crow couldn't seem to drink the water, I have my problem too. I am in deep thoughts not because I think about girls, but because I am thinking of possible ways to make the water rise to the surface.

Grace.

But yeah, you can add it up.

That girl, always have this effect on me. Hindi ko naman alam king gusto ko siya, para kasing hindi. But I have this feeling na bawat kilos niya, big deal para sa akin.

Siguro, I just really hate her that much.

"Too bad, the feeling is not mutual anymore."

Jeez,swhat was I thinking when I... thought about that thought?

You can't like someone you hate. And you can't just unhate someone just because you want to. Kaya imposible 'tong iniisip ko. Siguro nga, na-challenge lang akong kilalanin pa siya ng husto. 'Yun lang. Nothing more. Wala namang masama do'n hindi ba?

Inhale. Exhale. Keep your composure, Bryan.

"Sabi ko na nga ba dito na naman kita makikita." Naupo si Jakr sa tabi ko at tiningnan ko lang siya. "What?"

"Ano'ng what?"

"Natisod-tisod ako bago makapunta dito, tapos wala man lang akong kiss?" Nag-pout ang gago kaya naman siniko ko lang siya. Hindi kaya bagay. Ang laki ng katawan tapos magpa-pout? Nahiya naman ang boobs niya sa kanya.

"Nasaan na si---" Inisip ko ulit kung ano'ng pangalan ng babaeng kasama namin no'ng Sabado, nakalimutan ko kasi. "Ano nga ulit pangalan no'ng babaeng dine-date mo?"

Jake acts so confused. "Sino sa kanila?" We both chuckle.

Sabi ko na nga ba, hindi na naman seryoso ang pakikipag-date nitong si Jake. Pero kung hindi naman pala siya seryoso kay... basta that girl with the letter, I think, letter C on her name, who had his heart broken?

Napakunot ang noo ko kakaisip kaya naisipan ko na lang na tanungin ang mapaglihim kong kaibigan. "E, bakit ka brokenhearted no'ng araw na may laban kami with the Vikings?"

Natahimik siya saglit. Katulad ng ginawa ko kanina habang kinakausap ni Mirth, nakatingin lang din si Jake sa ibaba, hindi nga lang bato kung hindi damo ang tinititigan niya.

I sigh. We are guys under the warmth of the sun in this late September afternoon.

"Bro, ang drama natin," basag ni Jake sa katahimikan.

Bahagya akong tumawa. "Ikaw lang, dinamay mo pa ako."

"Ito siguro ang chapter na pinakamatatandaan ko. Biro mo, dahil lang sa babae---" Inamin na niya sa wakas, "hindi tayo pumasok ng klase."

Shit.

Bigla ang pagtayo ko, muntikan pa nga akong matumba sa troso na kinauupuan namin. "Loko ka, Jake!" Shit, shit, shit. Terror pa naman ang prof namin sa Physics. Kaasar!

Despite ng pagmamadali namin, napangiti ako. I guess, right now, there are things that should go first in our priority list.

And I'm pretty sure it's not love.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon