006

328 22 9
                                    

Masyado akong nag-enjoy sa scooter ride na nangyari kaya hindi ko napansin na iba na pala ang dinadaanan namin.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko na para bang ako ang babae at siya ang lalaki-- which is really like the case simula nang umangkas ako sa likod niya.

"'Wag kang maarte, akala mo naman gagahasain kita."

"Malay mo." I smiled, grinned even, hindi naman niya nakikita, e.

Naramdan kong bumuntong-hininga siya. "Swerte mo."

Naging mahaba pa ang daan. She takes me to the side of the town I've never been before. Mas maganda pa ito kaysa sa roadside forest na lagi kong tinatambayan. Mas maganda pa kaysa sa cliff na tinatawag kong sanctuary.

"Hindi ko alam na meron pa lang ganitong lugar sa Fitzgerald," sabi ko nang makababa kami sa motor. Sa totoo lang, hindi ko pa talaga nalilibot ang Fitzgerald. Halos kakalipat lang namin sa High Homes, and though hindi naman kalakihan ang town na ito, hindi pa ako nagplano na maglibot-libot. Kaya siguro hindi ko alam na may ganitong lugar pala.

It's a an inclined plane一natures version. Gilid din ng kalsada, sa ilalim ng tulay,ang ibaba ay ilog. Parang ganito ang napapanood ko sa mga anime.

"Bakit mo 'ko dinala dito?" Pero hindi pa rin sumasagot si Grace. Instead, naupo siya at tumingala sa itaas. Tumingala rin ako, at do'n ko na-realize na punong-puno ng bituin ang kalangitan. Kitang-kita, hindi katulad sa siyudad na puro buildings lang ang matatanaw mo.

"Alam mo ba kung bakit nasa gabi ang mga stars?" she asks, completely ignoring my question.

Umupo ako malapit sa kanya. "Bakit?"

"It's a symbol for hope. No matter how dark your life can be, no matter how hard it is for you to see, or how clouded your thoughts are, as long as you keep your eyes open, you will see stars. There is hope."

Ang lalim, pero hindi ko pinahalata na na-amaze ako sa kanya. "Ngayon alam ko na, hindi lang pala dahil hindi nakikita ang stars sa umaga kaya sila nasa gabi."

I chuckled, pero hindi siya natawa. Ang corny ko talaga.

"Pero bakit mo ba ako dinala dito?"

"I just thought that it's been a stressful day," she smiles though hindi naman siya tumingin sa akin kaya hindi ko alam kung para sa akin ba ang ngiting 'yon.

Ngumiti lang din ako. "And stargazing is some sort of a stress reliever?" Natatawang sabi ko.

Tumingin siya sa akin. "Hindi ba?'

"I'm not really a fan of the stars. I mean, I'm a moon watcher, but I don't like stars that much. Feeling ko, pampagulo lang sila sa view ng moon."

She smiles.

"Pero alam mo kung ano ang pampagulo?" Umiling siya, na-pipe na yata. Kinuha ko ang isang clip sa ulo niya at hinawai ang bangs niya sa isang side bago ni-clip ito. "Much better. Natatakpan kasi ang mata mo."

"That's the point. I don't want people to see them, I don't want them to see the sadness behind."

"E 'di palitan mo ng hapiness." I just can't take the moment seriously. Siguro ay hindi rin ako fan ng sappy and lonely moments? O dahil pagod ako sa practice at gusto ko nang matulog?

"You always think positive."

I don't really. I have problems of my own. Hindi ko lang ipinapakita, dahil kapag nakita ng iba na marami kang problema, iisipin nila mahina ka. At kapag inisip nila mahina ka, kakaawaan ka nila. Which I really hate the most. "Para naman hindi ka lamunin ng negative vibes. Wala namang mangyayari kung lagi kang magpapaka-nega. Kaya cheer up, cheerleader!"

Tumayo na ako at umakyat na,gano'n din ang ginawa niya hanggang sa umangkas na ako sa motor. "Thank you sa stress reliever," sabi ko bago ngumiti ulit nang hindi ko pinapakita sa kanya.

"Don't take this the other way, I still hate you for being pakielamero," sabi niya na lalong nagpangiti sa akin. Because unlike before, light na ang tone niya, I know she didn't mean it anymore.

"I mean it," she said if is she could read my mind.

Shit.

Too bad, Grace, the feeling is not mutual anymore.

"That fast!" Naibuga ni Jake ang iniinom na soda. Turn off na naman para sa mga babaeng nakatingin sa kanya.

Maingay na sa labas ng arena. Unlike the players from the Vikings na gusto ng grand entrance, ang Vipers kasi ay nasa labas ng arena at imbis na kabahan, kumakain sila ng cotton candy.

"Parang kailan lang sabi mo sa akin hate na hate mo siya, tapos ngayon..." nag-pause siya bago tumikhim at pinaliit ang boses, "Bro, I think I'm starting to like her," panggagaya niya sa sinabi ko kanina. Tumawa ito as he rolls his eyes, kung posible 'yon."Landi mo, pre!"

I elbow Jake as I smile like a complete idiot. A quarterback sighing dreamily because of a girl? Nakakabawas ng manliness, but I don't care. I like how mysterious Grace is. I love challenges, and it wouldn't be bad if the challenge is to know her more.

"Pero, pre, huwag ka muna umamin agad," bilin ni Jake habang tinutunaw sa dila any cotton candy pagkatapos ay uminom ng soda. Too much sugar, diabetes ang abot nitong kumag na 'to.

"Sino ba nagsabi na aamin agad ako? Sabi ko I think, sinabi ko na bang gusto ko na siya? Landi mo, pre." I smile. Nakabawi agad ako, ha!

Nagsimula nang umonti ang mga tao sa labas ng football arena. Lumalakas na rin ang hiyawan sa loob, siguro ay lumabas na ang Vikings, hudyat naman para pumasok na rin ang Vipers sa loob.

"Ang ibig ko lang naman sabihin..." Jake won't just let the moment get away. Patay. Sobra na sa asukal ang kumag, nagiging seryoso na. "Ang mga babae na 'yan, daig pa tayo. Sasabihan na pa-fall daw ang mga lalaki, e sila naman, kapag nalaman na may gusto tayo sa kanila, pakipot. And then we'll end up getting busted. Akala kasi nila hindi tayo nasasaktan. Akala nila sila lang may karapatan masaktan."

That moment, I am certain. Jake is broken. Kung hindi ko siya bestfriend, iispin ko na dala lang ng asukal ang bigla-bigla niyang hugot, but no. Knowing him, something's wrong. Pero mamaya ko na siya kakausapin pagkatapos ng laban.

"...the Sonnet's Cyan Vipers!" Hiyawan ang narinig sa buong arena nang isa-isa kaming lumabas. Hindi ko inaasahan ang ganito. Ganito ba talaga lagi ang energy ng mga estudyante 'pag dating sa football? Wow. Wala akong ibang masabi kung hindi wow.

Mukhang naipon sa kanang bahagi ang supporters ng Vipers, at sa kabila naman ang fans ng Vikings. Hindi sa pagmamayabang pero mas kitang-kita ang supporters namin dahil sa matingkad na Cyan na kulay ng suot nilang shirt. Gray kasi ang sa kabila tapos may iba't ibang kulay ng lobo, kaya aakalaing random audiences lang. Unlike sa Sonnet na puting lahat ang hawak na lobo.

"Go, Sonnet Quarterback!" Narinig kong sigaw sa hindi ko malaman kung saan dahil sa punong-puno ng ingay ang arena.

"Go, Bryan!" Palingon-lingon ako at hindi ko maiwasan ang mapa-ngiti. Kahit bago pa lang ako rito, buo na ang tiwalang ibinigay sa akin mg mga schoolmate ko.

At iyon ang magiging lakas ko一ng Vipers.

We'll keep calm as the color cyan, but as vicious as an Amazon viper.

We will win.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon