012

290 17 20
                                    

Waking up with the sun in my eyes will be a complete understatement.

I remember I took a shot or two... sa simula. Pero pagkatapos no'n, everything was a blur to me. Hindi ko na nga rin alam how I end up lying on this wooden bed, at kung paano ako nakapgpalit ng damit. It's my first time, really--- waking up after getting wasted the night before, not smelling shitty.

Sinubukan kong bumangon pero nabigo rin nang biglang sumakit ang ulo ko. I just arch by my elbows to take a look around the hosue. Walang tao. Pero may sindi ang lutuan nila. Nag-attempt ulit akong tumayo, but this time, mas masakit na ang katawan ko kaysa sa ulo ko nang malaglag ako sa plywood na kama.

"Fuck it!" sigaw ko dahil wala namang tao sa paligid. Akala ko.

Kumaripas ng takbo si Badong mula sa labas at agad akong tinulungang makabalik sa higaan. "'Nyare sa'yo?" tanong niya sabay kamot sa ulo.

"Ang sabi ninyo, malakas ka sa inuman?" biglang pasok niya ng usapan. Parang nang-aasar pa nga dahil patawa-tawa pa siya. Tumingin lang ako sa kanya bago siya nagpatuloy. "Apat na shot pa lang ng lambanog, taob ka na!" Hindi na niya pinigilan ang sarili sa pagtawa. Napailing naman ako sa sarili ko. Apat na shot, taob ako? Wow, that never happened to me before.

"O bakit parang gulat na gulat ka?" nagtatakang tanong niya bago naupo sa may paanan ko. Pinilit ko na rin ang sarili ko na maupo rin at sumandal na lang sa dingding.

Bumuntong-hininga ako, not so sure of myself. "Wala akong maalala." Nakakahiya.

He shifts uncomfortably in his seat, "E 'di ibig sabihin..." Tiningnan ko lang siya. He's trying different words to begin a sentence but no right word exits his lips. "Wala," he ends up saying.

Pansamantalang natahimik kaming dalawa at hinayaang mag-ingay ang nasusunog na kahoy sa lutuan.

"Ano'ng pakiramdam?" tanong niya na ikinagulat ko. Mula kasi sa nagtataka niyang tono kanina, napalitan na iyon ng pagka-seryoso.

"Hmm?"

Sandali siyang tumingin sa akin bago ibinaling muli ang tingin sa kawalan. "Anong pakiramdam mabuhay nang hindi pinoproblema ang pera?"

By the way his tone changes, naalala ko si Grace. That bipolar girl. Napangisi lang ako bago tumahimik na muna.

"Siguro ang sarap gumising sa umaga dahil wala kang problema---"

"Mali ka," agad na tutol ko. Napatingin siya sa aking na halos nakanganga. "Lahat ng tao may problema, imposibleng wala."

Tumikhim ako. I remember my mom. I remember how she works hard for us; how she's so dedicated to her work that she's even forgotten about us. Naalala ko si Dad; how he left us, how after all these years, he's still not showing up. I remember every little thing that makes it hard for me to sleep at night. Knowing that when morning comes, I have to deal with those same things again.

And it's a heavy burden. "yung mga maliliit na bagay na akala natin ay magaan lang, bumibigat kapag nagsama-sama na.

"Hindi man namin problema ang pera, kadalasan naman pamilya."

Ako naman ang napanganga nang bigla siyang mapatawa.

"Narinig ko na 'yan sa TV nila Manang Choleng. Ang problema ninyo nga raw mayayaman ay pamilya--- minsan kulang sa oras, minsan naga-away, o kaya naman broken family." He nudges my shoulder all of a sudden and laughs. "BROKEN FAMILY--- ENGLISH 'YON! Ang galing ko!" Ngumiti siya sa sarili bago bumuntong-hininga.

"Pero alam mo, boy..." Ibinalik niya ang tingin sa kawalan. "Ang problemang pamilya, hindi tinutulugan 'yan. Kaya nga nandiyan ang commercial ng Lucky Me 'di ba?" Kumunot ang noo ko kaya nang bigla siyang napatingin ay tumawa siya.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon