014

315 15 15
                                    

I wake up without the feeling of nausea in my system. This morning, I feel great and I hope I can carry that vibe on until the day ends.

Nilabas ko sa walk-in closet ang gitara ko. Memories of last night plays on repeat inside my head. Para bang ginugusto ko nang kumanta lagi kasabay siya. Dali-dali kong nilinisan at masayang tinipa-tipa ang gitara. Wala sa tono. Kung sa bagay, ang tagal ko nang hindi nagamit. Nagdalawang-isip ako kung maghihilamos ba muna ako, o itotono ko muna si Ashley (Yes, I named my guitar Ashley). Hindi ko alam kung ano'ng gagawin kaya humiga na lang ulit ako sa kama, naka-spread ang mga kamay habang ngiting-ngiting nakatingin sa kisame.

Gusto ko pa sanang manatili sa ganitong sitwasyon, kaya lang biglang may kumatok sa pinto. Linggo ngayon kaya wala akong pasok, kaya bakit ako kinakatok ni Manang?

"Pasok," tamad na tamad na sabi ko habang nakahiga pa rin. Part of me really wants to hear her voice again. But also part of me wants her to miss me. I know, I'm stupid.

"Bryan."

Biglang bangon ako sa boses ni Mom. Mahinahon naman ang pagkakabanggit niya ng pangalan ko, pero nado'n pa rin kasi ang pagkaseryoso nito.

Kumuha muna ako ng unan at inilagay sa lap ko. "Mom?"

Alam kong Sunday is family time, but that stuff already stopped a long time ago. During Sundays, mas pinipili ni Mom ang mamalagi sa office kaysa sa bahay. O kaya naman ay aalis siya para makipag-bonding sa mga amiga niya. This? This is something new.

Tumingin ako sa orasan. 8:00 a.m., dapat wala na siya dito sa bahay. But here she is, at my doorway, nakapambahay, with an apron tied around her waist.

At para mas lalo pa akong ma-confused, "Breakfast is ready," nakangiting sabi niya bago bumaba na ulit.

Napatulala lang ako habang nakanganga, gulat na gulat sa nangyari. Tiningnan ko ang palad ko bago buong pwersang sinampla ang sarili ko.

Masakit.

So hindi nga ako nananaginip.

Realizing it, dali-dali akong pumasok sa shower at naghanda. May isang bagay agad na pumasok sa isip ko. Sabagay lagi naman, tuwing bigla na lang maganda ang mood ni Mom.

Darating kaya si Dad? Babalik na kaya siya? Ayakong umasa, but I just can't brush the thought off. Could it really be Dad? Just tht thought of it brightens my mood even more.

I'm a dad's kid, I admit. Mas close ako sa kanya kaysa kay Mom. 'Yung tipong pati crush ko, kahit hindi ko dapat sabihin, sinasabi ko pa rin sa kanya. And he always had ways para payuhan ako without even ruining my mood.

Mom's different. Tell her your crush and she'll talk some sense into you for about thirty minutes na pareho naming inaayawan ni Dad. I miss him and everything we did together. I am hopeful he and Mom can still settle things up.

Tumakbo agad ako pababa kaya sa hagdanan ko na isinuot ang damit ko. "Ano'ng meron?" tanong ko nang makitang sina Trace at Mom ay magkatulong nag-aayos ng lamesa. Naupo na agad ako a humigop ng orange juice na nakalagay na sa pwesto ko. Para akong batang naghihintay ng breakfast.

Nakita kong tatlo lang ang plato sa lamesa so I'm guessing na wala na sina Jake at Grace. Kagabi kasi medaling-araw na natapos ang party, kaya ditto na muna naming pinatulog 'yung dalawa. But I didn't know they'll leave sooner than expected.

"Anong oras umuwi sila Jake?" tanong ko kay Trace habang naglalagay ng corned egg (corned beef mixed with egg) sa plato ko. Anong oras umuwi si Grace ang talagang gusto kong itanong dahil alam ko namang tapat lang ng bahay naming si Jake.

"May sumundo kay Grace, then Tito Martin called kaya umuwi na rin si Jake. Family day, remember?" she says nonchalantly bago naglagay ng toast sa plato ko. Tumango-tango lang ako and start eating my food.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon