013

253 16 13
                                    

Five days give a lot of impression for everyone of us. Sabi ng iba, ang tagal. Sabi naman naming, it was short but fun. And I can't help but hope to see these people again, lalo na ang pamilya ni Tatay Jon.

Maaga kaming nagising nang dumating ang bus. May dalang breakfast ang mga prof, so we have food to share for all.

"Kuya, aalis na ba talaga kayo?" tanong ni CJ na biglang lumitaw sa tabi ko habang nag-aayos ako ng gamit. Nagkukusot pa siya ng mata kaya alam kong kahit ala sais pa lang ay pinilit niyang bumangon.

Matapos kong isintas ang sapatos ko, ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya bago ako ngumiti. "Kailangan, e. Pero babalik kami, promise."

Badong, on the other hand, is skimmering around the room. Naghahanda daw siya ng kape, sabi niya.

"Kasya kaya 'to sa'yo?" I am referring to my Air Force1 kicks. Never ko pang nagamit 'yon.

How does it feel to give up one of your kicks? For us guys, owning a number of pair of sneakers is an ego boost. Kapag may malaki kang shoe rak at punong-puno ito, nakaka-proud. And some of pairs came limited in the Philippines, kaya kung meron ka no'n, it's really a big deal.

Naupo muna si Badong sa tabi ko at isinukat na ang sapatos. It fits perfectly.

"Swak," sabi ko. "Sige, sa'yo na 'yan." And for the first time, I didn't actually feel bad upon giving it up.

"Astig! Salamat, boy!" He shook my hand before I get up and head outside.

Maingay na sa labas. Ang iba nagpapaalam na sa mga pamilyang na-assogned sa kanila, samantalang ang iba ay umakyat na agad sa bus para matulog. Ang mga prof ay nagpunta muna sa site para i-check ang pabahay na inaasahang matatapos bago ang Pasko.

Hindi ko Makita si Jake. Malamang kasama siya sa maraming estudyanteng umakyat na sa bus. Ang mokong na 'yon. Inikot ko ang mata ko at agad na nahagip ng tingin si Grace.

"Grace!" Humabol ako at pilit na sumabay sa lakad niya. Dadalhin na yata niya ang backpack sa bus kaya gano'n na rin ang ginawa ko. Hindi nagsalita si Grace kaya inulit ko.

"Grace!"

"Ano ba??" she snaps and my eyes instantly widen. Tumigil siya pero humarap sa akin, pero hindi pa rin niya ako matingnan sa mga mata. Kung nangyari ito noong hindi pa kami magkaibigan, siguro ay hindi ako maapektuhan nang ganito.

I almost ran out of words if I didn't quickly compose myself. "M-may problema ba?" tanong ko sa pinakamahinahong paraan.

Her mouth opens a bit, pero agad niya itong isinara bago bumuntong-hininga at naglakad palayo. Balak kong sundan siya paakyat sa bus, pero hindi ko na ginawa. Mamaya ko na lang siguro ulit siya kakausapin.

Nang mag-alas siyeta y medya na ay inutusan na ng mga pro fang mga teamleaders na paakyatin na lahat sa bus. Hindi naman gano'n kahirap 'yon dahil sa lumipas na mga oras ay unti-unti nang nag-akyatan lahat sa bus. Maliban na lamang siguro sa ilan na akipag-kwentuhan pa, katulad ko.

Tumikhim si Tatay Jon bago tumayo na. "O, paano na 'yan, boy, see you next taym na lang!" Tumawa siya at napangiti ako bago niya ako binigyan ng isang yakap. My eyes widen for a moment, but eventually return the hug and tap his back with my hands.

I almost forgot, really. How it it felt to be hugged by a father. It felt nice. It realy felt nice.

"Boy, ingat, a!" sabi ni Badong na hawak-hawak pa rin ang sapatos. Tumango lang ako bago at ngumiti bago tuluyan nang nagpaalam at umakyat sa sasakyan. As usual, wala na namang upuan sa harapan, at tanging isa na lang sa likuran ang bakante. Same spot, nando'n si Grace; hindi siya tulog pero natatakpan ng suot niyang hood ang ulo niyang nakaasandal sa bintana.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon