016

336 17 7
                                    

"AH!"

Malakas na kalabog ang sumabay sa pagbagasak ko sa sahig sa biglang sigaw ni Trace. Nagbuhol-buhol pa ako sa kumot kaya hindi ako nakatayo kaaagad, pagkatapos ay nauntog pa sa pinto dahil hindi ko alam na sarado pa nga pala.

Narinig ko rin ang pag-inda ni Jake nang may kumalabog din sa guest room bago nakita siyang pagapang na lumabas na tulad ko ay halos pikit pa ang mga mata.

Kinatok namin ang pinto ni Trace. Sabay at medyo malakas ang ginawa naming pagkalampag dahil naka-lock ito. Nagpa-panic na kami nang biglang dumating si mom, nakapantulog pa, at may dala-dalang mga susi.

Pero hindi ko pa man nahahanap ang susi sa kwarto ni Trace ay bumukas na ang pinto, bumungad ang antok na antok pang si Grace. Isinantabi ko muna kung paano ako napangiti dahil sa itsura niya kapag bagong gising.

"Anong nangyari?" sabay-sabay na tanong namin nina Jake at mom. Papasok na ako pero biglang hinarang ni Grace ang katawan sa pintuan, ang dalawang braso ay nakabakod sa doorframe.

"Hindi puwede!" sigaw niya na nanlalaki pa ang mga mata.

Naguluhan ako kaya napakamot ako ng ulo. "Grace, anong hindi puwede? Let me in. Ano ba kasing nangyayari?"

Bukas-sara ang bibig ni Grace, tila ba naghahanap ng tamang salita. Nilingon niya si Trace na parang nagwawala sa banyo dahil sa tunog ng mga naglalaglagang gamit.

Bumuntong-hininga na lang si Grace bago bumulong na lang at sinabing, "Girl thing. Alam n'yo 'yun? Every month. Pula. Nakaka-beastmode. Lumalabas sa---"

"OO ALAM NA NAMIN!" Nanlalaki ang mata namin ni Jake habang marahas na umiling at pinapatigil na si Grace sa pagsasalita. Napailing lang si mom bago bumalik na sa kwarto niya.

"Grace, may wings lahat!" sigaw ni Trace sa tonong hindi ko pa narinig sa kanya. Gano'n ba talaga 'yun?

Binigyan lang kami ni Grace ng tipid na ngiti bago isinara na ulit ang pinto. Cue na namin 'yun ni Jake para bumalik na sa kwarto.

I glance at the clock and it says 5:30, kaya inis na inis akong bumagsak pabalik sa kama at ibinaon ang sarili sa ilalim ng covers, habang may unan na nakatakip sa mukha ko. Gumising ako ng umaga para lang malaman na--- wait, how do I say this... dalaw, right--- para lang malaman na dalaw ni Trace ngayon? God, does she even know how exasperating that is?

Nilingon ko si Jake na naghihilik na sa kabilang side ng kama. Natakot na naman 'yun mag-isa sa guest room. Pero grabe, nagising ba talaga 'to kanina o nag-sleepwalk lang? Iba talaga.

Ipinikit ko ang mata ko, madiin, sinusubukang bumalik sa pagtulog. Pero nang nagagawa ko na ay bigla akong napamulat at napaigtad mula sa kama.

Didn't I just say last night that I should start making a move?

Agad-agad kong kinuha ang towel at dumiretso sa banyo para maligo.

You know, I believe this kind of motivation is rare. Like really rare. It's more than just what motivates you to do things. It's like a very special fuel that powers you to do things while looking at it differently.

Habang dinadama ko ang preskong dala ng pagligo sa umaga, nakita ko na lang ang sarili ko na tinitingnan ang repleksyon sa salamin. And I can't help but smile knowing how I'm gradually changing. Not quite physically though. Dahil ang tanging nagbago lang sa akin ay ang paghaba ng buhok ko. Maybe I should get a haircut before the year ends.

But in other aspects, I think my old self is decapitating, bit by bit. And I kinda like that because I don't really like my old self that much.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon