019

198 15 3
                                    

Sa wakas nakaupo na rin sa malambot-lambot na upuan. Kahit lumipas na ang halos kalahating araw nang wala pa namang halos nangyayari, tingin ko matutulog lang ako sa buong biyahe. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako. O 'di kaya, kulang lang talaga ako sa tulog.

Hindi pa man nagte-take off, naunahan pa ako matulog ni Jake. Hindi siya tumabi sa akin dahil baka raw masukahan ko pa ang damit niya. Ang totoo, ayaw lang niyang mapansin ko na takot siyang sumakay sa eroplano. Hindi niya alam, matagal ko nang alam. Para saan pa't naging bestfriend niya ako kung hindi ko alam ang mga sikreto niya? Napailing na lang ako at itinuon ang pansin sa mga nakasakay sa eroplano.

Halo-halo. May mga mag-isang bumabiyahe at tahimik lang na nagsa-soundtrip; may mga grupo rin na katulad sana namin kung nakasabay lang kami kina Trace; mayroong isang may dalang baby na sige sa pag-iyak; may mga naluluha-luha pa na tingin ko ay iniwanan ang pamilya para makipagsapalaran sa ibang bansa.
Iba't ibang klase ng tao, iba't ibang takbo ng kwento. Bigla na naman tuloy pumasok sa isip ko ang sinabi ni Grace kagabi. Gusto niyang mauna ang career before anything else; over what she wants; over me.

Siguro nga kasi gusto niya munang makasigurado na magkakaroon siya ng stable na buhay. We are not young anymore. Kailangan na naming mag-isip at pakatimbangin ang bawat desisyon na gagawin namin. At some point, naiintindihan ko ang reason niya. But on the other, naiinis ako.

Naiinis ako dahil alam kong may nararamdaman din siya sa akin pero pinipigilan niya. Naiinis ako kasi pakiramdam ko, sa mga oras na 'to, parang ako lang ang nag-oover think sa pag-uusap namin kagabi. Paano kung wala lang naman 'yun sa kanya? Paano kung sanay na siya na i-set aside lahat ng hindi niya madadala sa pag-alis niya?

Marahas akong napailing, pilit na inaalis sa isip ko lahat. Lahat ng tungkol sa kanya. Kung gano'n lang kadali 'yun. Gano'n naman kasi 'di ba? Kapag ni-basted ka na, tigilan mo na. Ewan ko naguguluhan ako!

"Lalim ng iniisip, a." Napalingon ako sa babaeng nakasuot pa ng shades na biglang naupo sa tabi ko. Sleeveless blouse at jeans lang ang suot niya na para bang hindi maginaw sa pupuntahan namin. Napansin niya sigurong nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko siya makilala kaya hinubad niya ang shades niya.

"Leslie? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, takang-taka.

She just rolls her eyes. "If it isn't obvious yet, magbabakasyon ako."

Nanliit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam ko naman kasing habol siya nang habol kay Mirth. Kahit saan 'yon pumunta, sunod nang sunod itong si Leslie. "Saan?"

Her mouth opens and then closes before she looks away, unsure of what to say. But then she gets back with, "S-sa bahay!" She smiles. "Yeah, we have a house in Ottawa." Her smile grows wider as she thinks that I'll buy that.

Bumuntong-hininga ako. Sinubukan kong pumikit pero hindi pa ako inaantok. Siguro kapag lumipad na kami. Kaya itinuon ko muna ang atensyon sa pakikipag-usap kay Leslie.

"Bakit ka ba habol nang habol sa kanya?" Lahat ng tao sa school, alam 'yon. Gano'n talaga siguro kapag anak ka ng may-ari ng school--- lahat ng atensyon nasa iyo. "He obviously doesn't like you."

Araw-araw, may eksena itong si Leslie. Hindi gano'n kasikat ang KJ sa campus, pero dahil sa laging pagsunod ni Leslie sa kahit saan sila magpunta, nagsisimula nang magbigay ng atensyon ang may karamihang tao.

Kabaliktaran ang love story nila (kung may love nga talaga). Si Leslie kasi ang laging nagbibigay ng bulaklak, plush toys, ice cream, at kung ano-ano pa kay Mirth. Sa kabila naman, si Mirth ang tanggi nang tanggi at paulit-ulit ma binabasted si Leslie. A guy doesn't do that to a girl, unless he really doesn't like her. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit hanggang ngayon, ayaw pa ring sumuko nitong babaeng 'to.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon