011

282 18 8
                                    

Chapter 11

Ang kantahan, tawanan, sigawan, at lokohan sa bus kanina, napalitan ng pagkagulat nang makarating kami sa Brgy. May Pag-asa. Walang gumawa ng ingay, lahat kami literal na nakanganga, at gano'n din ang mga tao sa amin.

Mabato ang daanan. Hindi pa yata naayos ito kaya walang asplalto at hindi rin napatag. Ang mga bahay, kung hindi yari sa pinagtagpi-tagping yero at sako, gawa lang sa plywood na may sunog at gutgot ng anay pa ang iilan.

Nagkalat sa paligid ang mga bata. Three years old ang hula kong edad ng dalawang batang naghahabulan sa hindi kalayuan. Parehas silang naka-puting brief lang at walang pangitaas. Wala ring tsinelas.

"My mom would literally die if she she sees this," sabi ng isang babae sa likuran na unang bumasag sa katahimikan. Maya-maya pa ay nag-ingay na rin ang iba sa kakapaliwanag at paghahanap ng pamilyang naka-assign sa kanila.

Nahagip ng tingin ko ang isang matanda na nakaupo sa isang tabi, sa may bangketa kung saan dumadaan ang mga sasakyan. May hawak siyang mga dyaryong itinitinda na hindi bumagay sa puti na niyang mga buhok at payat na katawan.

Tiningnan ko si Jake na hindi ako nagkamaling nakatingin din sa matanda. Maya-maya pa, kasabay ko, ay lumapit si Jake at may kinuha sa bag niya.

That's one thing Jake and I have in common. Ayaw na ayaw naming nakakakita ng matandang nagta-trabaho pa rin. Lalo na't alam namin na hindi na kaya pero pinipilit para sa pamilya. Biglang nagkuyom ang kamao ko nang maisip ko kung ano ang ginagawa ng mga anak niya. Hanggang ngayon ba na matanda na siya, siya pa rin ang bumubuhay sa mga ito? It is none of my business, I know, but seeing this old lady, I can't help myself.

"Nay, bibilhin ko na po lahat ng paninda n'yo, uwi na po kayo." Kinuha ni Jake mula sa matanda ang hawak nitong mga dyaryo tsaka inalalayan para tumayo. Hinawakan lang siya ng matanda bago ito ngumiti.

Pipe.

Shit.

"Saan po ba ang bahay n'yo? Hatid na po namin kayo," sabi ko para maiwasan ang pagkainis. Agad namang itinuro ni Nanay ang bahay niya kaya pinuntahan na namin. Nakita kong nakatingin sa akin si Mirth, at ang ibang member ng KJ habang nakangiti.

Puro ngiti lang ang nagagawa ni Nanay habang tinitingnan niya kami at patuloy na tinuturo ang daan papunta sa kanila. Kahit nahihirapan dahil sa lagay ng kalsada, pilit naming sinabayan ni Jake si Nanay na parang hindi nahihirapan kahit mabato at lubak-lubak ang daan.

Isang tono ang lumabas sa bibig ni Nanay nang huminto siya sa isang pinto, tila may tinatawag. Maya-maya pa, lumabas sa bahay na gawa sa tagpi-tagping plywood at yero ang isang lalaking bigotilyo, malaki ang tiyan na walang T-shirt habang may hawak na bote ng alak sa kanang kamay.

"Nay, may bisita pala tayo." Halos hindi na maintindihan ang sinabi ni Bigotilyo sa sobrang kalasingan. Ang aga-aga lasing.

"Nasaan na ang mga dyaryo n'yo, Nay?" Nakita niyang hawak ni Jake ang mga dyaryo. "'Di ba sabi ko huwag kang uuwi hangga't hindi 'yan ubos?" Ramdam ko ang takot no Nanay nang bahagya siyang nagtago sa likuran ko at humawak sa bag ko. Nakakuyom pa rin ang kamao ko nang akmang susugurin ang lalaking nakaamba kay nanay, kung hindi lang ako pinigilan ni Mirth. Nasa likod na pala siya kasama ang ibang ka-grupo.

"Kami na ang bahala dito, Bryan." Mirth put his hand on my shoulder in assurance. Tumango lang ako at niyaya na si Jake para umalis. Nagpaalam din kami kay Nanay na binigyan pa Ron kami ng isang ngiti kahit takot na takot na siya.

Sila Mirth ang naka-assign kay Nanay, oras naman na para hanapin ang naka-assign sa amin. Tinawag na si Jake na ka-grupo niya kaya hinanap ko na rin si Grace.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon