020

215 17 13
                                    

Isang katok sa pinto ang nagbalik sa akin sa katinuan. Narinig ko 'yon pero hindi ako tumayo para pagbuksan kung sinoman ang nakatok.

"Kuya?"

Hindi ako sumagot sa tawag ni Trace. Hindi na rin kailangan dahil alam niya na kapag kumatok na siya ng tatlong beses at hindi ako sumagot ay p'wede na siyang pumasok. Ginawa nga niya, pero hindi ako nag-abala na tingnan siya kahit naupo na siya sa may paanan ng kama ko. Nagpanggap lang ako na busy sa iPhone ko kahit dead batt naman ito.

"Kuya, it wasn't what it looked like." Nagsimula siyang magsalita pero hindi ako sumagot. "Like, ano ako? Pakawala. It's not like I will just go sleeping around, 'no! At tsaka---"

Ang pagpapaliwanang niya ay nagsimula na namang palitan ng pagiging bratinela niya kaya tumikhim ako. Nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin kaya itinikom muna niya ang bibig niya. Nang hindi naman ako magsalita ay nagpatuloy siya.

"What I mean is, I would never do what you thought I would! Kuya, wala ka bang tiwala sa akin?" Hindi rin ako sumagot kaya mas pinalalim pa niya ang pagpapaliwanang.

"Naabutan lang naman kami ni Jake na nasa isang kama but that doesn't mean na we slept together. Ipinagtanggol lang naman ako ni Alt sa bastos na timang---"

"Language," paalala ko.

Inirapan lang niya ako bago tinuloy ang sinasabi. "Ni-save lang naman ako ni Alt sa bastos na lalaki sa party kagabi. Kaya ayon nabugbog pa siya. At kaya ako nakaupo sa kama kung saan siya nakahiga kasi I was checking if he was okay na."

"Why did you throw a party in the first place?" I say, exasperatedly. "None of this would have happened if it wasn't because of you- being the brat that you are."

Tumango lang siya, biting her lip. This is what I like about my sister. Alam niya kapag may mali siya, at sa halip na ipagtanggol ang sarili niya, tatanggapin lang niya kapag pinapagalitan siya. And so I decided not to go too harsh on her. Pero hindi ko pinahalata.

"Sige na." I breathe. Tumingin siya sa akin, eyes hopeful. "But make sure to clean the house. That will give you time to think about what you've done." Tumango lang siya at tumayo na. Pero bago siya makalabas ay may sinabi pa ako.

"And talk to Jake." Yumuko siya, nagiisip, pero ininangat din agad ang ulo at muling tumango.

Nagbalak na akong matulog pero wala pang dalawang minuto ay may kumakatok na naman sa pinto. Marahas akong napabuntong-hininga at ginulo-gulo ang buhok dahil sa istorbo na 'yon, pero hindi ako tumayo.

"Bryan?" Lalo kong hindi ginusto na tumayo nang malamang si Grace ang nasa likod ng pinto. Hindi na lang ako sumagot at sa halip ay nagtalukbong ng kumot at nagpanggap na tulog.

Timing naman na bumukas ang pinto at mga papalapit na yabag ang pumalit sa katok.

"Nakatulog yata." Si Grace ang nagsalita. "Kagagaling lang kasi sa biyahe kaya siguro inantok na. Baba na lang natin ulit 'tong breakfast niya."

"Sige ako na. Kaya ko na 'to." Si Bart naman ang narinig kong sumagot. "Okay lang kung pakitanggal na lang sa charger 'yung phone ko do'n sa couch? Overcharge na 'yun siguro."

So, dito nga sila natulog lahat sa kwarto ko. Sa dami ng kwarto dito, bakit 'yung akin pa? Medyo amoy pawis pa tuloy 'tong unan ko.

Maya-maya pa ay narinig ko nang lumabas ng kwarto si Bart. Si Grace na lang ang naiwan kaya mas lalo ko pang pinag-igihan ang pagpapanggap na tulog.

"Feeling ko naiwas ka." I stiffen. Obvious ba ako masyado? Hindi ko siya naramdamang lumapit, nag-aayos pa rin siya ng mga natitirang kalat. "Is it because of what happened?"

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon