021

235 13 2
                                    

Habang naghihintay ng flight namin, lahat kami walang ibang bukambibig kung hindi, "Bitin. Sa susunod, we should stay longer." Natatawa lang ako. Next Christmas trip kaya, kami pa rin ang magkakasama? At dahil doon, naisip ko na naman ang tungkol sa amin ni Grace.

I look at her, maybe too long because she averts her gaze to mine, giving me a questioning look. Hinawakan ko lang ang kamay niya- na mukhang napapadalas na, at ngumiti. Hindi na kami nag-abala pa na maghiwalay ng upuan. Besides, ang mga kasama namin ay mukhang declaration na lang din namin ang hinihintay.

Napukaw ang atensyon ko sa isang bata na may dalang bag pack at nakaupo malapit sa amin--- mukhang walang kasama. Pero mas napansin ko ang isang pamilyar na babae na kahit naka-shades at parang holdaper na naka-hood sa may bandang likuran namin, ay malinaw ko pa ring na-recognize. Nag-excuse muna ako kay Grace, na busy na rin sa phone niya, para puntahan ang babaeng 'yon.

"So much for coincidence, huh?" May pang-aasar sa tono ko nang maupo ako sa tabi niya. Hindi niya naman ako pinansin dahil abalang-abala siya sa pagtitig kay Mirth sa harapan. "Bakit hindi ka pumunta ng lake house? I told you, you were invited. E 'di sana  kasabay ka namin ngayon at hindi mo na kailangan mag-mukhang stalker. E 'di sana mas malapit ka kay Mirth."

May naramdaman akong naupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin hanggang sa magsalita ito. "Huy, sino 'yang kausap mo?" Halos mabali ang leeg ko sa bilis ng paglingon ko sa kanya. Naka-shades din siya at nagtatago sa malaking hoodie as disguise.

"Leslie?" tanong ko. Ngayon gusto ko na lang umalis dito at bumalik kay Grace. Jeez. Sino pala 'tong kinausap ko ngayon-ngayon lang? "B-but---" Hindi ko na rin matuloy ang sasabihin at sa halip ay itinuro na lang 'yung babae.

"Hala ka. Kung ano-ano yata ang sinabi mo." Ibinaba niya nang kaunti ang shades niya para tingnan ang katabi kong babae na ngayon ay hindi ko na malingon-lingon. "Buti na lang mukha siyang tulog."

Nang malaman 'yon, agad akong tumayo at lumipat sa may bandang likod pa. Sumunod din naman agad si Leslie dahil mukhang may gusto rin siyang sabihin... o malaman.

"So?" sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami. Pero hindi katulad ng sa mga pelikula, hindi ko siya pinaunang magsalita.

"Kumusta ang 'bakasyon' mo? Natuwa ka bang i-stalk..." Ni-tilt ko ang ulo ko sa direksyon kung nasaan si Mirth, "si Mirth?" Nilakasan ko talaga para lumingon si Mirth. Lumingon nga kaya naman si Leslie ay hindi alam kung paano ang gagawin makapagtago lang.

Umiling lang ako at binigyan si Mirth ng thumbs up kaya bumalik na ito sa pakikipag-kwentuhan sa KJ. Isang hampas naman ang natanggap ko galing kay Leslie. "Uy, masakit, a."

"E, sabi ko naman sa'yo na hindi ako pumunta dito para i-stalk si Mirth." Kahit nakasalamin, alam ko pa rin na inirapan niya ako.

"Totoo? Hindi mo nga ba ni-stalk si Mi---"

"Oo na!" sigaw niya na tiyak akong narinig ng bawat tao na malapit sa amin. "Do'n ako tumuloy sa sumunod na bahay paglabas ng lake house."

Bumuntong-hininga ako. "Ikaw naman kasi. Sinasama na nga kita no'n, ayaw mo pa," sabi ko bago wala na muna ulit nagsalita sa aming dalawa.

Napasulyap ako sa babae na kanina ay napagkamalan kong si Leslie. Tulog pa rin ito at mukhang hindi pa siya magigising hanggang mamaya. Baka maiwan ito ng flight.

"E, kayo? Anong nangyari?" Agad na bumalik ang atensyon ko kay Leslie. Hindi ko pa napansin ang bigla ko ring pag-ngiti nang mabanggit ang pangalan ni Grace. "Wow, excited much? So anong nangyari?"

"Thirteen," I say, feeling giddy and such. Jeez. I'm think I'm starting to be a teenage girl. "Mark the date," I added before smiling.

Bumuntong-hininga naman siya at tumingin sa direksyon ni Mirth na mukhang tawang-tawa sa kung anong sinasabi ni Bart. "Buti ka pa. Ako kaya---" Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil sa ingay ng bagong dating na eroplano. Hindi ako sigurado pero parang may sinabi siya tungkol sa konting panahon.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon