007

301 22 9
                                    

Congratulations, Sonnet!

Malaking tarpaulin ang nakasabit sa entrance ng Catharsis, ang nag-iisang bar sa Fitzgerald. Unang beses ko dito, hindi dahil sa hindi ako nagiinom,kung hindi dahil nga hindi pa ako nakapaglibot-libot. Tanging palibot lang ng High Homes ang napapasyalan ko.

"Cheers!"

Hindi natapos sa arena ang ingay dahil kahit dito sa bar ay tuloy-tuloy pa rin ang hiyawan. Luminga-linga ako, nagbabakasakali akong may pamilyar na mukapha akong makikita. Pero wala, e. Tanging si Ed lang kaya lang mukhang papalabas na siya ng bar.

"Uy, Bryan!" Kahit gabi, naka-shades pa rin siya. "Congratulations." Inilahad ni Ed ang kamay niya na agad kong inabot.

"Congratulations din, pare." Double celebration kasi ang nagaganap. Dahil nga nanalo rin ang Sonnet's Silver Knights laban sa Barbarians na grupo rin ng parehas na school na kalaban namin, sagot na ng administration ng Sonnet ang triumph party.

"Pa'no ba 'yan, mauna na ako. May celebration din kami ng KJ's, e. Enjoy, dude." Tapos lumabas na siya at naiwan ako sa dulo ng mataong bar.

"SI QUARTERBACK!" Nakakabingi pala kapag puro lalaki ang naghiyawan. "TEKA LANG!" Napasigaw ako nang buhatin ako ng mga teammates at schoolmates ko at itinaas sa ere. Sa una, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil ngarag na ngarag ako sa paghahagis nila sa akin, pero hindi nagtagal ay ni-enjoy ko na lang.

"Wow." Patawa-tawa lang akong naupo sa bar pagkatapos, at humingi ng beer. Mukhang hindi naman pala problema ang kawalan ng kakilala dahil approachable naman ang mga schoolmates ko.

"I didn't know you drink." Nagtayuan ang balahibo ko nang may bumulong sa tenga ko. Dinampian pa kasi niya ng dila bago naupo sa tabi ko. It's a hot blonde with tempting lips, pero hindi ko siya kilala.

"Uh... I guess I do." I fake a laugh. Wow, this is awkward. Napainom na lang tuloy ako sa beer mug na hawak ko, halos maubos ko pa nga.

Dahil International school ang Sonnet, hindi lang mga Filipino ang nagaaral dito. Pero ngayon lang ako nakakita at nakakausap ng ibang lahi.

"So, doesn't this party bore you?" Her voice is so sexy that I order another mug of beer and drink it to the bottom. "I know a place where you can have real fun."

Napalunok lang ako lalo na ng hindi namalayan na naka-lean na pala siya; malapit ang mukha sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa mga hita ko.

I'm a man. I won't deny it turned me on. Hindi lang siguro ako sanay kaya kinakabahan ako ng ganito. "Uh, w-where?" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko at pawang bulong na lang na nagpangisi sa babaeng halos halikan na ako.

"You have to come with me... in my room." Hinatak na niya ako and I give in. Pero hindi ko inaasahan na pagtayo ko ay makikita ko si Grace na nakatayo at nakatingin sa akin.

Hingal na hingal siya at naka-jacket lang habang suot pa rin ang cheerleader uniform niya. Naka-clip din ang bangs niya katulad ng ginawa ko kagabi, at may hawak siyang isang box.

"Hey---" Hiccup. "Grace." Wow, those beer instantly got me drunk. "Let's go." Sinabi ko sa babaeng humahatak sa akin na sandali lang,at nakita kong umirap si Grace.

"Whe-re's---" Pero bigla siyang tumakbo sa maraming tao, at palabas ng bar. Natanaw ko ang ilaw ng scooter niya sa bintana kasunod ng pagharurot nito palayo.

Ano'ng nangyari do'n?

Hinatak ulit ako ng babae, pero this time, I dismiss her. Sinampal niya pa ako bago umalis, pero ngumisi lang ako at bumalik na sa pagkakaupo.

"Another round." Since when was the last time I got drunk anyway? It's been long, so I guess this won't be that bad. Besides sanay naman na ako at hindi ako nalalasing. Si Mom lang naman ang problema ko kapag nagi-inom, good thing wala siya sa bahay hanggang bukas. So I have the whole night all by myself.

"Bryan Christopher Velasco, lasing ka ba?" Umalingawngaw sa tenga ko ang boses ni mom. Ano'ng oras na ba at ang ingay-ingay niya? Hindi man lang ako pinagtanggal ng sapatos bago mag-sermon.

"Mom, chilax ka lang, hindi ako lasing," sabi ko at nakita kong nagbukas ang ilaw sa kusina. Hindi ako umalis sa may pintuan habang tinatanggal ko ang sapatos gamit ang paa ko. Hindi pa ako lasing, I'm pretty certain about it.

"Drink." Inabot sa akin ni mom ang baso ng gatas na hindi ko agad naabot. Nilalayo-layo pa kasi niya, para tuloy akong bata.

"See? Hilong-hilo ka, ni hindi mo alam kung ano ba ang dapat abutin- this glass of milk or the air."

I let out a long and heavy sigh. "Mom, I am not freaking drunk!" Tumaas na ba ang boses ko? Feeling ko kasi naka-earphones ako. Wait, nasa bahay na ba ako? Ay, oo nga pala.

"Are you really not drunk?"

"Yes."

"Can you tell the time?"

"Yes, yes." Tumango-tango at pumunta sa kusina kung saan may nakasabit na orasan. I pointed to it and with a low, hoarse voice I said, "I am not freaking drunk!" Lumingon ulit ako kay mom who was practically doing a face palm.

What?

"Bryan Christopher Velasco, tatayo ka ba d'yan or am I going to grab that little you?" Napabalikwas ako sa higaan at agad na tinakpan ng unan ang pagitan ng mga hita ko.

"Seriously, mom?"

"Bakit? It's not that I'bpve never done it before?" She raises her brows before nodding downstairs. Tumango lang ako at bumaba na siya. Moms can be crazy at times, I swear.

Tinanggal ko ang unan at tumingin kay little me. Buti naman buo pa siya.

Pagbaba ko, dumiretso ako sa kusina pero nakaharang si mom sa pintuan at ayaw akong papasukin. "Check the living room, first."

My shoulders drop and I heave an exasperated sigh. I swear, nakaamoy ako ng pancakes sa kusina. Gutom na gutom pa naman na ako; feeling ko ilang taon akong hindi kumain.

"Clean that first. No clean carpet, no breakfast."

Tiningnan ko ang carpet at halos maduwal ako nang makitang ang daming suka na nakakalat. Did I do that?

Tiningnan ko si Mom and she's that one-brow-raised woman she always is. "Can I at least eat first?"

"You got yourself wasted last night, right? Now have your own puke for breakfast." Tumalikod na siya at sumigaw para tawagin si Trace. Agad namang bumaba ito na tiningnan lang ako bago tumawa at dumila pa. I groan.

Too much for a Saturday morning, huh.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon