010

315 26 18
                                    

Tulala lang ako habang hawak ang papel na nasa kamay ko. Ano na naman kaya ang balak ng teacher namin sa Sociology? Mukhang magpapaka-feeling major na naman.

"Lahat ng may red paper tumayo," sabi ng prof namin sa Sociology. Tumayo ang pitong estudyante, kasama si Jake na mukhang kagagaling lang sa tulog.

Ang tatlong babae ay nagtilian nang malamang magkakasama sila, habang parang wala lang para sa apat na lalaki ang nagaganap na groupings. Sabagay, ano ba naman ang nakaka-excite dito? Boring.

Sunod na pinatayo ng prof ang lahat ng may yellow, blue at huling-huli kami, ang green team.

Kung saan kabilang din si Grace.

Balak kong tumingin sa card niya, gusto kong malaman kung green nga ba talaga, pero napukaw na naman ng walang kamatayan niyang bangs ang atensyon ko. Agaw-pansin kasi lalo na't mas unat pa kaysa sa bangs ni Dora.

Matapos kaming paupuin at matapos ang reklamo at tilian ng mga kaklase ko, ipinaliwanag na ng prof ang gagawin.

"You are going to Caloocan to conduct a study."

"Caloocan?!"

"Saan 'yun?"

"Ang layoo!"

What the heck is Caloocan? Puno ba 'yun? Akala ko Sociology kami, bakit Biology na naman ang trip nitong prof namin?

"You're not going to do a survey. You have to interact with the people there and jot down possible factors that affect their current economical status. Five days, understand? You only have five days." Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Ma'am kahit ang ingay ng room. Bahala na ang hindi makikinig dahil hinding-hindi na niya uulitin ang sinabi niya.

"No report, drop." Ito ang nagpatahimik sa klase. Ang kaninang nagsisigawan na mga kaklase ko ay pawang bumubulong na lang at nagdadasal na sana nangagago lang itong si Ma'am. Kaya lang hindi naman April Fool's day para mangyari 'yon.

Bumuntong-hininga ako. This goes sa kawalan ng mapagawa ng teacher kaya kahit high school pa lang kami, may Sociology na kami at ngayo'y kailangan pa naming pumunta sa Calocan--- Calakan--- Caloan, whatever the hell you call that place.

"And one more thing."

C'mon!

"No gadgets allowed. Ang makitaan ng gadgets, kahit phone na de-keypad, hindi makakasama. Meaning, walang project."

"Ano ba 'yaaan!"

"Ano 'to lokohan?"

"Paano na ang mga porn collection ko?"

"Uy, pa-Share It!"

Shit.

We have two days time para makapag-prepare sa bwisit na trip na 'yun. Two days para makapag-paalam sa mga gadgets namin, two days para... ugh! Two freaking days left!

"Guys!" Angelo calls me na Kausap si Jake. Nagrereklamo siya at sinasabing magkaka-diarrhea daw two days from now.

Pinigilan ako ni Jake bago ako makalapit sa upuan ni Angelo kung saan nagkumpulan na ang ibang green team. "Ngayon yata ako magkaka-diarrhea. Pass muna ako sa meeting!"sabi niya habang nakahawk sa tiyan at nakatingin kay Grace, bago tumakbo palabas.

Ano'ng meron? E hindi naman namin siya ka-team? Kumag na 'yun talaga.

Pero nakatingin ako kay Grace na ngiting-ngiti sa mga ka-grupo naming nagsasalita lang naman. Nawe-weirdohan na talaga ako sa babaeng ito. Kapag walang kasama o kaya ay ako lang naman, ang dark ng ipinapakita niya, tapos ngayon... Ewan.

How I Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon