chapter 11

27.4K 599 291
                                    

JONAS P.O.V.

Okay lang kaya si Mars, bakit nagmamadali 'yon. Takte, buti di na masyado masakit ang bukol ko.

"Uwi nadin ako Dude, kukunin ko pa kotse ko sa school." Sabay ayos ko ng bangs ko, okay na 'to. Di naman halata din a 'to mapapansin ni Demi.

Hinila ni Dude ang damit ko kaya napaupo ulit ako.

"Tsk di pa pwede, namumula pa 'yang noo mo." Hinawi niya ang buhok ko at pinatungan ulit ng ice bag ang noo ko. "Pag nakita ko 'yong babaeng 'yon sapakin ko 'yon."

"Hahaha! Wag Dude, hayaan mo na. Tsaka di ko naman na makikita 'yon. Nagkataon lang siguro kanina.Aray. Wag mo naman diinan masyado."

"Psh! Pinopormahan mo talaga siguro 'yon umamin ka."

Adik 'tong si Dude.

"Hindi nga takte 'yan. Kay Demi lang ako. Ang gusto lang ng mga mata ko at puso ko... si Demi lang."

"Ah..."

Natatawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko. Hay Demi, ang lakas talaga ng tama ko sayo. Kinuha ko sa kamay ni Chin ang ice bag para ako na ang magtuloy, baka mangalay siya.

"Pero paano kapag hindi ka pala talaga gusto ni Demi..."

Nawala ang ngiti ko at napatitig kay Dude. Parehas na seryoso ang mukha namin. Naisip ko na 'yon pero gagawa ako ng paraan para mas magustuhan niya ko.

"... at may ibang may gusto at naghahantay sayo?"

Hindi agad ako nakapag react sa tanong at titig ni Chin. Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Ang seryoso. Bigla tuloy ako nakaramdam ng kakaiba.

'Yong titig niya, halatang interesado sa isasagot ko. Ngayon ko lang nakita 'yong ganito niyang titig. There is something that I can't really explain. Ayoko mag-isip ng kung anu ano. Baka kung ano pa maisip kong dahilan.

"Bakit may irereto ka sakin Dude?" seryoso kong tanong sa kanya. Ilang segundo akong napatitig sa mata niya. Bigla akong kinabahan sa titig at facial expression niya.

"Paano kapag nalaman mo...na may..."

Nung marinig ko 'yon talagang tumindi na ang kaba ko. Hindi ko maiexplain. Kakaiba, basta parang may mali. Hindi naman siya lasing.

"Kung ano man 'yan ayoko malaman." Agad kong nasagot sa kanya.

"Jonas..." her voice is very anusual. It makes me feel confused.

Tumawa nalang ako at tsaka ginulo ang buhok niya. "Kung may ipapakilala ka sakin o kung sinuman niyang nagkakagusto sakin hindi ko kailangan makilala Dude. Lima lang ang babae sa buhay ko at okay na ako doon."

Nagsalubong ang kilay niya at nagtaka.

"Si Mom na lagi akon ginagawang baby.Si Manang na taga sermon sa bahay, si Agatha na kaibigan kong baliw at sadista, si Demi na kinababaliwan ko at ikaw Dude... ikaw na pasaway na bestfriend ko."

Tumayo na ako at niligpit ang mga ginamit namin. Pumunta ako sa kusina habang siya ay andoon sa may sala, hindi kumikilos at walang imik. I took a deep breath. Is there really something wrong... may period kaya siya kaya kung anu ano naiisip niya. Kung anu ano din tuloy naiisip ko. Di kaya may problema na naman siya sa family niya? Kaso kung meron for sure she will tell me her problem right away.

"Wag ka na malungkot! Hahahah!" I need to act normal. "Wag mo na ipakilala sakin 'yan kasi ayoko na madagdagan ang babae sa buhay ko. Mahirap kayong intindihin kaya ayoko." Sabi ko sakanya habang nagsasalamin at nag aayos ng buhok. 'Yon nalang ang sinabi ko. But deep inside, iba ang dahilan na naiisip ko bakit siya nagkakaganto. Pero hindi naman ako sigurado. Nagloloko lang ang utak ko ngayon.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon