chapter 37

7.2K 239 82
                                    

chapter 37

JONAS' P.O.V.

"Sorry pre, natalo tayo sa laro.Kung naipasok ko sana ung 3 point shot lamang tayo ng isa." si Kelvin habang pinupunasan ang pawis.

Nasaan na ba yung relo ko? Dito ko lang 'yon nilagay sa locker e.

"Okay lang, madalas naman tayo manalo, pagbigyan na natin sila ngayon hahaha. Di ka pa mag-shower?" tanong ko na ilang segundo bago ko marealize na parang mali na itanong ko 'yon. Tinignan ko siya.

"Hindi pa. Maya-maya siguro..."

Mukang normal naman siya, ako lang ata nagbigay malisya sa sinabi ko.

Before kasi, sabay kami naliligo. Syempre magkaiba kami ng cubicle!

Napansin ko din na mahina talaga siya maglaro ngayon... hindi kaya dahil nga totoo ang sinasabi ng mga kaibigan ko sa kanya .

Imposible, mabait siyang tao nararamdaman ko. Ewan ko ba, magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Di kaya kapatid ko 'to sa labas?

May kapatid kasi ako sa labas e pero kilala ko naman. Di ko lang alam kung may iba pang tinatago ang tatay ko.

"Takteng relo 'yan nasaan na ba 'yon, maya ko nalang hanapin ligo muna ko."

"Hahaha andyan lang 'yon pre baka natabunan lang."

Isasara ko na sana yung locker ko nung mag-vibrate ang phone ko.

Si Uriah, nakaramdam agad ako ng kakaiba. Hindi basta basta tumatawag 'to unless...

"Hello."

"Saan ka Jonas?"

"Sa locker room, katatapos lang mag basketball bakit?"

"Hawakan mo ang baril mo."

"Huh?"

"Sumunod ka nalang." Seryosong utos niya, alam niyang may baril ako sa locker. Marahan ko 'yon kinukuha sa lagayan.

"Bitbitin mo lang 'yan. Si Kelvin, kompermado, kalaban yan." dagdag niya dahilan para mapamura ako sa isip. Hindi na ko nagtanong, once na sinabi niyang confirmed ay talagang sigurado siya at may ibedensya.

Agad na dumilim at bumigat ang pakiramdam ko. Tangna. Ikaw ang nakabarilan ko sa resto Kelvin?

"Kasama mo siya?"

"Oo." sagot ko saktong hawak ko na ang baril ko.

"Umalis na kayo dyan ni Demi, pumunta kayo dito sa penthouse. Wag ka muna gumawa ng aksyon dyan. Sinabi ko lang 'to ngayon para full alert kayo baka bigla nalang kayong atakihin nyang taong 'yan.

Huminga ako nang malalim, alam niyang baka hindi ako makapag pigil. Nasa school kami, mahirap pag dito kami nagpang abutan.

"Sige. Punta na ko dyan." malamig kong sagot.

"Jonas, wag sa school... sige ingat."

Binaba ko na ang tawag. Fck, my hands start shaking because of anger. Na para bang gustong kumalabit ng gatilyo.

Nanatili akong nakatayo sa harap ng locker at nakasukbit ang kamay sa lagayan ng baril ko.

'Yong nangyari sa resto ko, 'yong mga aksidenteng nangyayari sa mga kaibigan ko...

Hindi ko alam kasama ko all the time ang may kinalaman sa mga 'yon.

Kumuyom ang panga ko at naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko. Sobrang gago ko, pinagtatanggol ko pa siya sa mga kaibigan ko.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon