(Hi! 'Yong winner/s pala sa pagames natin sa next chapter ko nalang iaannounce! Salamat lalo na sa mga sumali! Galing niyo, nag enjoy ako magbasa ng comments. <3)
chapter 17
Agatha's P.O.V.
'Hindi naman ba sumasakit ang ulo ni Mars?'
'Wala naman siyang nasabi.'
'Tanungin mo kaya! Baka di lang 'yan nag sasabi.'
'Nasa banyo pa.'
'Sige mamaya nalang. Konyat ka sakin pag di mo tinanong yan.'
*Ethan sent a picture*
'ETHANNNNNN!'
'Ay napindot, sorry.'
'Delete mo na nga 'yan!'
*seen*
'Chat mo ko pag sumagot na!'
*seen*
Ang lakas talaga mang asar ng lalaking 'to! Pag nakikita ko talaga 'tong picture ko na 'to gusto kong punitin ang mukha ng kapatid ko.
"Hindi padin pala niya 'yon dinedelete!"
"Okay lang po kayo young lady?" Tanong sakin ni Tammy habang tinutulungan ako sa pagbabalot ng cookies.
"Si Ethan kasi, hindi padin pala dinedelete 'yong picture ko. Nung isang araw pa 'yon e."
"Mahilig po pala si Mr.Ethan mag picture."
"Hindi, kahit nga mag papicture ka lang sa kanya ayaw pa niya e. Pag magpipicture kaming dalawa tapos uutusan ko siya kung anong dapat na pose umaayaw na siya. Marami siyang picture pero stolen."
"Ah opo, nakita ko nga po dati mga stolen niya. Pinakita sakin ni Madam Nicole sa cellphone niya."
"Actually 'yong iba dun galing sakin binebenta ko sa kanya hahaha kapalit munchkin." Ngiting ngiti kong paliwanag sa kanya. Hindi alam ni Ethan ang tungkol dun pag nalaman niya yari ako. "Tsaka bakit madam Nicole tawag mo kay Nicolo."
"Sabi po niya e."
"Speaking of Nicolo, halatang nadidepress na siya kakaisip kung kelan tsaka paano aamin sa tatay niya. Buti nalang di pa niya alam 'yong tungkol kay Mars baka lalo siyang madepress."
Wala naman kasi ako maitulong kaya ito, gagawa nalang akong cookies para sa kanilang lahat. Para naman mawala kahit papaano ang depression nila. Nakakabawas kasi ng depression ang sweets diba?
Limang araw na ang nakakalipas nung mangyari 'yong kay Mars.Hanggang ngayon ata nag iimbestiga padin ata sila Uriah tungkol sa nangyari kay Mars at Kurt. At 'yong kay Kurt! Naiinis talaga ako. Kahapon lang nila sinabi sakin na muntikan na pala siya masaksak. Buti nalang talaga at okay naman siya.
Kahapon chineck ko ang sugat niya, okay naman na pala talaga pagaling nadin at mukhang nililinis naman niya palagi ang sugat niya sa binti. Takot kasi sa alcohol 'yong si Kurt e. Mga pasaway talaga. 'Yong sugat din ni Mars mabilis din naman gumagaling at 'yong sprain niya medyo masakit padin daw pero naigagalaw na niya ang daliri niya.
Naguguilty ako dahil may mga nangyayari na pala sa kanila na hindi ko alam. Sabi ko sa kanila sana na may mangyari man ulit o kung anuman dapat sabihin nila sakin para makatulong ako. Dahil sa totoo lang, pakiramdam ko kaya nangyayari 'to sa kanila dahil sakin.
Kung kasing husay lang ako ni Chin at Demi makipaglaban, makakatulong sana ko.
Hindi pa naman kompirmado na nagbalik na talaga ang Glefficial pero sila lang ang kilala kong may matinding galit samin. Kaya naman ngayon lalong mahigpit ang pagbabantay sakin nila Mr. Lambert.
BINABASA MO ANG
When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2
Humor[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you.