chapter 18.2

16.3K 424 124
                                    


chapter 18.2

CHIN'S P.O.V.

"Shantal. Hindi muna ko makakasali ulit ng practice." paalam ko sa kaibigan ko habang tinutupi ang ginamit kong P.E. uniform.

"Huh, halos isang linggo ka na di sumasama ah." reklamo niya at halatang iritable.

Hinayaan ko lang siya, may pagkabaliw din at pagkataray 'tong si Shantal kaya vibes kami.

"Ikaw na bahala mag explain sa kagrupo natin, turo mo nalang sakin 'yong steps next week. May kailangan lang akong gawin."

"Ano ba 'yan, sus magmumukmok ka lang ulit sa inyo e. Lutang ka padin! Alam ko galawan mo Chin. Don't me!"

Tinignan ko lang siya at gusto ko siyang tawanan kaso wala pa ko sa mood tumawa. Parehas kasi kami ng ugali kaya alam niya talaga ang mga galawan ko. Kahit di pa ganun katagal na magkaklase kami basang basa na namin ang isat isa.

"Ewan ko sayo. Alis na ko." sabay beso ko sa kanya. "Hihingan kita ng autograph kay Dominic."

Tignan mo, abot tenga ang ngiti niya. Patay na patay siya kay Dominic.

1 pm na. Kailangan ko na magmadali.

Sa totoo lang wala din ako sa mood talaga mag practice. Nung unang practice namin hindi talaga ako sumama dahil gusto ko lang humiga sa bahay, matulog dahil tamad na tamad akong gumalaw at kahit magsalita.

Kaya kahit sila Dominic ay di ko muna kinakausap, kahit si Agatha. Alam kong inis nadin siya sakin. Kahit ako naman inis na sa sarili ko. Pero may kailangan muna ako gawin bago ayusin ulit ang sarili ko.

Sinuot ko ang sumbrero at face mask nung mapansin kong malapit na ko sa pupuntahan ko.

Ang lugar na 'to, isa na ata sa pinaka delikadong lugar sa city. Na kahit pulis o mga awtoridad hindi basta basta makakapasok. At kapag napagtripan ka ng mga residente dito ay katapusan mo na. Kaya kailangan mo magmukhang sanay at hindi ka nila pwedeng kayan kayanin. Talamak ang drugs, krimen at mga ilegal transactions dito.

Madumi, mausok at magulo sa paligid. Halatang sabog karamihan ng mga masasalubong mo. Kaya ang suot ko ngayon ay maluwag at medyo madumi. Pinatakan ko din ng pampapula ang mata ko para magmukhang sabog o may sakit. Kahit amoy ko ay pinabaho ko din.

Buti naman at tanda ko pa ang daanan dito, nagagawi na ko dito noon pa bago pa man ako tumira kina Agatha. Ngayon nalang ulit ako nakabalik dito.

Sa huling eskinita doon ko nakita ang karatulang 'Ice for sale'. Ibig sabihin tumatakbo padin ang negosyo nila.

"Ice candy." sabi ko pagkatapos kumatok sa bintana.

Ilang segundo ako naghantay, pinalitan na kaya nila ang password? Maya't maya may bumukas na maliit na bintana.

"Flavor?" boses ng lalaki, at mukhang siya padin 'yong dating bantay dito.

"Mango, 'yong fresh."

wala pang 30 seconds nung ibigay na niya ang kapirasong papel na kailangan ko kaya iniabot ko nadin ang bayad ko.

"Keep the change."

Sabay alis ko na sa lugar na 'yon.

Mga pass 3:00 pm na ko nung nakauwi sa bahay. Tamang tama lang pala dahil aalis din ako maya maya. Nagpahinga ko saglit at naligo ulit .

4:00 pm nung umalis ako sa bahay, bago ulit ako pumunta sa lugar na 'yon ay dumaan akong palengke. Damihan ko na kasi nung nakaraan tatlo ang binili ko pero naubos agad, pagtingin ko kasi sa ref nila kinabukasan ay wala na akong nakita pang iba.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon