chapter 27
"Okay lang 'yan may 95 points naman tayo sa written activity." banggit ni Doms habang nakangiti. Tumango tango ako at sinang ayunan si Doms habang tahimik lang ang iba sa nangyari.
Kami ang nakakuha ng pinakamataas na points sa written activity. Kami nga lang ang pinakamababa sa role playing. Pero may award kami...
"Special Award. Bongga diba. History ito, first time magbigay ni Ma'am ng special award." aniya ni Nicolo habang kinakain 'yong ferrero Rocher na bigay ni Ma'am, 'yon 'yong award namin.
At nawindang ako lalo sa sinabi ni Ma'am, gusto niya daw malaman kung magkakatuluyan ba sa huli si Zen ang ang kanyang ex- girlfriend. 'Yon ang dahilan kung bakit kami may award. Habang ang kwento ni Charlotte ay Zen ay natabunan na kaya hanggang sa huli ay magkaibigan lang silang dalawa.
Hindi ko tuloy mawari kung ang role ni Chin ang bida o ang role ni Mica. Pagkatapos naman ng play ay di naman sila nag-away.Pero wala ding umiimik. Nakatalikod lang sila sa isat-isa. Si Chin ay ganun padin, cool lang at tahimik na akala mo ay walang nangyari, si Mica hindi padin matapos tapos sa paghilot ng kanyang ulo at halatang banas. Habang si Mars... ayon, nakaupo at tulala. Kala mo nahipnotismo.
--
Ano na kaya nangyari dun kina Mars at Chin? Hindi ko kasi alam kung nag-usap sila after ng English subject namin. Andito na kasi ako sa building namin para sa major subject.
Si Uriah nakaalis na kaya ng bahay? Di pa kasi nagrereply, pinuntahan niya kasi ang Dad. Okay naman siguro sila 'no? O baka nag-uusap padin sila.
Kinakabahan ako, di naman siguro sasabihin ni Uriah 'yong nangyari samin dun sa Club dahil mayayari din siya pag nagkataon.
"Agatha, okay ka lang?" sabay kalabit sakin nung katabi ko.
"Hah? Ano nga ulit 'yon sabi mo?" tanong ko sa kanya.
" Yung submission nung group project natin nextweek na paalala ko lang."
Tumango tango ako at tinapik siya. "Oo sige." yari, di ko pa tapos. Buti nalang pinaalala niya.
Grabe, nakakalimutan ko na tuloy lahat ng dapat kong gawin sa dami ng iniisip ko. Nadagdagan pa tuloy iniisip ko dahil sa sinabi sakin ni Tammy. Ayaw ko man aminin sa sarili ko pero kada oras ata sumasagi sa isip ko 'yong sinasabi ni Tammy na may tumawag na pangalan ay Jacob.
"Oo nga pala..." dagdag ni Camille at tsaka lumingon sa likuran namin. Napatingin ako at nakita kong may sinenyasan siya para lumapit dito. Kaklase namin, pero 'yon nga di ko kilala kung sino 'yon.
'Yong mga malalapit lang sa upuan ko ang kilala ko ang pangalan. Grabe matatapos nalang ang sem di ko padin sila kilala.
"Siya na daw gagawa nung chapter 5, kung di mo pa tapos ah." paliwanag sakin ni Camille habang nakatayo sa gilid niya 'yong kaklase namin na tinawag niya.
Hindi ako umimik, dahil ayoko malaman nila na di ko alam ang pangalan niya at lalong ayoko ipaalam na hindi ko alam na kagrupo ko pala si kuya.
"Di ka pa tapos 'no?" nanunuyang tanong ni Camille, ngumiti nalang ako at tumango.
"Tinawagan kita sa inyo kahapon wala ka daw e." nakangiting sabi sakin ni classmate.
Tumingin nalang ako kay Camille na may pagkailang saking ngiti. Tumawag siya?
"Ay oo, nakalimutan ko sabihin binigay ko number ng bahay niyo kay Jacob. Wala kasi siyang cellphone e, sinaunang tao kasi 'to hehehe."
Napakapit ako sa kamay ni Camille at tinignan silang dalawa. Halatang nagulat siya maging si... Jacob. Jacob, tama Jacob.
BINABASA MO ANG
When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2
Humor[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you.