Next day.
Balik sa normal ang lahat, abala na sa school na akala mo walang nangyari, unti unti na akong nasasanay sa ganitong buhay. Kailangan ko magpatuloy, kasi ganto din ang mga kaibigan ko. Halatang sanay na sa gantong kalakaran.
At ganun din si mom, balik trabaho ulit. Kahit nga ata magkagera pa never aabsent sa trabaho yun.
Pero nang dahil sa nangyari nadadagdagan ang pagkapraning ko sa paligid, pakiramdam ko laging may palihim na nagmamasid sakin at parang anumang oras ay may biglang susugod sakin.
Sinabi sakin ni mom na wag na sabihin kay dad ang nangyari, dahil baka sa susunod hindi na talaga ako makaalis ng bahay kasi nakakaalis ako ng walang bodyguard pag kasama sila Uriah minsan.
Basta mag ingat lang daw ako lagi at kailangan lagi may kasama. Kaso si mom naman ang lagi kong inaalala ngayon.
Pero lagi naman siya binabantayan ni Chin at Ethan.
"Pero diba, parang may mali e. Bakit fake bomb ang gamit... ibig sabihin walang balak manakit yung gumawa nun. Gusto lang manakot ganun? Diba Chuchi?"
Tinignan ako ni chuchi at tumahol na akala mo nakikipag usap. Cute.
Natigilan ako sa pagsusulat nung maubusan ng tinta ang ballpen ko. Ito na ang kahuli hulihang ballpen ko. Nawawala ko yung iba di ko alam kung saan napupunta.
Pumunta ako sa study room ni dad baka doon ay meron, wala siya kaya pinindot ko ang security number para mabuksan.
Naghahanap ako ng ballpen sa table niya nung biglang narinig kong may tumahol. Pag tingin ko sa likuran ay andito si chuchi.
"Ui chuchi, bakit ka andito?" sabay lapit ko sa kanya at agad siyang binuhat. Di ko kasi siya dito sinasama sa loob dahil baka mag ngatngat ng mga gamit ni dad.
"Arf arf arf!"
"Pssst Chuchi."
Nagpupumiglas siya at parang gusto bumaba. Tahol lang siya nang tahol at nakatitig sa book shelf. Napatitig nalang din ako doon pero wala akong nakitang kakaiba bukod sa mga libro.
Kinabahan ako bigla, di ko alam pero kinilabutan ako na nakatingin doon lalo na't patuloy sa pagtahol si chuchi at galit na galit.
Agad din ako lumabas at bumalik sa kwarto bitbit ang ballpen na nahanap ko.
Ang weird ni Chuchi kinabahan tuloy ako. Napaapaisip nalang ako minsan may nakikita ba siyang multo?
----
"Young lady may bisita po kayo. " aniya ni Tammy. Hindi na ko nakapagtanong kung sino nung sumulpot sa likuran niya si Nicolo... at may dalang mga bagahe.
Ngumiti siya sakin nang may pagkaalanganin. Iniling iling ko nalang ang ulo ko, pinipigilan kong ngumiti pero di din nagtagal ay napangiti nadin ako.
"Agatha bes... dito na muna ako." Aniya habang nakasandal sa balikat ko at hawak ang kamay ko.
"So umamin ka na?"
"Oo teh."
"Bakit wala kang mga pasa?"
"Walangya ka. Nag iwan lang ako ng sulat kay dad. Tapos umalis na ko."
"Ah magaling. So tingin mo hindi ka sasaktan ng dad mo pag andito ka samin?""Ewan. Bahala na.Okay lang ba? Dito muna ko."
"Oo naman." Walang pag aalinlangan kong sagot. As if naman matitiis ko siya. "Kaso anong plano mo? Hindi naman pwedeng di ka bumalik sa inyo."
"Grabe wala pa kong isang oras dito parang gusto mo na ko agad paalisin."
Hinampas ko siya sa braso. "Baliw ka, hindi ah. Syempre kelangan ko malaman balak mo. Mamaya bigla ka tumigil sa pag-aaral dyan."
"Hindi ah, never ako titigil kailangan ko makapagtapos. Umalis muna ko para bigyan ng time si dad na makapag isip. Mga 1 week lang naman ako dito. Aantayin ko lang din umuwi si mom sa isang araw pa uwi niya galing Palawan."
"So after 1 week, ready ka na mabugbog? Tsaka mag-aalala yun." tanong ko at tinignan siya. Halata mo sa kanya ang kaba at takot.
Tumango siya at ngumiti nang mapait. "Tatanggapin ko nalang, pagod na ko magpanggap e. Tsaka nagpaalam din ako sa sulat na dito muna ko sa inyo.Pero okay lang kaya sa Dad mo?"
BINABASA MO ANG
When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2
Humor[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you.