CHAPTER 4
( I love to read your thoughts, leave comments if you want ! I'm waiting for your feedback, suspicion and reaction meheheh . )
DOMINIC’S P.O.V.
Agad kong dinampot ang cp ko nung tumunog 'yon.
"Ingat. Goodnight din.” reply niya.
She's still cold. Nagkakatext kami ni Alexis minsan. Hindi naman yung buong magdamag na magkatext.
Hindi ko maintindihan, nakaramdam ako ng hiya ulit sa kanya. Parang noong bago ko lang siya makilala.
Parang ganun na nga, pag katapos ng lahat parang bago lang ulit kami na magkakilala. But most of the time, I keep in touch her.
Napatingin ako kay Ethan saglit, nakasandal ang siko sa may bintana ng kotse at diretso ang tingin sa daan. I thought he is sleeping, sabagay... walang pinagkaiba kung tulog siya o hindi. Tahimik padin.
"Oy pre, ayos ka lang."
Tumango lang siya, parehas na kaming mapungay pungay ang mga mata. Nakakatuwang isipin na nag celebrate kami ng birthday ni Uriah at Sheria ngayon. Akala ko e di na mangyayari 'yon.
"Bakit di pumunta si masungit na Alexis papa D?" Nicolo asked, tumingin ako sa rear view mirror bago sumagot.
"May importante daw siyang pinuntahan kanina.”
Tumango lang siya at pumikit sabay ginalaw ang mga kamay na para bang sinasayaw 'yon. Napangiti ako bigla, lasing talaga. Hindi ko alam kung anong tawag sa ginagawa niya.
Kanina ko pa gusto itanong kay Alexis kung saan ba siya, but it seems she doesn't want me to find out kung saan siya pumunta kanina.
She knows na birthday ngayon nung dalawa, at alam din niyang ayaw na mag celebrate ng birthday ni Uriah. Kaya nagulat siya nung malaman na nag celebrate kami kanina.
Naalala ko tuloy bigla ang usapan namin sa balwarte ni Jonas. Nakakapagtakang ang tahimik ng mundo namin ngayon. Simula nung matapos ang mission namin ay di na kami nagkaroon ng balita tungkol sa nangyari sa Glefficial. Lahat ng kinalaman namin sa Glefficial ay putol na. Maging ang pag gamit ng language nila ay bawal na.
Nakakabahala... wala na si Zeus at ibang bigatin ng Glefficial pero nanatili kaming handa kung sakaling may mangyaring di maganda.
"Papa D, bakit di niyo dinalaw si Sheria?"
"Next time nalang siguro." Matipid kong sagot.
Napalingon sa akin si Ethan saglit. Nabother siguro siya sa sagot ko.
Parang hindi kasi tamang sabihin ko na hanggang ngayon ay di padin namin alam kung saan ang puntod ni Sheria. Siguro ay sa amin nalang muna 'yon.
Kaso mukhang malabo dahil matagal tagal nading wala kaming balita sa pamilya ni Sheria.
Paniguradong alam nila na ipapahanap ni Uriah ang puntod ni Sheria kaya tagong-tago lahat ng impormasyon tungkol doon. Kahit sila Alexis ay walang ideya kung saan nga ba nakalibing si Sheria.
“Papa D… gustuhin ko man maging tayo, alam kong may Alexis ka padin. Kahit masungit siya e ipapaubaya na kita sa kanya. Wala naman siyang laban sa beauty ko nakakaawa naman.”
Nakapikit na siya at halos di na maidilat ang mga mata sige padin ang salita ni Nicolo. Napapangiti nalang ako sa mga naririnig ko.
“Papa E… bakit hindi ko na madalas makitang hawak mo ang cp mo? Di kadin nagrereply sakin. Alam mo… kung ako nalang kasi ang pinag aaksayahan mo ng oras… for sure sasabog ang cp mo dahil willing akong makatext ka ng 24 hrs.”
BINABASA MO ANG
When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2
فكاهة[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you.