Hi everyone! Kmusta kayo? I hope everyone is okay. Ingat pati sa inyong pamilya. Always wash your hands and wag maglalabas okay :) matatapos din tong covid na to. Mag ingat tayong lahat. Enjoy reading! -arki
Bakit ang tagal magbukas ng pinto?" Reklamo ni Jonas nung makapasok sa bahay.
Andito ako ngayon a banyo at si Uriah ang nagbukas sa kanila. Nanatili akong nakatitig sa salamin. Grabe! Sobrang pula ng mukha ko... at ng labi ko.
Napahinga nalang ako nang malalim at pilit na kinakalma ang sarili.
"Asan si Agatha?" si Dominic.
"Nasa banyo." si Uriah na kung papakinggan mo e akala mo walang nangyari.
"Eh bakit nga ang tagal buksan ng pintuan? Don't tell me na hinahantay mo pa lumabas si Agatha ng banyo para siya magbukas?" Reklamo ni Jonas.
"Oo."
"Hahaha hayaan mo na pre pinagbuksan naman na niya tayo e."
Kinakabahan padin ako. Lalabas na ba ako? Parang lalo akong nahihiya magpakita sa kanila. Grabe wala akong takas talagang dito nila ako pinuntahan. Pinakinggan ko lang silang nag uusap. Di ko namalayan na nakangiti na pala ako. Namiss ko sila.
"Agatha labas na dyan. Anong ulam niyo?" Si Kurt at may naririnig akong kalampag ng kaldero, malamang ay siya iyon.
Okay Agatha. Kalma.
Dahan dahan ko binuksan ang pinto at lumabas na ng banyo. Natahimik sila at agad na tinuon ang tingin sakin.
Tinignan ko silang apat ngunit may halong ilang. Ngumiti ako nang kaunti sabay kamot ng ulo.
"Namiss ka namin." nakangiting sambit ni Doms habang hawak si chuchi.
"Bihis ka na. Aalis tayo in 10 minutes." sabay ngiti din sakin ni Jonas.
"S-saan tayo pupunta?" di pa nga ako nakakapag sorry sa kanila e. Paano ko magagawang sumama?
----
"Grabe bakit ang traffic ngayon?" reklamo ni Jonas at patuloy sa pagdaldal kay Uriah na hindi naman umiimik.
Naalala ko na naman yung kanina!
Nanatili akong tahimik sa loob ng sasakyan. Parehas kaming nasa backseat ni Kurt at Dominic. Si Dominic naman ay may kausap sa phone simula kanina pa. Work related.
Si Chin pala ay kasama daw ni Mars at may inaasikaso sa shop. Habang si Ethan ay mag iisang linggo nang nasa Baguio, nagtuturo sa mga batang nasa hospital. Project yun nila mommy. Alam ko e ngayon din ang uwi niya sa bahay. Si Demi naman daw ay kinailangan muna umuwi ulit ng probinsya.
Habang nasa bahay ako nitong mga nakaraan e si mom at Chin lang ang kasama ko. Si Chin e kinakausap naman ako, siya pa nga lang ang nahihingan ko ng tawad.
Magtulug tulugan nalang kaya ako. Nahihiya ako sa kanila. At sa pagpapanggap ko e talagang nakatulog na ako. Nagising nalang ako nung narinig ko na may nagsabing "andito na tayo."
Pag dilat ko e nasa parking area na kami. Saan ba 'to?
"Tara na Agatha."
"Nasaan tayo?"
"Sa quarter ng B.A."
Seryoso?
Tahimik kaming naglalakad sa hallway ng parking papuntang elevator. Mula dito ay tanaw ko ang apat na bantay na nakatayo doon.
Hinawakan ni Uriah ang kamay ko. Tinignan niya ako na parang sinasabing wag ako mag-alala.
Nakaakyat na kami at hindi naman ganun kataas ang building na 'to. 3rd floor na ang pinakamataas pero napakalawak ng lugar. Para siyang malaking bahay pero madaming kwarto.
BINABASA MO ANG
When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2
Humor[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you.