Chapter 20
"Huhuhuhu!" bungad ni Nicolo nung makapasok sa penthouse, sa sobrang galit ko ay di ko namalayan na may nag doorbell pala. Tahimik lang kaming lahat at nanatili ako saking pwesto, di ko sila titigilan hanggat di sila umaamin kung kaninong napkin 'yong andun.
"Papa U!" maiyak iyak na sabi niya habang lumalapit dito at parang yayakapin si Uriah pero hindi niya tinuloy ganun din kay Ethan. "Papa E, okay ka lang? Ikaw papa M? Papa J? Papa D! huhu may masakit pa ba sayo?" sabay masahe niya kay Dominic. Ngumiti lang sa kanya si Doms at tinapik tapik ang kamay niya para sabihing ayos lang siya.
Boses niya lang at pag iiyak ang maririnig mo sa loob ng penthouse, nananatiling tikom ang bibig ng mga lalaking 'to at unti unti na naman nawawala ang pasensya ko.
"Ay anong happenings?" tanong sakin ni Nicolo nung mapansin niyang nagtitimpi ako.
Gusto kong lapitan si Uriah at sabunutan. Hindi talaga siya nagsasalita at kahit tumingin sakin na para bang pinapalabas niya talaga na wala siyang alam at inosente siya.
"Ano na naman 'yan Kurt siguro may ginawa ka na naman 'no?" pag susungit ni Nicolo.
"Wala ah. Malay ko sa napkin na 'yan." sagot ni Kurt at kumain. Tumingin siya sakin dahan dahan siguro ay nararamdaman niyang nakatitig ako sa kanya. Ngumiti lang siya ng kaunti at kumain ulit.
"Sa inyong lahat, si Kurt lang ang imposibleng magdala ng babae dito. Pagkain pwede pa, pero babae..." sabay iling ko. "Imposible."
"Oh my Gulaman! Babae? May ibang babaeng nagpupunta dito?" sabay hawak ni Nicolo sa batok niya. "Totoo ba itey? mga taksil..." sabay pasimple niyang sandal kay Mars.
"kaya umamin na, alam niyo 'yon...mas nakakainis kasi pag pinapatagal pa." paalala ko habang sinasara't bukas ang mga daliri ko. Mag warm muna ako.
Nakita kong napaurong sila nang kaunti sa mga kinauupuan nila at nagtinginan, nag-uusap sa isip at pinag bibintangan ang isat isa.
Sige lang, umimpid ako ng kaunti at pasimpleng lumapit sa likuran ni Uriah habang patuloy sila sa pagtuturuan, nakikinig lang ako.
Pasimple 'kong dinausdos 'yong kamay ko sa sandalan ng sofa at sumandal para kunwari ay nakikinig lang ako.
"Umamin na kayo." utos ni Uriah sa mga kasama.
Wow naman! Sarap pumalakpak. Sana umamin din siya.
Unti unti kong binaba ang kamay ko at hinantay na lumapat ang likod niya sa sandalan, nung mangyari 'yon ay kinurot ko siya sa pero dahil ang tigas ng likod niya ay sa may tagiliran ko siya kinurot at halos mapatalon siya sa gulat.
Tikom lang ang bibig ko habang nagngingitngit ang mga ngipin ko sa sobrang gigil. Salamat nalang at may malaking unan sa kanyang binti dahil dun nakahiga si chuchi kaya natatakpan ang ginagawa kong pananakit sa kanya.
"Umamin ka na." mahina kong sabi good enough para siya lang ang makarinig. Tinignan ko siya at ganun padin ang ekspresyon ng mukha niya at di man lang ako tinignan kahit magkalapit naman na kami. " Di kaya 'yon 'yong babaeng kasama ni Jonas nung nasunog 'yong resto. Balita ko din ingat na ingat 'yong buhat mo dun sa babae habang si Jonas hila hila mo lang sa paa so..."
Kaya naman lalo kong diniinan ang pagkurot at parang mabubungi ko ata ang ngipin ko sa pang gigigil. Nabubuang na ko, pero ayos lang naman talaga sakin 'yong ginawa niyang 'yon. Syempre babae 'yon at okay lang din sakin na hila hila niya si Jonas nung oras na 'yon ang mahalaga nailigtas niya. Gusto ko lang sabihin 'yon dahil sa frustration.
BINABASA MO ANG
When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2
Humor[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you.