( MERRY CHRISTMAS everyone ! Ito na ang gift ko sa inyo. Salamat sa mga bumati, babati palang. Binabasa ko lahat ng messages at comments niyo. salamat <3 Merry Christmas satin . Godbless ! hugs :* )
Chapter 6
ETHAN'S P.O.V.
"Morning ma." sabay bless ko kay mama. Andito ko ngayon sa bahay nila. Dumadaan ako dito bago pumasok sa school.
"Mornin din. Wait lang nak saglit nalang 'to maluluto na, Chin baba na dyan."
Halos araw-araw dito ko kumakain ng almusal. Sayang nga lang at malayo ang mansion nila ate Agatha at di din siya dito makadaan bago pumasok.
Madalas dinadaanan niya si mama sa hospital saglit para kamustahin bago umuwi ng mansion nila galing school.
Mahigit dalawang linggo nadin nung magsimula ang klase. Aing dami agad gawain potcha.
Tinulungan ko nalang si mama sa kusina.
"Ay nak, katukin mo nga si Chin sa taas baka malate na naman 'yon sa klase niya."
Nilapag ko na ang mga plato sa mesa pagkatapos ay inakyat ko na si Chin.
"Gising."
Di siya sumagot kaya kinatok ko ulit ang pinto. Madalas ata siya magpuyat ngayon. Pag pupunta kasi ako dito gising na siya.
"Andito na si Mars."
Bakit di siya sumasagot? Dati ang bilis bilis niyang bumangon pag nalamang andito na si Mars. Alam niya na kaya kung kelan ako nagbibiro o hindi.
"Sige akin nalang ulit pancake mo."
Halos kakatapos ko lang sa sinasabi ko nang makarinig ako ng kalabog.
"Wag! Bababa na ko wait lang."
"Tss. Narinig mo pa 'yon."
Bumaba na ako tutal gising na siya.
"Chin, madalas ka atang magpuyat ngayon a." Mom asked while we're eating.
"Oo nga tita, 'yong wattpad kasi..."
"Hah?"
"Website po 'yon ng mga stories tita. Si Agatha kasi e, inimpluwensyahan ako."
'Yon siguro 'yong madalas binabasa ni ate, kaya pala madalas na niyang hawak ang cp niya. Akala ko e, buong araw silang nagkakatext ni utol.
Tapos na kaming kumain, maaga pa naman kaya mamaya na ako aalis. Bibili pa pala kong paint, may nagpapadrawing sakin. Sayang ang kita. Pambayad din ng renta 'yon.
"Nak, dito ka nalang tumira."
Napalingon ako sa sinabi ni mama. Napatingin naman samin si Chin.
"Ako ang nahihirapan sa'yo. Tutal ang ate mo weekends lang umuuwi. Sa kwarto ko din siya natutulog. Pwede mong gamitin ang kwarto niya."
“May kaagaw na ko sa remote.” bulong ni Chin.
‘Di agad ako nakaimik, nabigla ako. ‘Di ko akalain na gugustuhin ni mama na dito na ako tumira. Nakakagulat na… nakakatuwa.
Ngumiti sakin si mama at tinapik ang balikat ko tsaka bumalik sa pagkain. “ Para naman may mag aasikaso sayo, pag isipan mong mabuti okay.”
Tumango lang ako at tumingin na ulit sa pagkain. Hindi ako namamantala kaya madalas akong pumunta dito, madalas ako nandito dahil kina mama. Nung una talagang nahihiya ako pero hinahanap ko ang pakiramdam na ‘to. ‘Yong pakiramdam na may pamilya ka.
BINABASA MO ANG
When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2
Humor[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you.