(Hello ! gaya ng sabi ko sa inyo, matagal ang ud. Pasensya na! Oo nga pala, sa mga nagbibigay ng comments/ feedback ... sa kanila ko pumipili nang bibigyan ng dedic . Best feedback may dedic. ^_^ Thank you ! )
CHAPTER 2
JONAS’ P.O.V.
Tumungga ako ulit ng alak habang nakikinig sa kanta ni Mars. Napapayugyog ang ulo ko habang nakikinig, hindi dahil sa magaling siyang kumanta. Kundi dahil sa maganda lang talaga ang kanta. Mas magaling akong kumanta sa kupal na ‘yan.
Akala mo eh Kpop superstar itong si kups kung makakanta. Nag cheers lang kami ni Ethan sabay tungga ulit.
“si ate?” tanong ni Ethan habang ginagala ang tingin.
Oo nga ano, wala siya dito pati si Uriah.
“alam na! hahaha.” Sagot ko sabay tawa nang malakas.
“oo nga!” sabat ni Kurt sabay tawa. Napatingin lang ako sa kanya habang patuloy sa pagtawa. Duda ako kung alam niya talaga ang iniisip ko. Okay nadin muna sigurong makapag usap sila ng sarilinan. Paniguradong aaminin ni Uriah na birthday din ni Sheria ngayon. Sa totoo lang nagulat talaga kami nang dumating dito. Di namin akalain na susurpresahin siya ni Agatha.
Kanina nga nung nagkita kami sa resto halos mapagsusuntok na naman niya kami nang saktong pagbukas niya ng pinto ay narinig niyang pinag uusapan ang tungkol sa birthday niya ngayon. Ayaw niyang mapag uusapan ang bagay na ‘yon. May saltik talaga ang lalaking ‘yon.
Pero kung kami ang gumawa nitong surpresa para sa kanya ay paniguradong maiinis siya, baka nga hindi na niya kami kausapin. Sensitive padin siya pag dating sa mga usaping involve si Sheria. Hay takte, ang swerte ni pinuno, may Agatha siyang nag aalaga sa kanya.
Saktong biglang inatake na naman ng kalikutan ang mata ko at tumingin na naman kay Demi. Nakaupo siya sa sofa habang si Nicolo ay nakaupo sa sahig at nakapwesto sa pagitan ng mga legs ni Demi.
‘Takte ‘tong lalaking ‘to oh. Ang swerte,’
Buti nalang hindi straight na lalaking ‘to si Nicolo kundi ibabaon ko siya diyan sa kinauupuan niya. Para akong tanga na natawa bigla pero saglit lang naman, naalala ko kasi ‘yong takteng spaghetti na ‘yan. Dapat sinasama ‘to lagi kina Agatha at hindi samin para matuto naman siya ng mga gawaing pambabae.
Halata niyo ba? Hindi ko na talaga siya masyadong nilalapitan at kinakausap matagal tagal nadin, mas lalo akong naging malayo sa kanya simula nung umuwi siya galing probinsya. Sinisigurado ko na hindi kami magtatagpo sa bahay at hindi siya kakausapin kapag kasama unless kailangan na kailangan na.
Kailangan ko ‘yon gawin dahil takte, pag hindi ko ginawa iyon baka sumabog ako at di ko mapigilan ang sarili ko, baka lumala na naman ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko nadin iniintindi kung sinuman ‘yong kupal na gusto niya.
‘Bahala na siya.Marami naman akong makikilala lalo na ngayong college.’
Biglang tumabi sakin si Chin habang nakikisabay sa kanta ni Tammy,
“Woah nakanang!” sabay palakpak ni Mars habang kumakanta si Tammy, pumalakpak nadin kami at kinantyawan si Tammy. Kalkolado ko na ang ugali ni Tammy, medyo madaldal pero talagang masipag, marunong makisama at magalang, sabagay mas matanda kami sa kanya. 16 years old lang siya, cute niya nga eh, baby face. Pero umiinom na pala siya, kaso nga lang pinagbawalan kami ni Uriah na painumin si Tammy. Buti naman at komportable na siyang kasama kami.
BINABASA MO ANG
When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2
Humor[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you.