Chapter 19
KURT'S P.O.V.
Ang sakit nung sugat ko. Tumigil ako saglit sa drug store at pinarada 'yong motor ni Ethan. Dumudugo 'yong sugat ko, bumuka siguro ulit. Puro dugo na pants ko. Pero buti nalang itim 'tong suot ko di masyadong halata.
Kailangan ko magpanggap na ayos lang dahil ayoko magpadala sa hospital dahil alam kong lalagyan nila ako ng alcohol. Laking pasalamat ko nalang at nandun ang motor ni Ethan kaya nakataas agad ako bago pa ko isama sa hospital.
Pumasok na ko sa store at nagpanggap na ayos lang, may mga doctor din dito diba? Mamaya bigla nalang ako lagyan ng alcohol pag nakitang dumudugo ang binti ko.
Kung may zombie lang siguro ngayon, baka ako ang una nilang biktimahin dahil maamoy nila ang dugo ko kaya kailangan mapigilan ko 'to agad.
"Band aid, kailangan kong band aid."
pagpatung patungin ko nalang kaya 'tong band aid. Kaso baka maubos isang box ng band aid sayang.
"be check mo nga kung may dugo. Feeling ko kasi meron."
"wait. Talikod ka."
Dugo? Hala baka nalaman nilang dumudugo ang binti ko. Doctor ba 'yon? Napatingin ako sa dalawa pang customer.
Nakatalikod 'yong isa habang 'yong isa nakatingin sa likod niya.
"Walang naman dugo." medyo malakas ang pagkakasabi nung tumutingin.
"' Wag mo naman pagsigawan." sabay gala niya ng tingin. Tumingin ako sa iba at kunwari walang narinig. "Feeling ko meron. Be pautang bili lang ako ng ano... wala na ko pera sakto lang 'to."
"Wala din be 7 pesos nalang pera ko, kasi walang tingi dito kailangan isang balot. Hanap tayo sari sari store."
Halos nagbulungan na sila kaya di ko na narinig ang pinag usapan nila.
Napabuntong hininga nalang ako dahil nalulungkot ako para sa kanila, may tinatago din siguro siyang sugat. Gaya ko takot din siya sa alcohol kaya ayaw niya ipaalam sa lahat na dinudugo siya. Pag ang doctor pa naman nakakita ng injured ginagamot agad.
Pero mukhang maayos ang pagkakatago ng dugo niya dahil wala din naman ako nakita sa likuran niya. Siguro dahil itim din ang suot niya kaya di lang makita.
Mukhang may pinagdaanan din siya dahil hindi naman siya duduguin kung walang pinagdaanan na tulad ko. Pero ayos lang naligtas ko naman sila Jonas.
Dahil hindi pwede ang band aid naghanap ako ng iba. Ayoko magtanong at lumapit sa mga staff dito mahirap na. Baka masense nila na may tinatago ko.
"Oh, band aid ba 'to?"
Dinampot ko 'yong product at tinitigan mabuti 'yong nasa cover. Ganito na ko mamili ngayon, tinititigan ko na ng mabuti at binabasa ang nakasulat dahil lagi ako napapagalitan nung mga kasama ko lalo na si boss.
Parang nung isang araw, inutusan niya ko bumili ng San Marino Tuna, natikman niya daw kasi 'yon sa bahay nila tita Julia masarap daw. Di man nga lang ako sinama punta nga din ako kina tita next time. Lutuin ko daw at gawing omellete.
Sa totoo lang gusto ko nga sabihan si boss na walang ganun klaseng tuna kasi alam ko lahat ng klase ng tuna like yellowfin, blackfin, lontail etc. Kaso wala ayaw ko naman siya mapahiya tsaka naisip ko na baka bagong tuna nga 'yon. Kasi matalino naman si boss for sure alam niya mga sinasabi niya.
Halos mangamoy isda na ko kakahanap nun sa wet market pero wala talagang San Marino na tuna akong nakita. Hindi ko alam kung galing ba 'yon China kasi wala naman ganung specie ng tuna dito.
BINABASA MO ANG
When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2
Humor[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you.