chapter 3

37.7K 948 137
                                    

Hindi padin ako makapaniwala sa hawak ko. Hindi ko na alam kung may nagmumulto ba sa akin o naengkanto na ba ako. Hindi ito 'yong regalo ko!

"Baby?"

Lalo akong kinilabutan nang sabihin 'yon ni Uriah. Tila parang ang sexy ng tono niya.

Oh my! Aatakihin na ata talaga ako.

Dahan dahan ko siyang nilingon habang hawak-hawak padin itong bagay na 'to.

Nagsimula ang tingin ko mula sa sahig, paakyat ng mga binti at katawan niya hanggang sa makaabot ako sa leeg at sa mukha niya.

Napalunok ako lalo na nung bigla siyang ngumisi. Pilit ko 'tong tinatago sa sarili ko pero di ko na mapigilan ! Ang sexy niya, ang sexy niya sa paningin ko lalo na ngayon nagcross arm pa siya at nagtilt ng ulo. Sobrang linaw ng mata ko kahit madilim!

"You want to give me a baby? But you choose to give me that thing?" Tila painosente ang kanyang tono. "Ironic."

"Ah eh ih! D-di a-akin..."

"Yes Agatha?" Malumanay pero parang nang-aasar na tanong niya. Napapikit ako saglit ng tawagin niya ang pangalan ko.

Naninigas na talaga ang buong katawan ko dito. Mabuti nalang at madilim dahil baka pagtawanan niya ako sa sobrang pula na ng mukha ko.

Mali ang pagkakaintindi niya! Pero di ko ma explain. Parang pag binuka ang bibig ko ay may lalabas na mga confetti.

"Pfft!" Sabay iwas niya ng tingin sakin at yumuko. Muli niyang kinagat ang kanyang labi na lalong nagpagwapo sa kanya. Oh my! Oh my! Hindi ko na alam ang gagawin kundi ang umiwas nalang ng tingin. Nakakapanghina.

Hanggang sa humakbang siya palapit sa akin. Hindi ko padin siya matignan sa sobrang kahihiyan.

"Alam kong di pa tayo pero okay lang naman sigurong gawin ko 'to." Aniya nung halos ilang pulgada nalang ang layo niya sa kinatatayuan ko.

I swear, luluwa na ata ang mga mata ko. Anong pinagsasabi niya, baka ito na talaga!

"U-Uriah." Takot at excitement ang naghalo sa boses ko. Pipigilan ko sana siya pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay mas nilapit pa niya ang sarili sakin at ....

agad na niyakap ako. Napalunok nalang ako at hindi na nakapagsalita.

"Ginagawa naman natin 'to pag may okasyon 'di ba?" Sabay higpit niya ng yakap sa akin.

Hindi agad nagsink in sa utak ko ang pinupunto niya. Oo nga, nagyayakapan kami kapag may okasyon. Namiss ko 'tong pakiramdam na 'to. Huling yakap ko sa kanya ay nung birthday ko pa.

Parang gamot ang yakap niya at agad akong napakalma, ito pala ang tinutukoy niya. Akala ko kasi kung ano na ang gagawin niya. Napangiti nalang ako dahil sa kabaliwan ng utak ko at dahil sa saya. Kung anu-ano ang iniisip ko alam ko naman di magagawa ni Uriah 'yon.

"Okasyon...so gusto mo na magcelebrate ng birthday ngayon?" Nanunuya kong tanong.

"Yeah, as long as you are with me." Agad niyang tugon.

Buti nalang talaga at wala siyang pagkakataon na makita ang mukha ko.

Dahan dahan ko din pinupulupot ang mga braso ko sa katawan niya. Napapikit nalang ako at napangiti habang naririnig ko ang tibok ng puso niya. Naaadik ako sa amoy niya at parang ayaw ko ng kumalas pa.

"Thank you..." bulong niya sa tenga ko na dahilan para lalo akong mapapikit dahil sa kiliti. Naramdaman ko ang hininga niya.

Bigla akong napahinga ng malalim, nararamdaman ko ang saya sa kanya ngayon. Masaya ako na kahit papaano ay naibsan ko ang alalahanin niya. Parang kanina lang ay ang tamlay niya pero ngayon iba na.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon