chapter 22

17.3K 395 69
                                    

(Hi ! Add niyo ko sa FB. Search 'ARKISTEPH WP' kasi baka magpagames kami (with prizes!) sali kayo. Iaanounce din soon ang about sa games. Sali kayo sa fb group natin :) yung link ng fb group at account ko makikita niyo sa profile ko dito sa wattpad. Click my DP para makarating saking profile. Thank you!) 


chapter 22


"Ano 'yon?" tanong niya habang nakatigil at ganun padin ang pwesto.

Hehe! Buti nalang di niya narinig. Sumimangot ako habang nakatitig padin sa kanya. "Ano ba 'yan! Bakit ka ba naghuhubad?"

"Magpapalit lang ako."

"Pwede ka magpalit sa banyo!" sigaw ko habang nakatingin padin sa kanya.

Binaba na niya ang damit niya at tumingin sa banyo pagkatapos balik sa akin. Bakit binaba! Tinuro niya 'yong banyo at walang sinabi pero di ko inalis ang tingin sa kanya. Pagtingin ko doon tsaka ko lang narealize na glass ang dingding ng banyo. As in! Clear na glass, kitang kita sa loob. Bale wala din kwenta kung gumamit ka ng banyo. Paano pag gagamit ka? Paano pag maliligo ka? Kahit curtain shower wala!

Pagkatapos nun ay muli na naman siyang naghuhubad.

"Hoy!" sigaw ko ulit sa kanya at bumangon.

Tumigil siya at tumingin ulit sakin. "Pwede ka naman kasing di nalang tumingin." sabay angat niya ng damit. "Hindi ko maintindihan gusto mo pero ang komportable pa ng upo mo dyan para kang nanunuod ng TV."

Agad akong umiwas ng tingin dahil para akong biglang nauntog sa sinabi niya. "Ang kapal mo naman so sinasabi mong gusto kong tignan 'yang ginagawa mo!"

"Ang sabi ko hindi ko maintindihan ang gusto mo." malumanay niyang paliwanag.

Tss!

"Ano ba kasi ginagawa natin dito!" Nakakunot kong sabi, sunud sunod kasi ang pangyayari naguguluhan na tuloy ako.

Lumakad siya at umupo sa may tabi ko. Agad na nawala ang kunot ng noo ko, hindi ko alam kung bakit. Napapalitan kasi lahat ng kaba ang nararamdaman ko tuwing ganito siya kalapit sakin. Kahit na nagpalit na siya ng damit amoy ko padin ang pabango niya.

"Magpapalit lang." sabay abot niya ng paperbag sakin. Pinilit kong di siya lingunin dahil ang lapit niya e, baka pag tinignan ko siya ay mawala na naman ako sa katinuan. Kinuha ko 'yong paper bag. May longsleeve at paldang below the knee. Tapos may wig at shades.

"Alam ng dad mo na andito tayo. Condition niya 'to for your safety. Gaya ng hinala niya, may sumunod satin."

Talaga? May sumunod samin? Pero wala akong napansin. O talagang mahina lang ang observation ko.

"Wala namang mangyayaring di maganda diba?" tanong ko at napahigpit ang hawak sa paperbag.

"Wala, kasi sinusunod naman natin bilin ng dad mo." sabay pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko. Napahinga ako nang malalim at tumango tango. Tinapik tapik niya ang kamay ko para iparamdam na magiging okay ang lahat. "Punta tayo kina Mommy. Kaya palit ka na."

Napaatras ako at napatingin sa kanya. "Di nga?"

"Oo nga."

Napanganga nalang ako at di na nakasabat, mas dumoble ang kaba ko sa sinabi niya. Hindi ako prepared!

"Eh bakit ngayon mo lang sinabi! Di ako prepared!"

"Pag sinabi ko sayo ng mas maaga all the time kakabahan ka lang at mapapaisip. Kaya ngayon lang para kahit kabahan ka atleast saglit nalang, mga 2 hours lang naman byahe dun. So sabihin na nating 3 hours ka lang kakabahan..."

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon