[a/n]: Been out for a while. thanks sa mga nag aabang ng update :))) Namiss ko kayo sobra :*
Nakakayamot ang chapter na toh, I think :D
Well, it's a long update. Paramdam naman kung may readers pa ko! *U*
Thanks for the support guys. xoxo
Read na..
------
*ringgggggg*
Tumunog na yung bell, ibig sabihin lunch break na.
“Ivee, mauna na ko sa canteen ahh. Maka-pila na para hindi tayo magantay ng matagal. Sumunod ka sakin agad ahh.”Mikael
“s-sige!”
Lumabas na siya ng kwarto namin.
Nararamdaman kong nagliligpit ng gamit niya si Gabriel. Ayain ko kaya siya? tutal wala naman sigurong mali dun kasi dati naman sabay talaga kaming kumakain.
“G-gabriel.”tawag ko sa kaniya
Kami na lang pala dito sa kwarto.
Lumingon na naman siya sakin sabay kawit sa balikat niya yung backpack niya. Nakatingin lang siya sakin na waring nagtatanong.
Naalala ko na naman yung kanina...nung may kahawak-kamay siya. bigla na namang may kumirot sa puso ko.
“k-kumusta ka na?! Ano...g-gusto mo bang s-sumabay samin ni Mika---.”
Naglakad na siya palayo ng hindi man lang pinapatapos yung sasabihin ko. galit ba siya sakin? Bakit niya ko iniiwasan? Nasasaktan ako. Nasasaktan ako pero hindi ko alam kung bakit.
Nakita ko namang may tao pala sa tapat ng pinto ng kwarto namin.
“let’s go Gab!”sabi niya sabay kapit sa braso ni Gabriel
Nginitian naman siya ni Gabriel.
Pakiramdam ko matutumba ako anumang oras. A-ano bang nangyayari sakin? B-bakit ganito makitungo si Gabriel sa akin?
Bago sila lumabas ng kwarto, sumigaw sakin yung babaeng kasama niya.
“Ivee, right?! Mauna na kami hah!”hinatak na niya palayo si Gabriel
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
Romance“Magiging hadlang ba ang isang madilim na sikreto upang pigilan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang?”