[a/n]:
Bitin ang chapter na toh, sinasabi ko na sainyo. Don't worry babawi ako sa next update na medyo matatagalan pa bago ko ipost :)))
Ihanda na ang tuwalya at siguradong magluluksa ang mga Team Gabriel sa chapter na toh. xD
COMMENT ahh :)))
Don't forget to read the works of MsYang, ArianeNulud and AgentAnonymous :***
----
“Ivee, gising na ganda!”
Nagising ako ng isang tawag ng isang tao na walang awang kumukurot sa pisngi ko.
“Mitch, gising na ko. tigilan mo na nga yang pamimiga sa pisngi ko.”
Bumangon na ko sa kama at tinignan yung orasan ko. 5:50 am na pala.
“bakit ang aga mo naman akong ginising?”
“gumayak ka na nga. at dalian mo kasi may isang GWAPONG-GWAPONG nilalang ang naghihintay sayo sa baba!”sabi niya habang kinikilig-kilig pa
Sino kaya yun? S-si Gabriel kaya?!
Nakuuu, ayan ka naman Ivee! Puro ka Gabriel! Hindi ka na nga nakatulog kakaisip sa kaniya eh!
>____________<
Oi kayo! Alam ko yang iniisip niyo! Gusto ko si Gabriel kaya iniisip ko siya?! HINDI NOH! Kaya ko siya magdamag na iniisip kasi.....................
HINDI KO RIN ALAM! T^T
Pumasok na ko sa may banyo sa loob ng kwarto ko at nagsimulang maligo. Pagkatapos kong maligo at sipilyuhin ang aking ngipin, lumabas na ko para isuot yung uniporme ko. nagmadali na nga ako’t lahat kasi si Mitch sigaw ng sigaw sakin at minamadali ako!
Hindi ko nga rin alam eh, pero sobrang bilis din ng paggalaw ko. parang ayokong pag-intayin ng matagal yung bisita ko.
Umupo ako sa harap ng salaminan ko at nagsimulang suklayin yung buhok ko.
“ok na kaya tong buhok ko?”pagtatanong ko sa sarili ko
Ayy ang pangit ata ng pagkakahati! Ginulo ko ulit yung buhok ko at sinimulang suklayin muli at hatiin. Paulit-ulit akong nagaayos ng buhok kasi sa palagay ko napaka pangit pa rin. Pano na lang kung mapangitan sakin yung bisita ko?
Natapos na rin ako. Tinitigan kong mabuti yung sarili ko sa salamin. Sa karaniwang araw, ganito lang talaga ako mag-ayos. Pero feeling ko, may kakaiba sakin ngayon.
“IVEE, DALIAN MO NA JAN! MALE-LATE NA KAYO! 6:15 NA OH!”sigaw ni Tita Amy mula sa baba
Nagpanic na ko. ano pa ba kulang sakin ngayon?
Shet, baka naiinip na si Gabriel sa baba!
Sinabi ko ba yung pangalan ni Gabriel kanina lang? AISH! I’m being hysterical. T^T
Tumingin-tingin ako sa drawer ng salaminan ko. nakakita ko ng make-up, blush on, mascara, eyeliner, lipgloss, at yung bagay na kulang pa pala sakin. Ang.......POWDER!
Nagpolbo na ko. kahit dati naman hindi ako nagpopolbo. Tapos napag-tripan ko yung lip gloss kasi nagpahid ako sa labi ko kahit dati naman ayaw na ayaw ko.
Nagmamadali akong bumaba at unti-unting nakita yung ‘gwapong’ lalaki na sinasabi ni Mitch.
“sorry kung natagalan ako.”mahina kong sambit
Nakatitig lang sakin si Tita, si Mitch at si........................
Mikael (_ _”)
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at hinila na siya palabas. >3<
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
Romance“Magiging hadlang ba ang isang madilim na sikreto upang pigilan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang?”