“Florivee, wala tayong classmate na Gabriel ang pangalan. Promise, hindi ako nagsisinungaling.”
Napa-nganga ako sa sinabi ni Joanne.
Imposible naman ata yung sinasabi niya.
“Joanne, hindi mo ba talaga maalala si Gabriel?”
Seryoso siyang naka-tingin sakin.
Kinikilabutan ako. Bakit hindi nila maalala si Gabriel? Si Gabriel na hinahangaan nila. Yung taong dahilan kung bakit sila naiinis sakin dahil ka-partner ko siya sa Physics. Yung taong kinaiinisan ko madalas. Yung taong naka-upo sa may likod ko. yung taong nami-miss ko ngayon...
May luhang lumabas sa mga mata ko.
Naglakad na ko papunta sa upuan ko. nakatitig lang ako sa upuan sa may likod ko.
Nasan na ba yung taong nakaupo jan? at bakit namimiss ko siya?!
Haaay. Siguro dahil parang kapatid na ang turing ko kay Gabriel kaya nami-miss ko siya. ganito pala feeling pag nalayo ka sa isang malapit na tao sa puso mo?
Bumalik sakin yung lahat ng ala-ala nung nawala ang Lola ko, nang umalis sina Mama at Papa, nung mamatay si...
Si...?
Sino namatay?!
Haaaays, nakalimutan ko tuloy kung sino yung namatay na yun na malapit din sakin.
Pero iba yung nararamdaman ko ngayon na wala si Gabriel eh. parang may nakatusok dun sa loob ng puso ko? haaaaay, hindi kaya may sakit ako sa puso?! Wag naman T^T.
Tsaka, hindi kaya baliw na ko. kasi tignan mo, namimiss ko yung taong kinaiinisan ko?!
>___________________<
Haaaaay nako Ploraybi, timang ka na ata.
Tumingin ako sa paligid ko.
Lahat sila nagtatawanan, ang sasaya nila. Normal sila kahit may kulang sa araw na toh. Pero bakit ako hindi ko magawang tumawa ngayong wala si Gabriel.
Kinuha ko na lang yung libro ko sa Math. Magaaral na lang ako kesa sayangin ang oras ko kakaisip kay Gabriel.
Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung workbook ko sa Math. May nahulog na kung ano galing sa libro...
Yung mga feathers...
Pinulot ko ang mga yon.
San nga ba nanggaling ang mga ito?
Hinawakan ko at kinilatis ang mga balahibo na toh. Nang biglang may parang kung anong ala-ala ang pumasok sa isip ko...
[mahalagang ulitin ang tagpong toh kasi may mare-realize si Ivee dito. Kaya basahin niyong mabuti dahil may clues akong iniwan dito para sa mga mangyayari sa mga susunod na kabanata xD]
Madilim ang paligid. Pero may dumating na isang sasakyan, na nagbigay liwanag sa paligid. Sobrang liwanag...nakakabulag na liwanag. Nasa gitna raw ako ng isang daan. Malapit na sakin ang sasakyan.
MASASAGASAAN AKO!
Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. parang may kumukontrol sa mga ito at ayaw sumunod sa utos ng utak ko na gumalaw. Ang puso ko, napaka-bilis ng pagkabog. Kung makakatakbo lang ako kasingbilis ng takbo ng puso ko, makakasigurado akong mamaka-alis ako at makakaiwas sa panganib na parating.
Sobrang lapit na sakin ng liwanag...
Unti-unting pumipikit ang mga mata ko nang may yumakap saking isang misteryosong lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Pero...
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
Romansa“Magiging hadlang ba ang isang madilim na sikreto upang pigilan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang?”