[a/n]: Hello *u*
sana basahin mo yung story na toh hanggang dulo^^
oo ikaw nga *U*
please spread the FL love <3
-----
“ui, Ivee! Dalian mong tumakbo jan.”
“busit ka Mitch! Bakit kasi dito pa tayo dumaan? Shortcut eka, ayan hinabol tuloy tayo ng mga aso.”
“tumakbo ka na lang jan, wag ka ng dumada.”
Andito ko sa isang eskinita, kasama yung pinsan ko na si Mitch. Tinatakbuhan namin yung mga aso na kanina pa humahabol sa amin. Hindi ko nga alam kung hanggang kelan nila kami hahabulin eh. Pero, wala naman akong magagawa, wala naman kaming laban ng aking pinsan sa mga asong kanina pa kami gustong kagatin.
“FLORIVEE!”Mitch
Nagising ang diwa ko sa tawag ng pinsan ko sa pangalan ko. Ano ba ang nangyari? Napatid pala ako sa isang malaking ugat ng puno.
Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Hindi rin ako makatayo sa kinahihigaan ko. Ang tangi ko na lang na nagawa ay lumuha dahil malapit na sakin yung mga aso.
“Mitch, tumakbo ka na! Kaya ko toh! Wag ka ng mag-alala. Umalis ka na.”
May pag-aalinlangan sa mukha ni Mitch ngunit ginawa niya rin yung sinabi ko.
Ramdam kong papalapit ng palapit na sakin yung mga aso, at ako naman ay naghihintay na sagpangin nila.
Bago ko ipikit ang aking mga mata, kitang-kita ko na sobrang lapit nila sakin. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at naghanda sa pagsugod nila sa akin.
*****
Nagising ako ng maramdaman kong parang may pumapatak na mga butil ng tubig sa mukha ko. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at naaninaw ko ang mukha ng pinsan ko, si Mitch na umiiyak.
“buti at gising ka na insan. Mama, papa, gising na po si Ivee!”Mitch
Yinakap niya kong mabuti. Nilibot ng mga mata ko kung saan ako naroroon. Hindi ito ang aking kwarto sa aming bahay, sigurado ako ron. Nasa isang silid ako sa ospital.
“naku, Ivee. Sa susunod hija, mag-iingat ka.” Sabi ni tito, ama ni Mitch
Ang mga magulang ni Mitch ang nagsilbing mga magulang ko. Dahil yung mga tunay kong mga magulang ay nasa ibang bansa at nagt-trabaho roon.
“sorry po tito.”
“haaaay Ivee. Buti na lang at ayos ka lang. ano ba ang nangyari?”Tita
Tumingin ako kay Mitch.
“sige, lalabas muna kami ng tito niyo, magpapahangin muna kami sa labas.”Tita
Lumabas sila sa isang kulay puting pinto.
“nakuu insan. Buti na lang at ok ka lang. may nagligtas ba sayo?”Mitch
“anong ibig mong sabihin?”
“wala ka kasing kagat ng aso. Kaya ka namin dinala dito sa ospital dahil sa sugat at mga gasgas mo. Pero, wala man lang kagat ng aso kahit saang parte ng katawan mo.”Mitch
May nagligtas nga ba sakin? Hindi ko maalala. Oras nung pumikit ako, wala na kong alam sa mga pangyayari.
“h-hindi ko alam.”
“wag mo ng alalahanin yun. Ang mahalaga, ok ka na. sorry nga pala hah.”Mitch
“wala yon.”
****
Isang lingo na ang nakalipas matapos nung pangyayari na yon. Pinalabas din naman ako sa ospital nung gabing yon.
Bumabagabag pa rin sa isip ko, paano nga ba ako nakaligtas dun? May tumulong ba sakin? Ang sabi ni Mitch nagulat daw silang lahat nung makita ko sa kwarto ko, sugatan at walang malay. Umuwi pala kasi si Mitch sa bahay upang humingi ng tulong kay tito.
Labis na nakapagtataka, hindi ba? Pero sabi nga ni tita, wag na daw ako mag-isip masyado. Wala ng mas mahalaga kundi sa kaligtasan ko.
“ok class, sit down na.”
Dumating na pala yung teacher namin.
“Makinig! may bago kayong kaklase. Hijo, pasok ka.”
May pumasok na lalaki sa pinto. Matangos ang ilong, mahabang mga pilik-mata. Ang buhok niya ay nakatakip sa noo niya. Kaaya-ayang mga labi, at halata sa tindig niya na lalaking lalaki siya. May mga hikaw sa tenga.
“ako nga pala si Gabriel Moroni (ni read as nay) Sylverio.”
Kinilig naman yung mga kaklase kong babae.
Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sakin, mata sa mata. Nung oras na tumingin siya sakin, nakaramdam ako ng pagtaas ng aking mga balahibo.
Pina-upo siya ng guro namin sa bandang likod ko. May kakaiba akong pakiramdam sa lalaking toh, kay Gabriel. Pakiramdam ko ang dilim ng aura niya.
Labis akong nabigla ng magsalita siya.
“Florivee.”Gabriel, sabi niya sa malamig na boses.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Sino ba ang lalaking toh?
Napa-lingon ako sa likod ko, ngunit mukhang hindi si Gabriel yung nagsalita. Nasa guro namin ang atensyon niya. Pero, yung boses na yon. Kahit ngayon ko lang siya nakita, alam kong sa kaniyang boses yun.
Siguro ay nakita niyang nakatingin ako sa kaniya, kung kaya’t tumingin siya sa direksyon ko. Bumalik naman ang tingin ko sa harap ng aming room.
Maraming kakaibang nangyari sakin nung araw na yon.
-----
patikim pa lang ^^
Si Florivee po ay tunay na tao hah. pero hindi siya mismo ang magpo-portray :)
para sa kaniya ang story na toh dahil sa lubos niyang pagmamahal kay Lee Kiseop, ang gaganap na Gabriel Moroni Sylverio^^
mame aybs. para sayo toh :)))
------>VOTE. COMMENT. BE A FAN.
_SSG22
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
Romance“Magiging hadlang ba ang isang madilim na sikreto upang pigilan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang?”