Ikadalawampu't-siyam na Kabanata

286 4 9
                                    

Author's note: Hello FL readers. Ahihi. Pasensiya na kung ngayon lang ako nakapag-update. Malapit nang matapos ito. Mga three or four chapters na lang siguro. Ahaha. I just want to thank you for reading this. Hindi ko pa rin alam kung ano ang ending nito. Ahahaha. Abangan na lang natin lahat.
XD

---
Umuwi na kami ni Gabriel sa bahay ng mga anghel.

Hindi pa rin ako makaget-over sa paglipad namin kanina! Yung feeling na ang ganda ng view kapag nasa taas ka. Tapos noon ko lubos na napagmasdan yung pakpak ni Gab. I never thought na ganun pala kaganda ang pakpak ng isang anghel.

It seems magical and beautiful.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon sa bahay nila. Inaayos ko yung mga gamit ko na inempake ko kanina. Sinasalansan ko yung mga damit ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.

"Bukas yan. Pasok ka."

Narinig ko naman ang pagbukas nang pinto. Patuloy pa rin ako sa pag-aayos ng mga damit ko. Nilalagay ko ang hanger sa loob ng cabinet.

"How may I help you, Florivee ko?"narinig kong sabi ni Gab sabay upo sa may harap ng mga gamit ko na hindi pa nakasalansan

Nilingon ko naman siya saglit.

"Conyo ka na pala ngayon? Paki-ayos mo na lang po yung mga libro at album na nakakalat po. Thank you Gabriel ko."sabi ko sabay ngisi

Nakita ko naman na namula siya. Hah! Ang cute niya. *u*

Malapit na kong matapos sa mga damit ko nang napansin ko na tinititigan niya yung pictures sa photo album ko. Lumapit ako sa kaniya.

"Ang cute ko nung bata 'no? In love ka na naman sa akin?"pabiro kong sabi sa kaniya

Nakatitig lang ako sa mukha niya. He's smiling. Hindi naman siya sumagot nang ilang sandali.

Tumitig na rin ako sa pictures. Nandun na sa pictures na may mukha nung batang lalaki kaya lang blurred kaya hindi ko makita.

"Ang weird o! Yung mukha nung isa, blurred sa lahat ng pictures. Hindi ko na rin matandaan kung sino yang kasama namin ni Mia at Cyann."

Nawala yung ngiti niya sa mukha niya. Tinitignan lang niya yung pictures.

"Bakit Gab?"

Lumingon naman siya sa akin. Nakita kong ngumiti siya.

"Wala. Ang cute mo nga nung bata ka. Now, you're beautiful. And I still don't know kung bakit minahal mo ko. Unang-una, hindi tayo bagay. Pangalawa, magkaiba tayo. Don't you find it absurd?"

Ngumuso naman ako sa sinabi niya. Humalukipkip ako sa may harap niya at tinaas ang isang kilay ko.

"Hindi naman insecure ang Gabriel Moroni Sylverio na nakilala ko. Hmmm. At bakit, kailangan ba ng rason kung bakit mahal kita? Kahit anghel ka pa o alien o ano pa man, tanggap kita. Tss."

Ibinaba niya yung album na hawak niya pagkatapos ay inakap niya ako. Yung ulo ko ay nasa leeg niya. Pilit niya kong sinisiksik pero pilit ko namang tinitingala siya.

"Bawal magtanong?"sabi niya habang nakanguso.

Natawa ako sa itsura niya.

"Hindi naman po. Gabriel, ikaw ba. Bakit sa lahat ng tao sa mundo na ito, ako yung minahal mo? What makes me special?"

"I loved you even before I set my feet here on Earth, Florivee. You just don't know. My love for you is larger than universe. At ganon din si Ama."naka-ngiti niyang sabi

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon