[a/n]: Hi everyone! Ang inyong author ay muling nagbabalik. *bow*
HAHAHA. Pa-epal lang. Pa-follow sa twitter! @SerenityRiri
Kamsahamnida. ^_^
---
Andito ako ngayon sa loob ng kotse ni Gabriel. Inaantay ko siya kasi napag-kasunduan namin na umuwi na muna ko sa bahay nila Mitch para kumuha ng gamit.
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari pero sobrang higpit at bantay-sarado ako ni Gabriel. Kinakabahan na nga ako kasi lagi daw siyang dapat na nakabantay sa akin. Ano ba talaga ang meron? Ganito na ba kalala ang sitwasyon namin at lahat ng anghel ay nasa sa akin ang atensyon?
Pakiramdam ko kasi, may hindi magandang mangyayari.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse ni Gabriel. Sa may bandang harap ng bahay, may mini landscape garden sila. Nagitla ako nang may makita akong isang itim na paru-paro. Naramdaman kong nagtaasan ang mga balahibo ko. Katulad yon nung paru-paro na dumapo sa akin noon sa burol. Yung nakasugat sa akin.
Biglang bumukas yung pinto sa may driver’s seat ng kotse. Kinakabahan ako. Unti-unti akong humarap sa driver’s seat.
Haaaay. Si Gabriel na pala.
“bakit ganyan ka makatingin?”tanong niya sa akin
“a-ahh. Wala naman.”
Hinawakan niya ang mukha ko at itinaas ito. Tinitigan niya ko ng mabuti sa mga mata.
“bakit ka namumutla? Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalala niyang tanong
Huminga ako ng malalim.
“kasi, nakakita ako ng isang itim na paru-paro, yung katulad nang sa may burol. Yung bigla na lang nakasugat sa akin. Andun sa may garden niyo.”
Kumunot naman ang noo niya. Lumingon ako sa may garden.
Bakit wala na yung paru-paro? Nasan na yun?
Nilabas niya ang cellphone niya at inilagay ito sa tapat ng kaniyang tenga.
“Ron, may nakita si Florivee na paru-paro.”Gabriel
Hindi ko naman marinig yung nasa kabilang linya.
“Oo, aalis na kami. Wag niyong hahayaan na makaalis siya.”
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
Romance“Magiging hadlang ba ang isang madilim na sikreto upang pigilan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang?”