Misteryoso at weird po ang inyong mababasa, haha xD
----
GABRIEL’s POV
Nakakapanibago ang paligid. Mula sa lugar ng liwanag na walang makakapantay ay napunta ko sa isang madilim at kakaibang paraiso. Sa isang madilim na paraiso.
May kakayahan akong basahin at manipulahin ang pag-iisip ng isang tao. Ngunit kung sino man ang makakaalam na tao sa kakayahan kong ito ay hindi na tatablan ng aking kapangyarihan.
Sino nga ba ako?
Ako ay si GABRIEL MORONI SYLVERIO.
Kakaiba ko, oo. Kakaiba ko sa inyong mga tao.
***
Naglalakad ako ng makita ko ang isang eskwelahan, isang malaking eskwelahan. Maraming lumalabas na estudyante. Uwian na siguro nila.
Naalala ko tuloy yung panahon na pumapasok pa ko sa eskwelahan.
Tinititigan ko lang yung mga estudyante ng makita ko ang isang pamilyar na mukha ng isang tao.
Ang taong dahilan kung bakit ako bumalik dito…
Si Florivee Erese.
Naglalakad siya palabas kasama ang pinsan niyang si Mitch.
Kailangan ko siyang makausap. Hindi, hindi pa ngayon ang tamang panahon at pagkakataon. Kailangan ko siya, mahawakan ko man lang siya.
Ginamit ko ang aking kakayahan sa pinsan niya. Minanipula ko ang pag-iisip nito na sa ibang daan sila dumaan pauwi ni Florivee.
Sinusundan ko lang sila sa paglalakad.
Wala pa rin pa lang nagbabago sa iyo Florivee. Masayahin ka pa rin tulad ng dati.
Biglang may nagkahulang mga aso at nakita kong tumatakbo na silang dalawa. Kitang-kita ko rin kung paano sila habulin ng mga aso.
May namuong ngiti sa mga labi ko.
Nakakatuwa talaga siya pag natatakot. Yung mukha niya, kakaiba ka talaga Florivee.
Kailangan ko talaga siyang mahawakan, o malapitan man lang. ano ang dapat kong gawin?
Alam ko na.
Minanipula ko ang pag-iisip ni Florivee. Nadapa siya, akala niya nadapa siya sa isang ugat ng puno pero sa totoo lang, wala naman talagang ganun.
Patawarin mo ako. Kailangan ko lang talagang gawin toh Florivee.
Rinig na rinig ko yung mga susunod niyang sinabi sa pinsan niya.
“Mitch, tumakbo ka na! Kaya ko toh! Wag ka ng mag-alala. Umalis ka na.”Florivee
Hindi na ko nagdalawang-isip na manipulahin ang pinsan niya. Kelangan kong makasama kahit sandali si Florivee.
Tumakbo na si Mitch palayo habang si Florivee nakahiga pa rin sa daan dahil sa hindi niya maigalaw yung mga paa niya dahil minamanipula ko siya.
Nung malapit na sa kaniya yung mga aso, pinatulog ko siya gamit yung kapangyarihan ko. madali na lang sakin na manipulahin yung utak ng mga aso.
Tumakbo na din palayo yung mga aso kay Florivee.
Sa wakas, malalapitan ko na din siya.
Unti-unti akong naglakad. Lumapit na ko sa kaniya at nakita ko ulit ng malapitan yung maamo niyang mukha. Inangat ko yung katawan niya sa pagkakahiga at inakap siya ng mabuti.
Florivee, hindi mo alam kung gaano kita na-miss. Kung gaano ko katagal naghintay makita ka lang ulit.
Tinitigan ko ng mas malapit yung mukha niya. Walang pagbabago simula ng huli kaming magkita, ilang taon na rin ang nakakaraan.
Ang saya-saya ko at nakita at nahawakan ko na siyang muli. Pero, nakakalungkot isipin na pag-gising niya, hindi niya na ako naaalala.
“Florivee, pasensya na at natagalan ako. Diba nangako naman ako na babalikan kita? Eto na ko. pero bakit ganyan ka? Bakit hindi mo na ko maaalala?”
Biglang tumulo yung mga luha ko, sabay ng buhos ng ulan.
Binuhat ko na siya at nagsimulang maglakad papunta sa tinitirhan niya malapit lang sa lugar na toh.
Nung nasa tapat na ko ng bahay nila ay nakita kong sarado yung gate kaya pumunta ko dun sa likuran ng bakod ng bahay.
May alam akong lusutan papasok sa bakuran nila, sana hindi pa rin nagbabago yung bakuran nila gaya ng dati.
Tama ako, nandito pa rin yung maliit na butas na natatakpan ng mga halaman at puno. Maliit lang yung butas na toh pero sapat na para makapasok ang dalawang tao.
Naalala ko tuloy bigla nung pumasok kami dito ni Florivee para lang hindi siya makita ng tito niya na pumasok sa loob. Bawal kasi siyang makipag-laro sa amin pero makulit siya. ayun, napilitan kaming dumaan dito.
Sumulot na ko sa butas habang maingat na akap-akap si Florivee.
Nung makapasok na kami sa bakuran, umakyat ako habang buhat-buhat ko siya papuntang second florr ng bahay kung saan yung kwarto.
Naaalala ko, laging bukas yung bintana niya. Hindi niya sinasara yung bintana sa kanang bahagi ng kwarto niya.
Tinignan ko kung bukas yun at tama ang hinala ko, hindi pa rin siya nagbabago.
Inihiga ko na siya sa kama niya at tinitigan yung kwarto niya. Namiss ko toh, namiss kong magpunta dito.
Narinig kong may mga yabag papunta dito sa kwarto niya.
Nilapitan ko si Florivee.
“Florivee, pasensya na at nasaktan ka pa ng dahil sa kin. Pangako, magkikita tayong muli sa lalong mabilis na panahon.”
Niyakap ko siya at hinalikan ng mariin sa noo niya.
Tsaka ako lumabas kung saan kami pumasok.
Lumingon ako sa taas ng bahay.
Florivee, nagbalik na ako. Nagbalik na si Gabriel Moroni Sylverio.
----
yan po yung nangyari sa unang part nitong fl. POV po siya ni Gabriel :)))
---->VOTE. COMMENT. BE A FAN.
_SSG22
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
Romance“Magiging hadlang ba ang isang madilim na sikreto upang pigilan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang?”