Ikaapat na kabanata

748 9 2
                                    

----

“Ivee!!! Gising na girl. Magkwento ka naman! Ui!”Mitch

“ano ba--- inaantok pa ko!”

“gaga! Magn-nine na kaya. Gising na! malapit na kami umalis eh.”Mitch

Bumangon ako at nakita ko si Mitch nakatayo sa gilid ng kama ko.

“ano bang ikekwento ko sayo?”

“ayieeeeh! Anyare senyo ni Gab? May pahatid-hatid pang nalalaman ah. Aysssuuus.”Mitch

Kiniliti niya ko sa may tagiliran.

“ano ba Mitch! Sinabi naman sayo na gumawa lang kami ng project diba?”

Tinignan niya ko ng may halong pagka-pilya.

“sure kang gumawa kayo ng project hah? Eh nung tumawag ako sayo kagabi, ang sumagot si Gab. Ang sabi TULOG ka daw. Ngayon Florivee Erese, sure kang gumawa kayo ng project? Baka naman, MILAGRO yung ginawa niyo.”Mitch, sabi niya habang tumatawa

Ako naman tong namumula, ano bang iniisip ni Mitch? Nakaka-hiya siya grabe >////<

Binato ko siya ng unan.

“lumayas ka nga dito sa kwarto ko.”

“magkwento ka muna, hahaha.”Mitch :’P

“eeeh kasi naman. Gusto mo bang malaman yung totoo?”

“oo naman. Dalian mo, malapit na kaming umalis ni Mama.”Mitch

“nung naglalakad ako ----.”

“MITCHELLE! HALIKA NA! MAGSISIMBA NA TAYO! Baka ma-late tayo.”Tita Amy, sigaw niya mula sa baba.

“anjan na po!”Mitch, nakasimangot naman niyang sagot.

Nakakatuwa talaga toh, siguro nabitin sa chismis xD

“aalis na daw kayo.”

“hoy basta mamaya ike-kwento mo saakin hah! Sige ba-bye na!”Mitch

Lumabas na siya sa kwarto ko at narinig ko yung mga hakbang niya pababa ng hagdan.

Tuwing linggo ng umaga, naiiwan ako dito mag-isa sa bahay. Pumupunta kasi sa simbahan sila Tita. Ako kasi, ayokong nagpupunta don, para kong masusunugan ng masusunugan ng kaluluwa. Naniniwala ako sa Diyos pero hindi ako nanalig sakaniya simula nung mamatay ang lola ko.

*8 years old ako nun, kasama pa namin sa bahay si Lola. Siya talaga yung nag-alaga ng lubos sakin, pati na rin ay Mitch. Mahal na mahal ko si lola, hanggang sa isang araw isinugod siya sa ospital. Ang sabi ng mga duktor, malubha daw si lola. Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi nila, basta alam ko na maaaring kunin saamin si Lola anumang oras naisin ng Diyos.

Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon yung sakit na naramdaman ko non habang naglalakad papunta sa mini chapel ng ospital. Nung mga bata pa kami ni Mitch, palagi akong nagsisimba. Kaya alam ko na sasagutin at tutuparin ng Diyos yung hiling kong wag munang kunin sa amin si Lola, kasi alam kong nagpapakabait ako.

“Lord, please po wag niyo po hahayaang may mangyaring masama sa Lola ko. mahal na mahal ko po yung Lola ko. kahit ano po gagawin ko, hindi na po ako magiging bad basta po iligtas niyo po si Lola.”

Napaka-simple ng dasal ko, at walang tigil yung pagtulo ng luha ko habang nakaluhod at nananalangin.

Ngunit pagbalik ko kung saan naka-confine si Lola, nalaman kong namatay na siya habang nagdadasal ako.

Ang simple lang ng hiling ko pero hindi man lang Niya ako pinagbigyan.

***

Naisipan kong lumabas at maglakad-lakad. Alas-nuwebe na pero hindi ganun katirik yung sikat ng araw.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon