DJANICA’s POV
“djanica, sumama ka na lang sakin. Bakit ka ba kasi nagpapakabuti eh kita mong wala ngang naitutulong na mabuti yan sayo? Kita mo ko, masaya kahit isa akong dark fallen angel.”
Napabuntong-hininga ako.
“Xena, kahit ganito ako kalungkot, hindi ko magagawang magtaksil kay Ama.”
“tssk, sa Ama mong hindi man lang kayang ibigay sayo ang namumukukod tanging lalaki na minahal mo.”Xena
Tumayo siya sa kinauupuan niya at binuksan ung ref niya.
“alam mo Djanica, kung aayon ka sakin, madali mong makukuha si Gabriel eh. Basta wala lang sa landas natin ung Florivee na un, ayos na ang lahat.”
“Xena, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nalilimutan si Mikael?”
Bumalik siya sa upuan niya kanina sa may tapat ko.
“paano ko makakalimutan ang lalaking mahal ko? ikaw ba makakalimutan mo si Gabriel ng ganun na lang?”Xena
Napa-iling ako.
“that’s my point! Hindi mo naman kailangang kalimutan siya kung pwede mong makuha ng sapilitan! Iisang babae lang ang hadlang sa kasayahan natin bestfriend!”Xena
Napapikit ako.
Naalala ko na naman ung nangyari kaninang hapon bago niya ipamukha sakin kung gaano ako nagpaka-tanga sa kaniya.
[flashback:]
Naglalakad ako pauwi. Excited kasi magkikita na naman kami ni Gab. Lagi akong sa front gate ng school dumadaan since nandun lagi si Gabriel para sunduin ako.
Pagdating ko sa front gate, wala si Gabriel. Medyo kinabahan ako.
Pumunta ko sa south wing ng school para pumunta sa back gate. Ewan ko kung bakit pero malakas ang pakiramdam ko na nandun siya.
Pagdating ko, may narinig akong sumigaw.
“ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA KAUSAPIN PA SIYA MATAPOS LAHAT NANG NANGYARI!”
“hindi ko naman talaga intensyong...”
“ANONG HINDI? PINAGHINTAY MO SIYA! YAN BA ANG SINASABI MONG PAGMAMAHAL, HAH MORONI?”
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ung pangalan ni Gabriel.
“wala kang karapatang husgahan ang pagmamahal ko sa kaniya, Jude.”Gabriel
Nanatili lang akong nakikinig sa usapan nila Mikael at Gabriel. Sino bang pinag-uusapan nila?
“at bakit hindi kita huhusgahan? Mahal ko rin siya Moroni, baka nakakalimutan mo. At alam nating dalawa na kaya ko siyang kunin sayo.”maangas na sabi ni Mikael
Hindi ko na narinig ang boses ni Gabriel. Ang tangi ko na lang narinig ay malakas na hagupit ng suntok. Medyo nagpanic ako kung ano na ang nangyayari.
Tumakbo na ko papunta sa kanila at nakitang nakahiga si Gabriel sa sahig habang patuloy siyang sinusuntok ni Mikael.
“TAMA NA YAN!”sigaw ko sa kanilang dalawa
Hindi pa rin sila nagpapigil kaya lumapit na ko para awatin sila.
Tinayo ko si Gabriel. Nakita kong may sugat siya sa labi. Nagdilim ang paningin ko at nasampal ko si Mikael.
“tssk, so pagtutulungan niyo na kong dalawa?”Mikael
“wala kang karapatang saktan si Gabriel!”sigaw ko sa kaniya
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
Romance“Magiging hadlang ba ang isang madilim na sikreto upang pigilan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang?”