Unang kabanata

1.1K 22 9
                                    

----

“Ui Pinsan, ang weird mo ata? Ang tahimik mo eh.”Mitch

Nandito kami ngayon sa isang cafeteria, kumakain ng tanghalian.

“ano ba yung iniisip mo hah?”Mitch

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Mitch o hindi. Kanina ko pa kasi nararamdaman na may nakatingin o naka-titig sakin, pero pag ililibot ko yung tingin ko, wala namang nakatingin sakin. Lagi ko ring naririnig yung tinig ni Gabriel, tinatawag yung pangalan ko. Pero, pag titingin naman ako sa kaniya, tila wala naman siyang ginawa o sinabi.

“haay nako Ivee. Hanggang ngayon ba eh napa-praning ka sa nangyari satin last week? Past is past na. ok ka naman eh.”Mitch

“hindi yun Mitch eh. Pero simula nung hapong yun, madaming kakaibang nangyayari sakin.”

“anong ibig mong sabihin?”Mitch

“parang laging may naka-masid sakin. Tapos may tumatawag sa pangalan ko.”

Tumawa si Mitch.

“alam mo insan, gutom lang yan! Eto oh, kainin mo yang lunch mo! Ang payat mo na nga eh ayaw mo pang kumain ng kumain.”Mitch

Sana nga gutom lang toh. Sana nga yun lang.

****

Pumasok na ko sa room namin. Magka-hiwalay kasi kami ni Mitch ng klase kaya hindi kami pareho ng room.

Pagpasok ko, wala pang tao. Nakapagtataka, malapit ng tumunog yung bell , tanda na simula na ang klase. Pero, limang minuto na lang bago mag-bell eh wala pa yung mga kaklase ko.

Wala na kong nagawa kundi pumunta sa upuan ko. Laking gulat ko ng makita ko si Gabriel, naka-upo sa upuan ko. Kanina lang eh, walang tao dito. Paanong nandito si Gabriel? Siguro ay hindi ko lamang siya napansin.

“magandang tanghali, pwede bang lumipat ka ng upuan? Jan kasi ako naka-upo eh.”paki-usap ko sa kaniya.

“paano kung ayaw ko?”Gabriel.

Ang sama naman ng lalaking toh.

“sige na naman.”

“umiyak ka muna.”Gabriel

Nakakainis naman ang lalaking toh :’/

Lumabas na lang ako ng room namin at nagpahangin. Nung marinig ko yung bell, pumasok na rin ako.

Nandun na yung mga kaklase ko. Nilapitan ko si Joanne, isa sa classmates ko.

“bakit ngayon lang kayo? Akala ko late na kayo eh.”

Hinipo ni Joanne yung noo ko.

“wala ka namang lagnat pero bakit hibang ka?”Joanne

“hah? Ano bang ibig mong sabihin?”

“ikaw nga tong kararating lang eh. Kanina pa kami dito sa room noh. Hindi nga kami naglunch nila Kyle kasi tinatapos naming yung picture frame para dun sa CAT. Nandito lang kami sa room buong tanghali.”Joanne

Hindi ko alam pero, litong-lito ko. Kanina, kami lang ni Gabrielle ang tao rito sa room, sigurado ko. Hinanap ng mata ko si Gabriel pero wala naman siya sa loob ng room. Nakakapagtaka.

Naguguluhan ako sa takbo ng mga pangayayari. Para bang, pinaglalaruan yung utak ko. Pero, napaka-imposible naman nun.

Wala na kong nagawa kundi mapahinga ng malalim at umupo sa chair ko.

-

“so class, para sa project niyo sa Physics this grading period, kailangan niyong magsagawa ng isang research about sa projectile motion.”

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon