Ikatatlongpung Kabanata

185 6 5
                                    

Author's Note: Putakteee. Hindi pala na-save yung tinype ko kanina. So uulitin ko ang chapter na ito. T_T
Salamat sa patuloy pa ring binabasa ang mga kapuchuan ko. :))

Eto naaaaa.
---
Napahawak ako nang mahigpit sa braso ni Mikael. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng kalabog nito. Pakiramdam ko ay naliligo ako sa sarili kong pawis.

Sino bang hindi kakabahan? Libo-libong dark fallen angels ang kaharap mo?

"Hi Florivee." Naka-ngiting sabi ni Djanica sa akin.

Walang hiya siya! Ang akala ko'y magkaka-ayos na kami pero may pinaplano pala siya!

Itinago naman ako ni Mikael sa likod niya,wari'y pinoprotektahan niya ako.

Nagulat ako nang may isang paru-paro na biglang naglaho at nagkaroon ng kukay itim na usok. Maya-maya'y naging si Xena yung paru-paro.

Lumakad siya palapit kay Djanica.

"Huwag mo nang tangkain na itakas siya Mikael. Hindi mo kami kayang labanan." Natatawang sabi ni Xena.

Napalunok si Mikael.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Paano ba nama'y literal na kaya nila akong dalhin sa impyerno.

Naglakas-loob akong pumunta sa harap ni Mikael.

"Djanica, bakit? Ano bang mapapala ninyo sa akin?"

Tumayo naman siya sa kaniyang kinauupuan. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

"Bakit? Alam naman nating dalawa ang dahilan. Wala nga akong mapapala sa'yo kaya dadalhin na kita sa pinanggalingan mong impyerno! Nang hindi ka na makapang-agaw nang mga bagay na pag-aari na ng iba!" Singhal niya sa harap ko

Nakaramdam ako ng galit.

"HINDI MO PAG-AARI SI GABRIEL! AKO ANG MAHAL NIYA KAYA WAG KA NANG MAGPAKA-DESPERADA! Pathetic!"

Nakita ko ang matinding galit sa mga mata niya. Itinaas niya ang kamay niya at umaktong sasampalin ako nang sumigaw si Mikael.

"Djanica! Wag na wag mong sasaktan si Florivee!"

Napahinto naman si Djanica. Lumapit sa amin si Xena para daluhan siya.

"Wala ka ng kawala Florivee. We'll drag you to hell."

Naramdaman ko na hindi na ko nakaapak sa lupa. Gayun din si Mikael. Unti-unti kaming napapaligiran ng itim na usok.

Ramdam na ramdam ko ang parang pagsunog sa buong katauhan ko. Hindi ko naiwasang sumigaw.

May narinig akong tinig na sumisigaw ng pangalan ko.

Bago maging tuluyang apoy ang nakabalot sa amin, nakita ko si Gabriel, nakatitig siya sa akin at hindi maproseso ang nangyayari.

Dun na nagdilim ang paningin ko.

-
Oops. Bibitinin ko muna kayo. :)
May part two ang kabanatang ito. Baka bukas ko itatype. Hindi ko kasi ma-organize ang thoughts ko. Yung ending kasi ano e. Parang hindi ko type! Hahahahahaha.

Dito ko itutuloy yung kabanata na to. Idadagdag ko dito sa dulo. :)

Sa mga SMS readers dito, hindi ko pa alam kung kelan ang update! Tatapusin ko muna itong FL. :)
Sa mga FL readers, may mahalagang announcement ako. :) Sa last update ko na lang sasabihin. Ahihihi. :)

Spread the love! Ikalat ang Riri-madness! Wut? XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon