Ikasiyam na kabanata

605 12 3
                                    

[a/n] Sorry kung now lang ang UD T^T

belated merry christmas and advance happy new year deaaars!

gagawa ako ng fb account ko, gusto niyo? xD

read na nga!

-----

GABRIEL’s POV

Isang linggo na rin ang nakakalipas mula ng huli naming pagkikita ni Florivee. May mga bagay kasi akong inayos sa paglagi ko dito, isa na doon yung pagpasok ko sa paaralan nina Florivee. Gusto kong lagi kaming magkasama sa paglagi ko dito, dahil hindi rin naman ako magtatagal sa lugar na toh.

Madali lang ang pumasok sa eskwelahan na toh, gamit ang kapangyarihan ko ay masusunod ang gusto ko. kahit na wala akong mga school records ay pinayagan akong mag-aral ng presidente ng eskwelahan at pinamili pa niya ako ng gusto kong pasukang section. Syempre, kung nasaan si Florivee, andun ako.

Naglalakad ako papunta sa kwarto kung nasaan si Florivee. Labis na nakakairita yung tingin sa akin ng mga estudyante. Tssk.

Tumapat na ako sa room 106 ng east wing ng eskwelahan na toh, ang kwarto kung nasaan si Florivee ngayon.

Pinapasok na ako ng guro at pinagpakilala.

“ako nga pala si Gabriel Moroni Sylverio.”

Nakita kong ngumiti yung ibang mga babae. Hinanap ng mata ko si Florivee at nakita kong nakatitig siya sakin. Tinignan ko siyang maigi at napansin kong parang kinilabutan siya.

Humanap naman ang guro ng upuan ko at saktong doon ako sa likod ni Florivee pinaupo.

Habang naglalakad ako papunta sa pwesto ko, hindi ko maitago na sabik na sabik ako na makita at makasama si Florivee kuung kaya’t tinawag ko siya sa pangalan niya pagka-upo ko.

Halatang nagulat siya, ayon sa iniisip niya. Tumingin siya sa akin pero naiiwas ko agad yung tingin ko.

Naguguluhan siya, sigurado ako don.

***

Nagpunta si Florivee sa cafeteria kasama yung pinsan niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain sila at nag-uusap.

Nahihiwagaan siya sa mga pangyayari, pakiramdam niya laging may naka-masid sa kaniya. Totoo naman eh, laging may nakamasid sa kaniya. Lagi akong nakamasid sa kaniya. Kailangan kong sulitin ang paglagi ko dito, kailangan kong sulitin yung mga oras na nakakasama ko siya. dahil pag naubos na yung oras na ito, hindi na ulit ito mauulit. Hindi na maibabalik pa ang mga oras na nawala.

***

Nakakatuwa talaga siya, lalo na nung paglaruan ko ang isip niya. Pumasok na siya sa kwarto pero wala siyang makitang tao.

Lumakad na siya papunta sa upuan niya, kung saan ako naka-upo ngayon. Nagpakita na ko sa kaniya.

“magandang tanghali, pwede bang lumipat ka ng upuan? Jan kasi ako naka-upo eh.”paki-usap niya sa akin.

“paano kung ayaw ko?”

Ang sarap niya talagang bwisitin. Kahit naman dati eh.

“sige na naman.”

“umiyak ka muna.”Gabriel

Nararamdaman kong inis na siya. pikunin talaga siya, simula noon hanggang ngayon.

Lumabas siya ng room. Doon ko na tinigilan ang pag manipula sa isip niya.

Ang totoo kasi, nandun yung iba niyang mga kaklase sa loob ng kwarto. Minanipula ko lang ang isip niya na hindi makita yung mga tao.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon