[a/n]: sa mga may pagnanasa kay Kiseop, ipaubaya na lang natin siya kay Florivee sa storyang ito xD
hanoh nikkidoo?*U*
----
“talaga, inaya ka ni Gab bukas?”Mitch
“Mitch naman, hindi kami magde-date oh ano pa man. Gagawa lang kami ng research. Period. Ikaw napaka-dumi ng pag-iisip mo.”
Naglakad na ko palapit sa kama ko kung saan naka-dapa si Mitch.
“gravity! What the hell? Sa dinami-dami ng lugar na pwede kayong gumawa ng project, sa bahay niya ikaw pinapapunta. Baka ipapakilala ka na agad sa parents niya. Kakilig, waaaaah.”Mitch, sumisigaw siya habang pagulong-gulong sa kama ko.>//////<
“tumigil ka nga pwede ba? Ikaw, nakahitit ka ba? Kung maka-gulong ka jan kala mo naman ikaw nag-aayos ng kama ko.”
“hoi Ploraybi, minsan lang naman ako manggulo dito sa kwarto mo hah.”Mitch -____^
[ploraybi=pangalan ko yan eh. tinagalog daw niya sabi ni Mitch.]
“hoy Mitsel, lumayas ka na dito.”
Gantihan lang yan. Mitchelle kasi name niya talaga.
“sinabi ng wag mo kong tatawaging mitsel eh, parang pitsel lang? tsssk , makalayas na nga.”Mitch >3<
Nakakatuwa talaga yon, napaka-pikon kahit kelan.
Humiga na ko sa kama, iniisip ko kung ano ba talaga yung nangyari kanina sa rooftop. Ewan ko pero parang napaka-paranoid ko. Bakit naman ako hahalikan ni Gabriel diba? Ni hindi nga kami magkakilala nun eh, hindi kami close. Siguro nahihibang na naman ako.
Pinilit kong ipikit ang mga mata ko, wala eh. hindi ako makatulog. Kahit anong biling ang gawin ko, kahit anong side ng kama ko umulo, wala. Ang tanging naiisip ko lang ay si Gabriel. Para kasing nakita ko na siya, o kilala ko siya. ewan ko ba, pero imposible naman yon noh. Ang bali-balita taga-ibang bansa daw si Gabriel.
Mukha naman eh, sa itsura pa lang niya. Maputi, chinito, tapos yung mga mata niya na pag tinignan mo ay kikilabutan ka. Tapos yung mapilantik niyang pilik-mata. Pero ang labis na nakaka-kuha ng atensyon ko ay yung labi niya. Para kasing hinulma yon, parang hindi panalalaki, ang nipis kasi. Naisip ko tuloy kung totoo bang dumampi sa noo ko yung mga labi na yon. >________<
Nakakatawa ka naman Florivee, masyado ka na atang hibang.
Pinilit ko na lang na matulog, hanggang sa unti-unti na ngang nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
Romance“Magiging hadlang ba ang isang madilim na sikreto upang pigilan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang?”