Chapter 1

9.2K 205 16
                                    

Hope POV

Hinihingal na ako kakatakbo, tinakasan ko kasi mga body guards ko. Ikaw ba naman may 24/7 na may nakabuntot sau hindi mo sila tatakasan.

takbo!

takbo!

takbo!

Ayoko pumasok sa class kaya ko sila tinatakasan. Lahat ng makitid na eskinita pinasok ko na pero infairness sa kanila anjan parin sila sa likod ko hinahabol ako. Damn it!!! Pagod nako I need to hide somewhere.

Takbo!

Takbo!

Takbo!

Naghahanap ako ng matataguan ko. Liko dito, Liko doon lahat ng pwede malikuan nilikuan ko na.

PAK!!!

"Ouch! Miss sorry..... Oh shit! pwede pag may nagtanong sayo kung nakita mo ako, pls wag mo ituro kung san ako nagpunta." Nabangga ko yung babae hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Tinulungan niya ako tumayo, napaupo kasi ako. Nagpasalamat naman ako.

Tinignan lang niya ako at nag smirk lang siya. Narinig ko yung mga body guards ko na padating na kaya naghanap ako ng pwede pagtaguan at nakita ko yung isang sari sari store na madami tao sumingit ako at hinubad ko ang t-shirt ko para hindi nila ako mapansin and naka itim na sando po ako kaya ok lang na alisin ko yung t-shirt ko. Narinig ko yung head ng body guards ko na nag tanong sa babae na nakabanggaan ko kung nakita niya ako and to my surprise hindi niya ako tinuro, narinig ko na lang na tinuro niya sila sa ibang direction. Nang nakasigurado ako na wala na sila hinanap ko yung girl para magpasalamat pero wala na siya agad.

Lakad... lakad.... lakad....

Ayun at nakita ko din siya.

"Hi..." naka smile ako sa kanya.
Tinignan lang niya ako at tinalikuran ako. Pero tinapik ko ang braso niya at parang na aasar na siya sakin.

"What do you want?" Sabi niya habang nagpatuloy ang pag lalakad. Suplada ah infairness, sinundan ko siya at binilisan ko ang paglalakad kasi mas matangkad siya sakin kaya mas malake hakbang niya.

"I just wana say thank you for what you did kanina, sa pagligaw mo dun sa mga humahabol sakin."

"Sino ba sila? May ginawa ka ba masama? Siguro magnanakaw ka noh?" Sabi niya sakin at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi noh mukha ba ako magnanakaw?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"I don't know wala naman sa itsura ang pagiging magnanakaw" siryosong sabi niya.

Mas tumaas ata kilay ko sa sinabi niya. I don't think she knows who i am at bigla parang may umilaw na light bulb, naka isip ako ng magandang gagawin today hahaha mang iinis ako ng stranger at ng natauhan ako wala na siya sa harap ko nakita ko na lang siya nasakay na sa kotse niya, infairness muscle car ang meron siya. It's a black 1980 Porsche 911sc with leather seats, sun roof and halatang pinacustomize niya at pinaayos niya. Hinabol ko siya at sumakay din ako sa passenger seat.

Hindi ko alam kung bakit pero parang ang gaang ng loob ko sa kanya kahit hindi ko siya kilala.

"What are you doing?" it's her time para magsungit this time, sobrang taas ng kilay niya at tinanggal niya ang kanyang aviator. She has beautiful eyes at mukang pamilyar ang mga mata niyang nakakatunaw, napatitig ako sa kanya. Parang nakita ko na ang mga mata na yan. Nag iisip ako kaya hindi ko namalayan na winiwave na niya ang kanyang kamay sa mukha ko at nagising ako sa reality.

"Sasamahan ka, since niligtas mo ako sa mga bwisit na mga mamang yun I will be your alalay for today. BTW I'm Hope" at nilahad ko ang aking kamay sa kanya. Tinignan lang niya ito ng masama at tumingin ulit sa mukha ko, suplada ang lola mo.

"Hindi ko kailangan ng alalay and pls ms. bumaba ka na may pupuntahan pa ako at hindi ako nagsasama ng stranger dun." pagkasabi niya ay inirapan niya ako.

Nginitian ko naman siya ng napakalake.

"Kaya nga nagpapakilala na ako sau para hindi na tayo strangers sa each other diba."

"Wala ka bang mas mahalagang bagay na magawa kung hindi mambwisit ng kapwa? sa tingin mo naman proud ang magulang mo sau niyan at wala ka bang pasok sa school muka kang grade 8."

I mentally rolled my eyes sa kanya pero nakangiti parin ako ng plastic sa kanya.

"Nope, wala akong pasok at senior yr na ako sa college wala naman kwenta class namin today. Alam ko na yung lesson kaya hindi ko na kailangan pasukan pa. uy concern siya sa stranger"

"FYI hindi ako concern tinataboy lang kita coz I don't want you to go with me, ayoko sa istorbo. First I don't know you and 2nd I don't know you so pls ms chupi alis!"

"Nope, I'm going with you sa ayaw at sa gusto mo."

"Fine!!! Ikaw bahala basta pag nainis ako sayo ililigaw kita na parang pusa"

Yehey I won, my charm worked. I'm so happy. She drive fast pero sanay naman na ako sa mga kaskaserong driver dahil isa din ako sa kanila hahaha! Ngayon ko lang napansin sexy pala siya kamukha niya si Glaiza De Castro. Ang porma niya ay ang simple lang pero astig tignan. Naka plain white t-shirt lang siya, fitted jeans at naka boots. Napansin ko na palabas kami ng Manila. Hmm I wonder kung san kami pupunta. Ikaw naman kasi sama ka ng sama hindi mo naman pala alam kung san punta niyo. Ok lang hindi naman siya mukhang mamatay tao.

"San punta natin?"

"Batangas"

"Aaah Batangas lang pala.......wait WHAT BATANGAS? EH ANG LAYO NUN AH!!!"

"Ouch will you pls shut up and no one told you to go with me. Kung gusto mo bumaba, ipapara ko na."

"Nope......I'm going with you. I think I need a vacation din naman"

"Suit your self"

Yun lang ang sinabi niya at inayos ko naman ang sarili ko para matulog. Mahaba pa ang biyahe, matutulog muna ako. Nasa kalagitnaan kami ng byahe na mejo na-alimpungatan ako ng konti at narinig ko siya may kausap sa cp niya.

"Plan is success. I have the package. Yes Sir" at naramdaman kong sumulyap siya sakin. hmm sino kaya yung kausap niya after nun ay tahimik na ulit siya, bumigat naman ulit ang aking mga mata nakatulog ako ulit.

Nagising ako dahil naramdaman ko nakatigil ang sasakyan, nakapark kami sa walang katao tao at wala akong kasama. Nag panic ako bigla omg asan siya!?! Baka kidnapper pala siya omg ang tanga mo talaga. Naiiyak na ako ng bigla siya pumasok sa kotse na may dalang dalawang plastic bags na may lamang bottled waters and foods. Bigla ko siya nayakap ng nakaupo na siya, sobra akong natakot akala ko nakidnap na ako at ng natauhan ako binitawan ko naman siya agad.

"Sorry, akala ko kasi iniwan mo na ako"

She smiled, Woah! first time ko siya nakita ngumiti at ang ngiti na yan parang pamilyar din. She reminds me of someone, i just don't remember who.

"Hindi naman ako ganon kasama, naglagay lang ako ng gas at bigla ako nakaramdam ng gutom kaya eto bumili ako ng pagkain natin" Binigay niya sakin ang plastic para makapili ako ng pagkain at binigyan din niya ako ng bottled water. Nakatitig lang ako sa kanya, mabait naman pala siya. "Oh bakit may dumi ba ako sa mukha at ganyan ka makatitig?"

"Ah eh wala naisip ko lang mabait ka pala."

"hahahahahaha akala mo lang mabait ako hahahahaha" grabe naman siya makatawa....wagas. Pero masarap sa tenga.

Tahimik lang kami kumain and after namin kumain nagulat ako sa ginawa niya.

"My name is Karma nga pala" pagkasabi niya nun ay nilahad niya ang kanyang kamay.

"Nice meeting you Karma." at ngitnitian ko siya ng totoo. I think magkakasundo naman kami.










A/N: Biglaan ko lang naiisip tong kwento na toh at basta kailangan ko lang siya isulat para mawala sa isip ko hehehe! I'ts not going to be your typical love story. THank you po sa mga readers.

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon