ch 2

4.4K 146 5
                                    

Hope POV

"Hay sa wakas nakarating din" bumaba ako ng kotse ni Karma at nag inat inat at inamoy ang masarap na simoy ng hangin. hmmmm walang pollution....fresh air.

"Wow parang na pagod ka ah, nakakpagod ba umupo?" Sarkastiko niyang tanong. At nag smirk.

Eto na naman tayo suplada na naman siya.

"I was asking you if you want me to drive, ayaw mo naman" tinaasan ko siya ng kilay. Totoo naman eh tinatanong ko sya kung gusto niya ako mag drive puro wag na ok lang ako tas ngayon mag susungit siya. Para siyang bipolar.

Hindi siya nag salita, inirapan lang niya ako at nilagpasan lang niya ako.

"SUNGIT!!!" ugh bwiset! Sa inis ko hindi ko siya sinusundan at napansin niya ata na wala siyang kasunod kaya umikot siya at tinignan ako ng nakataas ang kilay.

"Ano pa iniintay mo jan pasko? Or gusto mo buhatin pa kita mahal na prinsesa kasi baka mapagod ka...."

Hindi ko siya sinasagot at naglakad ako ng pamaktol at sinadya ko siyang binangga. Bipolar! kanina super nice niya and then ngayon naman ang sungit niya pero kahit sa kotse tahimik lang siya ako lang yung nagkkwento ng kung ano ano. Pag dating ko sa may pintuan, inintay ko siya dahil hindi ko naman alam kung sa kanya ba tong bahay na toh or hindi. Katamtaman lang laki nung bahay and it's a typical province house, presko ang dating at luma na. Naka crossed arms lang ako sa corner while waiting for her. Pag dating niya sa may pintuan, kumatok siya.

Tok! Tok! Tok!

May nagbukas na isang babae, mukha siya nasa mid 30s niya at may sumunod na lalake ganon din ang itsura niya nasa mid 30s narin pero mukang mas matanda siya sa babae. Ngumiti naman sila agad ng nakita si Karma.

"Oh andito ka na pala, kanina ka pa namin inaantay bakit ngayon ka lang?"

"Pasensya na po tita may istorbo po kasi ako nakasalubong kanina" pagkasabi niya ay tumingin siya agad sakin.

"Aba eh may kasama ka pala." binati niya ako at nginitian ako. buti pa si ate mabait. "Hali na at pumasok kayo, nakahanda na ang hapunan"

Pag pasok namin ay binati din ako ng lalake at kinamayan ako. Napaka hospitable at mababait sila hindi katulad nitong si ms. sungit.

"Bakit naman hindi mo sinabi Karma na may kasama ka pala sana mas madami kami hinandang pagkain..." sabi ni ate habang hinahandaan nila ako ng plato at mga kubyertos.

"Tita okay lang po hindi ko naman kasi expected na may makakasama pala ako na asungot sa pag punta ko dito, gusto ko kasi magbakasyon hindi ma-stress" tinignan niya ako ng nakataas ang kilay. "And hindi rin naman mag tatagal dito yan". At umirap sakin.

Gusto mo ng asaran ah, pagbibigyan kita.

"Ako nga po pala si Hope at palabiro po talaga yang pamangkin nio, i will stay here po hanggang andito si karma sabay po kami uuwi ng Manila" i gave them my best smile with dimples and all. Pag tingin ko kay karma naka simangot na siya at parang nausok na ang tenga at ilong niya. Hahaha ANG PIKON TALO!

Habang kumakain kami nagkkwentuhan lang sila at minsan naman ay tinatanong ako ng tito at tita niya about me pero hindi ko sinabi kung sino ako. Nakikitawa ako sa kanila pag may naalala silang nakakatawa about Karma nung malit pa siya at si Karma naman halatang naasar pag pinag uusapan ang childhood niya. Hay naku tong babaeng toh napaka sungit, pinaglihi ata sa sama ng loob. Pagkatapos kumain tinulungan ko sila magligpit.

"Hayaan nio na si Hope ang mag hugas ng pinggan para may silbi naman yan." -Karma

"Ikaw talaga Karma. Naku hindi na Hope at bisita ka namin, wag ka makikinig diyan sa pamangkin ko meron ata ngayon yan kaya napaka sungit." -tita

Nginitian ko tita niya at nagpasalamat, binelatan ko naman si Karma. Hahaha! At nagdadabog siya umalis ng dining room. PIKON!

Hinatid naman ako ng tito ni Karma sa kwarto ko.

"Ayan iha ito ang guest room namin, pasensya ka na at maliit lang toh" nakangiti siya sakin.

Pumasok nako sa loob at nilapag ang gamit ko.

"Naku tito ako nga po dapat humingi ng pasensya sa inyo kasi nakaka abala po ako sa inyo. Maraming salamat po" -Hope

"Ano ka ba hindi ka abala, at basta kaibigan ni Karma welcome dito samin" Tito. bigla sumabat si karma.

"Hindi ko kaibigan yan!" Pagkasabi niya nun ay pumasok na din sa kwarto na nasa harap ng kwarto ko at binagsak pa pinto. Nagkamot ng lang ng ulo tito niya.

"Huwag mo na pansinin yang si Karma may sapak lang talaga yan minsan pero mabait naman yan. Sige iha pahinga ka na."

"Ok lang po tito sanay nako sa kanya. Salamat po ulit at pasensya na po sa abala. Good night po sa inyo ni tita."

Nginitian lang niya ako at umalis na. Sinaran ko ang pinto, inayos ko gamit ko. Nag ready nako matulog. Buti na lang talaga dala ko lage toh "to go backpack" ko haha kumpleto laman nito para akong lage maglalayas hahaha! Ng natapos nako sa lahat ng dapat tapusin binuksan ko ang binatana nag inhale at exhale. Hay ang sarap malayo sa gulo, malayo sa reality. Ang ganda ng sky puno ng bituin at ang buwan bilog na bilog. Naalala ko sila mama at papa pati ang kapatid ko bigla ako nalungkot at naluha. Pinahiran ko ang luha ko.

"I'm sorry papa, i can't be the daughter you want me to be." Nag buntong hininga ako at pumunta na sa higaan ko. Itutulog ko na nga lang ito. Ayoko mag drama tonight, pagod lang toh.





A/N: pasensya na po at lame ang update. Thank you po sa pagbabasa.

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon