ch 3

3.6K 136 1
                                    

Hope POV

TOK!

TOK!

TOK!

"Iha gising na at para makapag almusal ka na" -tita ni karma

Nagising ako sa katok ng tita ni Karma.

"5 more mins. Pls"

"Ano sabi mo iha?"

Napabalikwas ako at bigla ako napaupo ng naalala ko wala pala ako sa bahay.

"Ibig ko po sabihin babangon na po. Salamat po tita." Nag inat inat muna ako bago ako tuluyan bumangon.

Dumungaw muna ako sa bintana para lasapin ang malamig at sariwang hangin dito sa probinsya, minsan lang toh kaya dapat lubus lubusin. Nadinig ko din ang tilaok ng manok. Ibang iba sa nakagisnan ko na siyudad. Dito tahimik, hindi magulo at sa pinaka importante sa lahat wala nakakakilala sakin dito. Sino naman ang mag aakala na ang isa sa anak ng pinaka makapangyarihan tao sa bansang ito ay nandito sa probinsya na ito. Hanggang kailan ko kaya maitatago ang tunay kong pagkatao sa lugar na toh.

Paalis nako sa may bintana ng nakita ko si karma may kausap siya sa phone. Mukhang siryoso ang topic nila kasi sobrang siryoso ng mukha niya. May bf kaya siya? Hmmm why am i curious? Hay nako makapag breakfast na nga.

Lumabas nako ng kwarto ko at pag dating ko sa kusina busy pa si tito at tita ni karma nag hahanda ng breakfast. Hmmmm bango ng amoy... tinangka ko tumulong pero pinaupo agad ako ni tita. Nakakahiya naman wala man lang ako naitulong.

"Iha nagkakape ka ba? Or hot chocolate ang iniinom mo? May sariwang gatas din" -tita

"Gatas na lang po. Minsan lang ako maka-inom ng sariwang gatas po. Tulungan ko na po kayo diyan."

"Naku bisita ka kaya jan ka na lang at matatapos na toh. Oh ito ang gatas mo. Pag pag pasensyahan mo na ang pagkain ah wala kasi kami pang mayaman na ulam" -tito

Inilapag nila sa hapag kainan ang tuyo at kamatis at itlog na pula at ang garlic fried rice. Nanlake mata ko wow sarap naman puro paborito ko. Sa bahay kasi ayaw nila magluluto ng ganito mangangamoy daw ang buong bahay ng tuyo.

"Naku tito....tita paborito ko po ito.... asan nga po pala si tigre? I mean si sungit? Ay d pala si karma po pala? Hahahaha" pati sila nagtawanan din

"Lumabas kanina eh pero alam naman niya kakain na" -tito

"Sige na iha kumain na tayo wag mo na intayin yung kaibigan mo. Dadating na din yun." -tita

Pagkalipas ng halos isang oras natapos na din kami kumain at nakakatuwa sila dahil ang sweet nilang dalawa at kahit matagal na silang kasal maasikaso parin sila sa isa't isa. Buti pa sila nahanap na nila ang kanilang forever ako kaya kelan ko mahahanap si mr right? Hindi na din dumating si karma. Naubusan ko tuloy siya ng pagkain. San kaya nag punta un?

"Tita pano po yan naubusan na si karma ng almusal ang tagal naman kasi niya"

"Hayaan mo na pag ganyan d nasulpot yan ng agahan ibig sabihin tumakbo siya." -tita

"Oh ayan na pala siya, kain na karma" -tito

Infairness kay karma, ang sexy niya. Galing siya sa pag joggging. Naka black sports bra and grey jogging pants siya. Kaya kitang kita mo ang curve ng katawan niya, pati ang malapit ng mabuong abs kitang kita.

"Kape na lang po tito, parang inubos na ni hope ang pagkain eh" -karma tinignan niya ako with a blank face.

Lumapit siya sa tabi ko at imbes na magalit ako sa sinabi niya parang umurong ang dila ko. Pano ba naman san ka nakakita ng pawisan na pero ang bango pa din, she smell like a sweet strawberry my fave fruit. At kung sa ibang tao mandidiri ka pag pawisan sa kanya hindi dahil pinanood ko pa ang tulo ng pawis niya lakbayin ang kanyang katawan from her neck to her sexy abdomen. Bigla ako natauhan, did i just check her out?

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon