ch. 4

3K 121 3
                                    

Hope POV

Andito ako sa may favorite spot ko , san pa kung di sa duyan. Sarap mag muni muni. Isang lingo na kami dito sa Batangas at parang walang balak bumalik ng Manila si Karma at himala wala ako naririnig na may naghahanap sakin. Nasa gitna ako ng pag iisip ng bigla na lang lumitaw si Karma sa tabi ko, may dala siyang picnic basket at isa pang himala dahil naka ngiti siya sakin.

Inalis ko ang aviator ko at tinignan ko siya na parang anong gusto mo look.

"Halika papasyal tayo" -Karma

"Tayo papasyal?" Gulat kong tanong. Tumango lamang siya.

"Weeeh di nga ipapasyal mo ako?" Gulat ko padin tanong, tumango lang siya ulit sakin at ngumiti pa.

"Ikaw.......?... ipapasyal ako??? Hmmm may sakit ka ba??? Baka naman nilalagnat ka??? Baka naman nanaginip lang ako?"

"Ipapasyal nga kita kasi baka sabihin mo naman napaka sama ko at kahit isang beses man lang hindi kita pinasyal. Kaya mag picnic tayo. Halika na." Nilahad niya ang kanyang palad sakin para alalayan ako tumayo. Kinuha ko naman ito at nagpasalamat sa kanya. Tinignan ko lang siya at ngumiti naman siya. Naku yang ngiti na yan nakakatunaw at parang pamilyar talaga eh. Iniwas ko bigla tingin ko. Ano ba yan kung ano ano naiisip ko.

"Inutusan ka ng tita mo ipasyal ako noh? San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Hahaha i swear ako talaga may gusto ipasyal ka bago tayo umuwi bukas sa Manila. Para naman hindi puro kasungitan ko ang naalala mo" tumingin siya sakin at ngumiti na naman. Gosh feeling ko para akong ice na natunaw.

"Awww uwi na pala tayo bukas" nalungkot naman ako bigla.

"Bakit ayaw mo pa ba umuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo?"

"Hindi naman siguro" matipid kong sabi.

"Huwag ka na malungkot kaya nga kita ipapasyal para sumaya ka hindi para malungkot"

"Wow bait mo ngayon ah. Bipolar ka ba?"

Tumawa siya ng pagkalakas lakas at umiling iling lang, napangiti narin ako dahil ang sarap sa tenga ng tawa niya. Makalipas ang mahaba at nakakapagod na lakaran.

"We're here" -Karma

Sulit sa pagod dahil Grabeh ang ganda. Sa tabing ilog niya ako dinala. Ang mga damo green na green tapos may mga baka pa dun sa tawid ng ilog, mapayapa sila nakain. Ang tubig ay napaka linaw, kapag tumapat ka sa tubig pwede ka manalamin. Nakakarelax din ang lagaslas ng tubig, musika sa aking pandinig. Madami puno at may mga bulaklak sa paligid ng mga puno kaya madami ang mga paru-paru sa paligid. Si karma naman ay naglatag na ng kumot sa damuhan sa ilalim ng napaka lake at matandang puno dito. Nilabas na din niya ang mga pagkain, napangiti ako talagang nag effort siya para dito. Tinabihan ko siya at tinulungan ko maghain.

"Salamat ah." Nakangiti kong pagkasabi sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya, nahihiya ako dahil naka smile din siya baka matunaw na naman ako.

"Walang anuman, nagustuhan mo ba?"

"Oo naman pakiramdam ko nasa paraiso ako"

Nagulat din ako sa pagkain dala niya dahil mga paborito ko ang mga ito. Tosino at garlic fried rice ang akin. Kanya naman tapa at garlic fried rice, may mga sliced fresh fruits pa. Shempre ang panulak namin ay kape at tubig. Ayos ah. May mga chips din siyang dala para mamaya siguro for snacks at coke.

Tahimik lang kami kumain at ngayon ay nakahiga kami magkatabi sa damuhan.

"Ano pangarap mo Hope?" Tinignan ko siya kung siryoso siya sa tanong niya at muka naman siryoso siya.

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon